Mesaiyah's Point of View
Kanina pa ako naghahanap ng milo..pero wala akong makita.
Namiss ko na kasi ang pagkain nito.
"Milo?Asan kana ba milo? Wala man lang milo dito. Argh! Ano ba yan..Yaman-yaman nila pero walang milo." Nagtingin na ako sa ref nila pero wala. Sa cabinet din wala, kahit saang sulok ng kusina nila,wala din. Haist! Nakakapagod maghanap ng milo..siguro mas magandang bumili nalang ako.
"HARAP SA KANAN..HARAP!!"
"PANGIT NA BUTIKI!!" halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang gulat.
"Sa dami naman ng sasabihin mo pangit pa." reklamo niya.
"Anong gusto mo? Gwapong butiki? Sige..gulatin mo ulit ako."
"Wag na..tinatamad akong ulitin."
Haah?! kapal..siya na ang nagrereklamo sa sinabi ko siya pa ang. Aish!
"Ano bang gagawin mo sa milo?" tanong niya.
"Ipapakain ko sa butiki."
"Hah? May butiki ba dito?"
"Oo meron. Ikaw."
"Ako?" turo niya sa kanyang sarili.
"Oo."
"Sa gwapo kong 'to mukha akong butiki?"
"Kaya nga gulatin mo ulit ako."
"Tinatamad nga ako."
"Oh? Sige. Pangit na butiki."
"Hindi nga ako pangit na butiki!"
"Eh? Ano nga? Gwapong butiki? Gusto mo?"
"Ewan. Hindi ko sasabihin sa'yo kung asan ang milo."
"Eh di wag pangit na butiki!" tinatakot niya pa ako hah.
"Hindi nga ako pangit na butiki!!" ang kulit niya talaga.
"Ayaw mo ng pangit na butiki. Ayaw mo din ng gwapong butiki. Ano bang gusto mo? Mongoloid na butiki?"
>_______< <------- itsura niya 'yan
Asar-talo! Hahahaha.
Buti nalang dumating si manang kaya sa kanya ko nalang tinanong kung may milo sila.
"Manang! May milo ba kayo dito?"
"Ahh. Opo, nasa ibabaw po ng refrigerator." kanina pa ako sayo hanap ng hanap na milo ka. Andiyan ka lang pala. Sumalampak ako sa lamesa ng kusina at saktong mainit ang kanin.Whahahaha! Namiss ko talaga ang pag-ulam ng milo sa kanin. Ibinudbod ko ang milo sa mainit na kanin at kinain ito. Hmmmm! I really miss this taste! Yum!Yum!Yum!
Napatigil ako sa pagkain dahil sa nagtatakang itsura sakin ni stranger.
"Yak! What's that?" tanong niya na parang hindi alam ang kinakain ko.
"Can't you see? It's a food kaya nga kinakain eh."
"I mean..Ew! Anong klaseng pagkain 'yan?" nandidiri niyang sabi.
"Palibhasa kasi mayaman ka kaya hindi mo alam ang pagkaing mahirap." masuka-suka siyang tumakbo sa cr.
OA hah! Arte mo! Grabe. Ang sarap ipakain sa kanya 'yung plastic ng milo para lalong masuka.
"Wag mo na ngang kainin 'yan." kinuha niya yung pagkain ko at tinapon sa basurahan. BASTUSAN?
"Ano bang problema mo hah?! Hindi mo ba nakikitang kinakain ng tao!!" inis na sabi ko. Aish! Kinakain ko pa eh..nakakainis..Aish!
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Roman pour Adolescents"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...