Chapter 7 The Shatsune Family

31.8K 540 5
                                    

Terra's Point of View

At nang makauwi na si Mesaiyah sa aming bahay ipinaliwanag ni papa ang lahat ng mga nangyari sa mga araw na wala siya. Nagmakaawa ang aking kapatid, hinawakan niya ang tuhod ni papa para mabago ang kanyang isip subalit wala lang itong kibo kundi itinuloy ang pagbenta niya kay Saiyah sa mga gustong bumili sa kanya. Iyak ng iyak ang aking kapatid noon subalit wala pa ring kibo ang aking ama.

Patuloy na sumasagi sa isip ko kung paano sila ngumiti nang mabigyan sila ng pera habang ang aking kapatid naman ay labis na nagmamakaawa sa kanila. At nang malaman na niya ang buong katotohanan na siya ay ampon lang. Humingi ako ng sorry subalit hindi niya ito tinanggap. I told her that I will explain everything but she's pushing me away. Hindi nalang ako nakipagmatigasan sa kanya dahil alam ko namang may mali din ako kaya hinayaan ko muna siya para makapagisip-isip.

Umuwi siya sa bahay kagabi ng basang-basa at patuloy pa rin sa pag-iyak. Sabi niya umalis na ang kanyang bestfriend papunta sa Italy. Oo, mahirap ang mga nangyayari sa kanya ngayon lalo na at iniwan na siya ng kaisa-isa niyang bestfriend at wala na siyang ibang masasandalan ngayon kundi ako nalang kaya naman napatawad na niya din ako.

"I love you ate."

"I Love you too Saiyah. So, ano na ang gagawin mo ngayon? Ngayong araw kana kukunin ng mga bumili sayo." sagot ko habang hinihipo ang buhok niya.

"Ewan. Hindi ko na alam ang gagawin ko ate."

"Wala kang gagawin? Hindi ka tatakas? Hindi ka lalayo? Paano na ang pag- aaral mo?" tanong ko sa kanya.

"Ito yata ang nakatadhana sa akin. Tumigil sa pag- aaral at magpakasal sa isang lalaki na ni ugali, mata, buhok, kamay, paa, braso, ilong, binti, ang lahat-lahat sa kanya eh hindi ko kilala at siguro nakasulat na sa palad ko na ang kaisa-isa kong bestfriend ay iiwan ako." awang-awa na ako sa kanya. Kung pwede lang ako ang magpakasal sa lalaki na yan pero hindi eh.

May mga tao talagang manhid, walang puso katulad ng mga magulang ko. Sobra na ang ginagawa nila kay Mesaiyah. Nagkatinginan kami at naririnig ko na ang sunod-sunod na pagdating ng mga motor, andito na sila para kunin nila ang kapatid ko.

"SAIYAH! TERRA! LUMABAS NA KAYO DIYAN!" Tawag ni papa sa amin.

"Buo na talaga desisyon mo? Hindi kana uurong?" tanong ko habang nakahawak sa magkabila niyang kamay. Tumango siya.

"Sigurado ka?" tumango lang ulit siya at nakikita ko ang pagtulo ng kanyang luha.

"Gusto kong tumakas. Gustong-gusto kong makaalis dito pero hindi ko magawa. Wala akong ibang choice ate." patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Kung may magagawa lang talaga sana ako. Napakairesponsable kong ate. Wala man lang ako magawa para sa kapatid ko. Tanging nagawa ko nalang ay ang yakapin siya.

"Andito si Lord para gabayan ka. This fate is yours. Lahat ng mga ito ay may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na'to. Wag kang mag- alala." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya atsaka siya ay niyakap. At nang dumating na ang pamilya ng mapapangasawa ni Mesaiyah, napilitan akong sumama sa kanila. Kailangan kong magtahan sa bahay nila sa loob ng dalawang linggo para matulungan ko ang aking kapatid na mag-adjust sa bago niyang buhay.

Tinitingnan ko si Mesaiyah habang naglalakad kami papasok sa gate nila. She looked so pale at napakalalim ng kanyang iniisip. Hanga lang ako kasi sobrang laki ng bahay ng mga stranger family. Nagtataka lang ako kasi puro painted black ang bahay nila. Napapalibutan ito ng maraming puno at napansin kong wala silang kapit-bahay. Marami din silang halaman pero ang pinagtataka ko lang. Bakit full blacked ang bahay nila?

At nang makapasok na kami sa malaking itim na pintuan ng bahay nila, sobrang nakakahanga kasi makikita mong black ang harapan ng bahay nila pero dito sa loob. Nakakaiba. Ang unique ng style. Sa lahat ng mga magagandang bahay na nakita at napasukan ko, eto na ang pinakamaganda. Halatang mayaman sila. Oo, mayaman sila. Nabayaran nga nila ang kapatid ko sa mga magulang ko eh. Atsaka, ang mga yakuza ay mayayaman talaga. Wala pa akong nababalitaan na may yakuza na mahirap. Maraming paintings and antiques ang nakadisplay dito na mukhang mamahalin at nanggaling pa ito sa ibang bansa. Even their chairs, tables and blankets, kahit na yung sahig nila parang mga royal blood ang nakatira dito, mga king and queen, prince and princess.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon