Chapter 48 kerk's advice

15.2K 268 4
                                    

Mesaiyah's Point of View

Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si kosuri.

Pakialam mo naman saiyah kung nakita mong kayakap ni stranger ang first love niya. Oo,nga. Pakialam mo ba dun! Diba nga sabi mo wala kayong pakialaman kaya wag mo siyang pakialaman sa gagawin niya. Tama! Hindi ka niya pinakialaman sa ginagawa mo kaya wag mo din siyang pakialaman.

Ginulo-gulo ko ang aking ulo. Aish! Concentrate saiyah. Concentrate.

"Miss Mesaiyah? Andito ka pa ba sa ating klase?" my teacher in Filipino asked breaking my nonsense interior jealous monologue.No, I'm not jealous.

"Ahh. Ehh. Andito pa po." sagot ko.

"Okay. Mabuti kung ganun." sabi niya at nagpatuloy na sa pagklase.

"Hoy! Ano bang iniisip mo!" napatingin ako kay Maysel na ngayon ay tinutuktok ng ballpen ang aking ulo.

"Wala. Ikaw! May kasalanan ka sakin!" bulong ko.

"Hah?! Ano 'yun?"

"Mamaya ko sasabihin. Humanda kana!" bulong ko ulit sabay binigyan siya ng masamang tingin at biglang sumagi sa isip ko ang sinabi sakin ni Kerk noong hinatid niya ako.

FLASHBACK

Si Kerk ang naghatid sakin pauwi ng bahay dahil 'yun daw ang inutos ni stranger sa kanya. At habang nasa daan kami, nagkukwento siya tungkol kay stranger at Kosuri.

"Si Kosuri. Hindi mo masasabing mabait, matapang, mataray na babae dahil sa pabago-bago niyang mood. Minsan masungit, minsan mabait lalo na't pagdating sa mahal niya. Napakalambing nung babae na 'yun."

"Minsan nga kapag nakakalimutan ni Prince na bilhan siyang paborito niyang chocolate, iiyak na agad tapos 'yun. Aamuin siya ni Prince tapos maya-maya. Bati na agad sila. Minsan nga bigla-bigla nalang 'yun yayakap sa'yo ng walang dahilan pero minsan maldita talaga 'yun." nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"Mahirap kasing kalimutan ang first love. Nalilito ka kung ano ba talaga ang tunay mong nararamdaman mo para sa kanya. Kung makikipagbalikan ka pa o hindi na.." tumingin lang ako saglit sa kanya at itinuon ang tingin sa kalsada na dinadaanan namin. Huminga ako ng malalim at sumagot..

"Mahirap nga pero mas mahirap ang mahalin ang taong hindi mo naman talaga mahal." sagot ko pero natawa lang siya.

"Parang sa sinabi mo..pinapatamaan mo ako."

"Hah? Natatamaan ka ba? Dapat umilag ka man lang." sagot ko at tumawa.

"Hahahaha!Bakit?Gaano ba kahirap mahalin ang taong hindi mo mahal?" tanong niya.

"Parang ibon na mahihirapn lumipad kapag walang pakpak. Parang ganun." sagot ko.

"Ahh. Anong konek?"

"Parang mahirap magmahal kung wala kang pag-ibig sa isang tao."

"Ahh. Lalim nun ah!"

"Teka nga? May girlfriend ka ba Kerk?"

"H-ha? G-girlfriend? A-ako? Ehhh."

"Bakit parang nauutal ka? Teka? Ano nga ulit pangalan ng girlfriend mo?" tanong ko na parang inoobserbahan siya kasi hindi siya makatingin ng diretso sakin.

"T-terra."

"Hindi ba 'yun ang ate ko?"

'"H-hindi..kapangalan niya lang."

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon