Chapter 74 Kosuri Win

13.3K 239 6
                                    

Mesaiyah's point of view

Hindi nalang ako tumuloy sa classroom. Nakakatamad. Nakakawalang gana. Nakakainis. Nakakayamot. Nakakabadtrip. Halo-halo ang nararamdaman ko pagkatapos ko silang makita na magkasama.

Ang unfair. Bakit kung kelan nahuhulog na ako kay stranger, dun pa siya lumalayo. Aish! Hindi ko alam kung naiinis ba ako o nagseselos dahil hindi man lang niya ako binati o tinawag man lang, kundi tiningnan lang ako. Alam naman niya na kagagaling ko lang sa sakit. Hindi man lang niya ako kinamusta o kaya tinanong kung bakit ako pumasok?

"Bakit ba ako nagrereklamo samantalang hindi naman siya nagrereklamo sa tuwing nirereject ko siya sadyang napakatanga ko lang. Matagal na siyang nasa tabi ko pero ngayon ko lang narealize na gusto ko pala siya." Nagsisisi na ako kung bakit ngayon ko lang narealize na gusto ko siya at higit na pinagsisisihan ko ay ang pagbalewala ko sa mga effort ni stranger kaya wala akong karapatan na magreklamo kase kasalanan ko naman.

Narealize ko lang na nasa kanya pala ang pagmamahal na hinahanap ko, ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi naibigay ng kinagisnan kong magulang pero ako ngang si tanga na hindi ko agad 'yun nakita.

"Bulag yata ako! Sinayang ko lang ang mga panahon na binibigay niyang pagmamahal sakin na dapat magpasalamat ako at suklian iyon pero hindi eh, tinapon ko lahat. Siya ang nagpupuno ng baso ko pero ako naman ang nagtataktak." Sabi ko sa sarili ko. Haaays. Alam kong nagpapatulong sa akin si Kosuri, tnry ko naman siyang tulungan, ginawa ko na ang makakaya ko para tulungan siya pero hindi naman ako pinapakinggan ni stranger eh. Anong iba ko pang magagawa?

"Hoy Mesaiyah!" napalingon ako mula sa likod kung saan nanggaling ang boses.

"Maysel."

"Kilala mo ba si Princess Anthea? 'Yung kapatid nung tinatawag mong stranger." hingal na tanong ni Maysel at halata na galing siya sa mabilis na pagtakbo.

"Oo. Kilala ko siya. Bakit?"

"May epic battle sila ni Kosuri." Sabi niya at napatayo ako sa aking upuan dahil sa gulat.

"Hah? Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Halos maputulan na ako ng litid kakatakbo para masabi sa'yo 'yan." Sabi niya. Hinigit niya ako.

"Tara dali! Punta na tayo sa runaway house. Narinig ko lang kasi 'yun sa iba at tingnan mo naman oh! Lahat ng estudyante nagtatakbuhan. Deadly match yata 'yun. Royal blood vs Royal blood." Sabi ni Maysel. Hindi na ako nagtanong sa kanya at nagtungo nalang kami sa runaway house. Kinakabahan ako.

After a minute nakarating na kami sa runaway house. Nagtatakbo agad kami papunta sa loob at mula sa labas ay dinig namin ang sigawan ng mga tao na lalong ikinabilis ng paglakad namin papunta dito.

Nakita ko si Kosuri at Anthea na nasa gitna na naglalaban at parehas silang may espada. Akala ko sa mga movie ko lang napapanuod 'yung mga taong may dalang espada tapos naglalaban, hindi pala. Nakakatakot kapag totoo na. Si Anthea parang siya 'yung nasa kill bill. Matatapos na yata ang laban. Nakatutok ang espada ni Anthea sa leeg ni kosuri at may umaagos na dugo mula sa kanyang leeg at parang hindi man lang siya nasasaktan, kita na ang panloob na suot ni Kosuri dahil sa nabiak nitong damit samantalang yung espada naman ni Kosuri ay nakatutok sa dibdib ni Anthea. Hinanap ko ng tingin si Anhiro. Kasama niya sila Denstah.

"The referee will decide who's the winner." Sigaw ng isa sa mga manonood. Mukhang huli na yata talaga kami dumating at 'yun nalang ang naabutan namin. Sinisigaw nila ang pangalan ni Kosuri at Princess Anthea pero bakit parehas silang nakatingin kay Anhiro? Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan para bang may maririnig ako na hindi ko aasahan. Natahimik ang lahat.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon