Chapter 75 THE OTHER SIDE OF THE DOOR

13.2K 300 17
                                    

Princess Anthea's Point of View

"Narealize mo din na ako ang mahal mo." kosuri said as she break my interior flashback. I don't want to accept the fact na mas pinili ng kapatid ko ang taong minsan na siyang sinaktan kesa sa mahal niya. It's hard to accept the fact na mahal niya ang taong nanakit sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang kahinaan ng kapatid ko. Mas mahina pa siya sa inaasahan ko. Sabi niya mahal niya si Mesaiyah tapos hindi si Mesaiyah ang pinili niya. Tapos sasabihin niya sakin na mahal niya si Kosuri? Niloloko niya ba ako?

Pero minsa, mahirap sundin ang sinasabi ng puso kaya wala na akong nagawa kundi intindihin siya. Sa kanya itong desisyon at hindi ko na mapipigilan pa. He's totally a Jerk! He do loves Mesaiyah but he chose Kosuri, duwag. Napakaduwag, sabi niya ipaglalaban niya si Mesaiyah pero hindi, kinain niya lang ang kanyang sinabi. Hindi man lang niya naalala ang mga sinabi niya sakin.

Ibinagsak ko ang patalim na hawak ko at lumabas na ng runaway house, kasunod ko si Denstah na siyang nagdrive ng kotse. Medyo gumagabi na din at nagrequest ako sa kanyang wag munang umuwi.

"San mo gustong pumunta?" tanong niya.

"Kahit saan." sagot ko. Nakasandal ang aking ulo sa bintana habang nakapikit ang mata at pagkalipas lang ng ilang minuto ay tumigil na ang sasakyan namin kaya napamulat ang mata ko. Lumabas na ako ng kotse pati na rin siya. DInala niya ako sa dagat. Lumapit ako papunta sa dalampasigan at umupo sa buhanginan.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko at naupo siya sa tabi ko.

"Ayokong nakikita kang nakakunot ang noo, nagagalit at stress kaya dito kita dinala. Tumingin ka lang sa ulap tapos ipikit mo ang mga mata mo, mawawala na ang bigat na iyong nararamdaman."

"Kalokohan na naman ang sinasabi mo sakin." sagot ko habang nilalaro ang buhangin

"Subukan mo." napatingin ako sa kanya at ngumiti. Trying is okay. Tumingin ako sa ulap at ipinikit ang mata. Nababawasan nga ang bigat ng nararamdaman ko pero alam kong ito'y babalik pa rin. Pero atleast medyo nawala ang galit ko. Tumayo ako at lumapit sa dagat samantalang siya ay naiwang nakaupo sa buhanginan.

"Lapit ka dito!" sigaw ko at nang malapit na siya sakin bigla ko siyang binasa ng tubig.

"Hahaha! Stupid! Bakit ka lumapit alam mo namang babasain kita!"

"Mahal kita kaya ako lumapit." sagot niya at natawa nalang ako.

"Psh!" binasa ko siya hanggang sa maligo na kami sa dagat.

After what happened naiinis pa rin ako sa aking kapatid. Akala niya ba basura si Mesaiyah na basta nalang itatapon. Basta nalang i-lelet go kapag ginusto niya, sinira niya ang buhay ni Mesaiyah kaya dapat niya itong panindigan. Paano pa makakapagsimulang muli si Mesaiyah kung iiwan niya din ito. Haaays. Ang complicated ng love story nila.

***

Mesaiyah's Point of View

"Wag mo siyang hayaang mawala. Ikaw din ang masasaktan." Ngayon alam ko na ang ibig sabihin nung sinabi sa akin ni Kerk.

"Wag mo siyang hayaang mawala. Ikaw din ang masasaktan." I dropped myself on his black faded couch and feet like I'm dying. Ang bigat ng pakiramdam ko tapos parang gustong tumulo ng luha ko pero ayaw bumagsak. Hindi na ako naiinis ngayon, hindi din ako nagagalit at mas lalong hindi ako nagseselos kundi takot, takot ang nararamdaman ko ngayon. Takot na siya ay tuluyan ng mawala sakin.

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni stranger.

Baka si inay lang 'yan. Kapag si stranger naman ang dumadating agad-agad 'yung pumapasok sa kwarto ng walang paalam. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Binuksan ko ang pinto at bigla ko nalang itong naisarado nang makita ko si stranger na nakatayo sa labas ng pintuan.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon