Mesaiyah's Point of View
Kriiiiingg......kriiiiiiinggg...
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa tabi ko. Inunat ko ang aking mga kamay at kinusot-kusot ang aking mga mata. Niyakap ko ang katabi ko na sa pagkakaalam ko ay si inay pero pagmulat ko.
Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong sumigaw pero walang salita na lumalabas.
"Teka? P-panong napunta ako dito?" tanong niya pero nanatili akong nakatikom ang bibig.
"Bakit hindi ka nagsasalita?"
"Huwag mong sabihin. Gusto mo din akong katabi?" dagdag niya at kinuha ko ang unan at pinaghahampas sa kanya.
"OUCH!MASAKIT!!" reklamo niya.
"Manyak ka talaga kahit kailan!! Si inay ang katabi ko pero bakit paggising ko, ikaw na?" patuloy ang paghampas ko sa kanya ng unan hanggang sa mabutas ito at magkalat ang mga bulak.
"Hindi ko nga alam kung bakit katabi na kita!"
"Nagssleep walk ka ganun? Ha?"
"Hindi."
"Eh di tumabi ka talaga sakin! Yaaaaaah!!!" kinuha ko ulit yung isa pang unan at hinampas sa kanya, nagtatatakbo siya kahit saan pero sinusundan ko pa rin siya.
"Tumigil kana nga. Parang tumabi lang eh!"
"Kahit na! Manyak ka pa din!"
"Wala namang nawala sa'yo diba? Anong pang ikinagagalit mo diyan?"
"Kahit na! Manyak ka pa din!"
Napatigil ang paghampas ko sa kanya nang biglang may kumatok.
"Anhiro. Andito ka ba?" parang pamilyar yung boses na yun ah.
"Kosuri?" gulat na tanong ni stranger.
"Yah!Ako nga!"
OHMYGOD?! Hindi niya ako pwedeng makita! Ano ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko? Makikita niya akong nasa kwarto ni stranger. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinaharap sa kanya.
"Wag kang mag-alala. Hindi ka niya makikita." Sabi niya.
"Paano?"
"Magtago ka!"
"Saan?"
"Ahh. Ehh. Kahit saan! Basta magtago ka!"
"Anhiro, pwede ba akong pumasok?" tanong ni Kosuri kaya lalo akong natataranta.
"Sa ilalim ng kama ka magtago." sabi niya at dali-dali naman akong pumunta sa ilalim ng kanyang kama samantalang sumalampak siya sa kanyang kama na parang natutulog.
"Pasok!" sigaw ni stranger at nararamdaman ko na ang pagbukas ng pinto at pagpasok niya samantalang paa niya lang na nakasuot ng mataas na red heels ang nakikita ko.
"Hm?May kausap kaba dito?" dinig kong tanong ni Kosuri.
"Kausap? Pano ako magkakaroon ng kausap?" sagot niya.
"Ah. Bakit hindi ka pa pumapasok? Late kana kaya." tumayo siya at alam kong tinitingnan niya ang picture ni stranger na nakadisplay. Patay! Late na nga pala kami. Aish! Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito. Hindi pa nga kami kumakain ng almusal eh.
"Ang gwapo mo dito." sabi niya. Gwapo? Nah. Siya lang ang nagagwapuhan sa kanya. Ako nga araw-araw ko 'yan nakikita pero napapangitan ako.
"Bakit ka nga pala naparito?" tanong ni stranger. Lumapit si kosuri sa kanya at umupo sa kama.
"Kakamustahin ka lang. Ayaw mo bang andito ako?" tanong ni Kosuri.
"Wala akong sinasabi." cold ni stranger na sagot.
"Teka? Asan ba 'yung cellphone ko. Ayun andito lang pala." Nahulog 'yung cellphone niya. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Katapusan ko na! Makikita na niya ako!
"Teka Teka! Ako na ang kukuha sa cellphone mo." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin yun ni stranger. Tumingin lang siya sakin nung makuha na niya 'yung cellphone ni Kosuri na nahulog.
"Salamat Anhiro." Malaking katahimikan ang bumalot sa kwarto ni stranger at tanging paghinga ko lang ang aking naririnig nang maya-maya.
"Ahhh------" agad kong natabunan ang aking bibig. Wag kang maingay saiyah! OHMAMA! M-may daga! May daga! Bago umalis 'yung daga nakipagtitigan pa siya sakin. Bwiset.
"Narinig mo ba 'yun? Parang may sumigaw?" tanong ni Kosuri. Narinig niya pala yung sigaw ko.
"Wala akong narinig. Hayaan mo na nga 'yun." naramdaman ko ang pagtayo ni stranger sa kama at pumunta siya sa bathroom. Dalian mo ng paglabas!
Tumayo din si Kosuri sa kama at alam kong naglilibot na naman siya. Baka makita niya yung mga gamit ko. Madali lang na lumabas si stranger dala-dala ang face towel.
"Bakit ang daming kalat na bulak?"
"Ah. Ano, kinagat ng daga yung unan ko."
"Ahh. By the way, kailan mo balak na bumalik sa lolo mo? Ayos naman na tayo diba?" Umupo si stranger sa couch pati na din si Kosuri.
"Wala. Wala na akong balak bumalik sa Japan." sagot ni stranger.
"Gusto niyang magpakasal na tayo." P-pakasal?
"Wag natin 'yan pag-usapan dito." tumayo si stranger at lumabas na sa kwarto kasama si Kosuri. Wushu! Akala ko makikita na niya ako. Lumabas na din ako sa ilalim ng kama at nagdiretso na sa bathroom para maligo.
Pero..teka?
Lolo ni stranger?
Gusto ng lolo ni stranger na magpakasal sila ni kosuri?
Huh?! 'Yung lolo ba na tinutukoy ni Kosuri, 'yung nasa picture na nakadisplay sa living room kasama ang Shatsune family? 'Yung mukhang strikto.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Jugendliteratur"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...