Chapter 67 Dati

14K 240 3
                                    

Mesaiyah's Point of View

I forced myself to sleep because of a heavy cold rain outside but I can't. I tried to close my eyes again but I can't. I'm feeling paralyzed after seeing Angelo at sabihin sakin ang masasakit na salita na 'yun. For him, it's just a simple word but for me para akong pinagbabato ng ng kutsilyo ng mga tao kahit na walang ginagawa sakin. I was in his room staring at the ceiling when suddenly, stranger open the door and he's like basang-sisiw.

Basang-basa siya na akala mo shower ang ulan para doon maligo. Hindi ko siya pinansin kundi nagtalukbong nalang ako ng kumot at ngayon, sa puting kumot nalang ako nakatitig. Pinapakiramdaman ko siya.

Maya-maya, naramdaman kong may tumabi sakin at nakishare ng aking kumot at pagtingin ko..si stranger pala.

"Bakit ka nasa tabi ko?" may pagtatakang tanong ko.

"M-malamig kasi kaya hayaan mong dito muna ako." mapuputla ang kanyang labi kaya mukhang nilalamig nga siya.

"Gawin bang shower ang ulan. Sinong hindi lalamigin nun."

"W-wag k-ka ng maingay." nanginginig niyang sabi.

"Wag ka ngang magreklamo. Pasalamat ka pinatabi kita diya—"

O__________O Bigla niya akong niyakap na akala mo isa akong unan.

"Yayakap muna ako sa'yo kasi nilalamig ako. I need your heat."

Ohmygod?! Wala akong ibang nagawa kundi lumunok nalang ng laway. Nararamdaman ko nga ang lamig niya mula sa kanyang katawan pero tama bang yakapin niya ako ng bigla-biglaan?

"Nagpaalam ako sa'yo. Wag ka ng magreklamo." he added.

"B-bakit ba? A-ano..unan nalang ang yakapin mo. W-wag ako.."

"Kapag ako nilagnat ikaw ang sisisihin ko." at lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.

My heart. Parang ang daming kabayong tumatakbo sa loob nito. Dinig niya kaya ang tibok ng puso ko? Tumingin ako sa kanya at grabeng lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nakapikit ang kanyang mga mata at mukhang natutulog na siya. Sobrang gwapo niya sa malapitan, ang hahaba ng pilik-mata niya at ang ilong namin halos magkadikit na. I can feel his warm breath touching my face and then after a minute of staring at his cold face. Hindi ko alam, nakatulog na din pala ako habang yakap niya ako.

Hindi ko inexpect na makikita ko si Angelo but I guess, expecting is the worst way of being hurt lalo na kung sinabihan ka ng animo'y isa kang estranghero para sa kanya pero sana isang araw ,magkabunggo ulit kami at sabihin sakin ang tunay na dahilan kung bakit niya ako iniwan.

Almost 2 weeks nalang at graduation na namin kaya wala na kaming masyadong klase at sa mga oras na bakante ako, nagpupunta ako sa runaway house para kumanta dahil sayang naman ang sweldo kung hindi ako pupunta dito.

"Mesaiyah." napatingin ako kay Seth na tinawag ang aking pangalan, maya-maya lang ay kakanta na kami at nagsisimula na ngang magdatingan ang mga runaway na tao.

"Bakit?"

"Kapag mahal mo ang isang tao kailangan bang ipaglaban?"

"Waah! Tinatanong pa ba 'yan? Syempre naman. Kailangan mong ipaglaban lalo na kung mahal mo." napaisip tuloy ako. Hindi ako ipinaglaban ni Angelo laban kay stranger. Sumuko agad siya, he let me go agad-agad. Kung sa bagay, bakit ba naman ako aasang ipaglalaban niya ako e hindi naman niya ako mahal.

"Sa pamamagitan ng?"

"Depende naman sa'yo kung pano mo siya ipaglaban. Magtanan nalang kayo kung hindi mo kayang ipaglaban. Kung gusto mong takasan, magtanan is the best way."

"Sure ka?"

"Oo. Sure ako, teka nga? May ipaglalaban ka?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Oo eh. Pero hayaan mo na. Tara na sa stage, kakanta na tayo." sagot niya at nauna ng pumunta sa stage at sumunod na ako. Naalala ko nung last week na makita ko siyang sinampal ni Dianne. Hindi kaya, tama ang iniisip ko? Si Dianne ang ipaglalaban niya laban sa kanyang mga magulang?

"Good day guys. Andito na naman kami ni Mesaiyah para handugan kayo ng madadramang kanta." seth started.

"Yeah!Dadagdagan namin ang lungkot niyo at sumabay kayo samin." sang-ayon ko and he started to sing.

Now singing: Dati by Sam Concepcion and Tippy Dos Santos featuring Quest

ohh oohh

Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat

Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo

Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi Lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi

Naglalaro ng tao taong piso-pisong nabili

Umaawit ng theme song na sabay kinabisa

Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ano ba itong kanta na'to. Kanina ko pa ito kinakanta pero bakit ngayon ko lang narealized na natatamaan ako. Lalo ngang nadagdagan ang lungkot ko. Nakakaiyak. Parang may malaking buko sa aking lalamunan na nakaharang, ang hirap magpigil ng luha.

Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon)

oooh oh oh

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari

Ngunit ang pagtingin, Ngunit ang pagtingin ay gaya pa rin ng da-ra-rat-da-

dati (3×)

Na gaya pa rin ng...

Hindi ko na nakanta pa ang sunod ko pang sasabihin dahil sa tuluyan ng tumulo ang aking luha. Tahimik silang lahat at sa akin nakatingin.

"Uhh. Sorry." Bumaba na ako sa stage at hanggang sa pagbaba ko ay nakatingin silang lahat sakin. Dumiretso ako sa cr at nagkulong at doon ko ibinuhos ang aking luha.

"Mesaiyah. Oy, okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" tanong ni seth habang tinutoktok ang pintuan.

"Walang masakit sakin, bumalik ka na. Okay lang ako."

"Okay ka lang. Talaga?"

"Oo. Sobrang okay ako. Napaiyak lang ako dahil nakakaiyak 'yung kanta."

"Ah. Oh,sige. Sumunod ka hah?!"

"Oo, susunod ako." at naramdaman kong umalis na si Seth. I took a heavy sigh and try to look okay. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko na parang walang bumabagabag sa isip ko. At paglabas ko nang comfort room biglang nag-ingayan ang mga tao.

Si stranger..at ang mga kaibigan niya aakyat sa stage at kakanta? Vocalist si stranger? Weh?

"Masyadong sensitive ang babaeng umiyak ng dahil lang sa kanta." he said at nag eecho echo pa ang boses niya. Anong sensitive? Ha! Yabang mo! Kasalanan ko bang mababaw ang luha ko.

Lumapit pa ako ng konti sa kanila, grabeng ingay ng mga tao dito tapos kung ano-ano pang sinasabi. I love you something ek-ek etc eklavush kalokohan ang sinasabi nila. Nagstart ng magstrum ng guitar si Denstah at Razec, isama mo pa ang pagdrum ni Kerk na lalong ikinaingay ng lahat. Natahimik ang utak ko ng marinig ko ang boses niya.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon