Chapter 91 She Is Your Sister

14.9K 243 3
                                    

Nakajacket siya, nakabonnet na kulay itim, may bag sa likod at makikita mo pa rin sa kanyang dibdib ang kwintas na hindi buo ang heart. Hinihintay na ni Anthea, Denstah at Razec si Anhiro sa labas ng bahay pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Nasa harap siya ng bintana, tinititigan ang mga puno at ang mga ibon na lumilipad. Napasinghap siya ng malalim, tinikom ang kamao at sinuntok ang pader, may tumulong dugo sa kanyang kamay. Hindi niya maalis sa isip ang mga ala-ala ni Mesaiyah. Kung paano nagconfess sa kanya si Mesaiyah ng tunay niyang nararamdaman, kung paano niya yakapin ng mahigpit si Mesaiyah, kung paano sila naglalakad sa ilalim ng buwan, kung paano niya halikan ito para pakalmahin, kung paano sila naghaharutan sa isa't-isa.

Ayaw niyang umalis pero kung ang pag-alis niya ang tanging paraan para maprotektahan si Mesaiyah ay gagawin niya kahit masakit. Lumabas na siya sa kwarto, nakatungo at nasa magkabilang bulsa ang kamay kahit na may dugo ito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Anthea sa kapatid pagkalabas ng bahay pero hindi niya ito pinansin kundi nagdire-diretso nalang ng lakad papunta sa kotse. Bago sila pumunta sa airport ay dumaan muna sila sa hospital, magpapaalam sila kay Kerk.

"Hey!" Razec said. Napatayo si kerk sa kanyang kinauupuan. Naiiyak na si Kerk nang makita niya ang mga kaibigan pati na si Anhiro na hindi tumitingin sa kanya.

"Ingat kayo." Wika ni Kerk sabay lunok ng laway, sumasakit na ang lalamunan dahil sa pagpipigil ng iyak.

"Para kang bakla dude! Ingat ka din, wag mong iiwan yan hah!" Sagot ni Razec.

"Ingat ka." Sabi naman ni Denstah sabay niyakap saglit si Kerk.

"Wag kang mawawalan ng pag-asa hah! Magigising din siya, magtiwala ka lang tapos paggising niya gawa kayo ng 100 na babies." Singit naman ni Anthea na ikinatuwa ng lahat except kay Anhiro. Siya nalang ang hinihintay na magpaalam kay Kerk subalit hindi ito gumagalaw, nakatitig lang siya sa mukha ni Terra. Hawak niya ang kwintas, inilagay niya ito sa paanan ni Terra na nakita naman ni Kerk.

"Let's go." He coldly said at lumabas na siya ng kwarto. Hindi siya nagpaalam kay Kerk, ni hindi man lang ito tumingin sa kanyang mga mata.

"Paalam!"

"Mamimiss kita dude! Tandaan mo yan!" Sabi ni Razec bago lumabas ng kwarto.

"Promises are meant to be broken Razec! Tandaan mo yan!" Sagot ni Kerk sabay suntok sa braso ni Razec. Natawa lang ang kanyang kaibigan. Kinuha ni Kerk ang kwintas na iniwan ni Anhiro, hinawakan niya ito ng mahigpit. Para kay prince, ibibigay ko ito kay Mesaiyah. Wika niya sa kanyang sarili.

Nakalabas na sila ng hospital, nanatiling tahimik si Anhiro. Na ikinatahimik din ng kanyang mga kaibigan. Sa labas ng kotse lahat sila nakatingin, sobrang tahimik nila. Walang nagsasalita na para bang kung may magsasalita na isa ay iiyak na silang lahat.

His tears fell silently in his eyes. Gusto niyang magpaalam kay Mesaiyah subalit wala siyang magawa. Tiningnan ni Anthea ang kapatid sa backseat sa pamamagitan ng rearview mirror, pati siya umiiyak na din.

"My God! Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit tumutulo ang bwisit kong luha pero ang alam ko lang. Gusto kong makita si Mesaiyah at magpaalam sa kanya." Napatigil sa pagdadrive si Denstah. Umiiyak na talaga si Anthea, ang matapang at walang kinatatakutan na Anthea ay umiiyak dahil gusto niyang magpaalam kay Mesaiyah. Niyakap ni Denstah ang girlfriend at sa dibdib nito umiyak, nababasa na ng kanyang luha ang damit ni denstah. Si razec ay tumutulo na din ang luha.

"Grabe! Nasa movie ba tayo? Ang drama natin. Wag nalang kaya tayo bumalik ng Japan. Ang hirap ng ganito, marami kang maiiwan. Ngayon palang nga namimiss ko na agad si Maysel." Sabi ni Razec. Narinig ni Anhiro ang sinabi nito pero nanatiling walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha.

Ipinunas ni Anthea ang damit ni Denstah sa kanyang pisngi dahil wala siyang dalang panyo.

"Magdrive kana." Wika nito at ipinagpatuloy na ni Dang pagdadrive.

Samantala, medyo magaling na ang mga binti ni Mesaiyah. Nakakalakad na siya pero paika-ika pa. Ipinatawag siya ng kanyang ina sa kwarto para kumain ng tanghalian. Nakabukas ang television sa living room kahit walang nanonood pero maririnig mo pa rin ang sinasabi sa tv dahil sa sobrang tahimik ng buong bahay at ang maririnig mo lang ay ang pagkanta ng ina ni Mesaiyah. Siya ang naghahanda sa lamesa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasabay na sila ng anak sa hapag kainan.

Paika-ikang naglakad si Mesaiyah papunta sa kusina, nilagyan niya ng tubig ang baso at sa pag-inom niya. Nadulas sa kanyang kamay ang baso at nabasag. Nagkalat ang mga bubog sa sahig samantalang si Mesaiyah, nanginginig ang mga kamay na para ba siyang natatakot. Hinampas-hampas niya ng kamay ang dibdib, nahihirapan siyang huminga at ilang sandali lang ay bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

[NEWS]

"Ang pamilya Shatsune na angkan ng pinakamakapangyarihang Yakuza ay babalik na sa Japan matapos ang pagkikita ng Presidente at ni King Shinsetsu samantala ang Prinsipe Anhiro, ayon sa prinsesang kapatid niya na si Anthea ay magpapakasal na ng kanyang fiance na si Kosuri kaya babalik na sila matapos ang limang taon na bakasyon sa Pilipinas. Kinukuhaan namin ng panayam ang apo ng hari subalit ayaw niya. Joline reporting***"

Pinapanood siya ng kanyang ina. Patuloy ang pagbagsak ng luha ni Mesaiyah. Nanghihina ang kanyang tuhod at gusto na niyang matumba buti nalang at mahigpit siyang nakahawak sa lamesa.

"Anthea. Anthea Shatsune. She is your sister." Wika ng babae. Napatingin lang si Mesaiyah sa ina na hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.

"B-bakit mo ba sinasabi sakin yan?"

"Para malaman mong hindi talaga kayo pwede ni Anhiro." Her mother said.

"Hayaan mo na si Anhiro. In fact dapat nga patayin mo siya dahil papatayin ka niya. Ang ina niya ang dahilan kung bakit nawalay kayo ng kapatid mo sakin. Pinagbantaan niya ang buhay niyo kaya wala akong magawa kundi ibigay si Anthea sa ampunan tapos ikaw iniwan ko sa tapat ng bahay nila Terra." Dagdag pa nito. Everything still unclear to her. Ang dami pa niyang gustong itanong about sa ina niya, sa papa niya, bakit pinagbantaan ang buhay nila ng mama ni Anhiro? Naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Mas nakabubuti sa'yong wala kanang koneksyon sa lalaki na yan. Mapapahamak ka lang." She added again and she was about leave Mesaiyah pero may nakalimutan pa siyang sabihin sa anak.

"Ayusin mo ang sarili mo. May bibisita sa'yo." Wika nito at tuluyan ng umalis.

Hindi man lang sila nagpaalam sakin. Ganun nalang yun? Iiwan nila ako? Hindi ba nila alam na nawawala ako? Sumagi man lang ba sa isip nila ang pangalan ko? Nakalimutan na nila ako? Hindi man lang ba nila ako hinanap? She thought to herself.

Hindi niya sinunod ang sinabi ng ina. Hindi siya kumain at naglakad siya papunta sa kanyang kwarto. Pagkabukas niya ng pinto, agad siyang napaupo.

You can't leave me. You can't leave me. Don't leave me. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni anhiro.

"Wag kang matakot. Andito ako sa tabi mo, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya ipagtatanggol kita hanggang sa makakaya ko. Hindi kita iiwan at sana hindi mo rin ako iwan." Napahagulgol siya ng iyak. Tinabunan niya ng dalawang kamay ang kanyang mukha. Hindi kita iiwan at sana hindi mo rin ako iwan. It's echoing in her head. Gumapang siya papunta sa kama at tinabunan ang mukha ng unan. If her heart stop beating maybe the pain she feel will stop too.

Umagingit ang pinto ng kanyang kwarto. Napatigil siya sa pag-iyak, pinunasan niya ang kanyang luha at nang makita niya kung sino ang pumasok, her eye widened.

"A-angelo?" gulat niyang sabi.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Ngumiti sa kanya ang kaibigan.

"I'm here..to save you." He said.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon