2 years later ***
There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.
Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.
Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.
True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived happily ever after forever and ever? O makatuluyan niya ang taong hindi naman niya mahal.
**
Nakatitig siya sa kanyang kwintas na biyak ang puso, hawak-hawak niya ito, napakaganda niya sa suot niyang wedding dress at sa ala-ala niya ay parang nangyari na ito. Nag-iisa siya sa kanyang kwarto, ayaw niyang lumabas dahil sa kinakabahan siya, mabilis ang tibok ng kanyang puso. Umagingit ang pinto ng kanyang kwarto, mula sa salamin ay nakita niya kung sino ang pumasok. Ang soon to become husband niya at ilang oras nalang ang natitira dahil magiging tunay na niya itong asawa.
Nasa harap na ni Mesaiyah si Angelo, hawak ng lalaki ang kamay nito. Matutupad na ang hiling ni Terra na dati'y pangarap din ni Mesaiyah na mas magandang makatuluyan ang kaibigan kesa sa kung sino-sino lang diyan dahil kung mag-aaway kayo ay madali na kayong magkakaunawaan.
"Are you okay?" tanong ni Angelo. Tumango si Mesaiyah, nakatungo ito at sa kamay niya na hinahawakan ng lalaki siya nakatingin.
"Wag kang mag-alala. Aalagaan kita hanggang sa mamatay ako. Hindi kita iiwan at sana wag mo rin akong iiwan." Between those lines. Napatingin si Mesaiyah kay Angelo. Narinig na niya ang mga salitang 'yan subalit hindi niya malaman kung ano, sino at paano.
Papalapit ang labi ng lalaki sa babaeng nasa harap niya subalit ito ay umiwas.
"I'm sorry just kiss me..later." nauutal na wika ni Mesaiyah at tumalikod na kay Angelo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.
"Pupunta na ako sa church. Sumunod ka ha." Sabi ni Angelo at umalis na sa kwarto ni Mesaiyah. Napahinga ito ng malalim at humarap muli sa salamin. Pinikit niya ang kanyang mata.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bulong niya sa kanyang sarili.
"Miss Mesaiyah hinihintay kana po sa labas." Sabi ng katulong.
"Bababa na ako." Sagot ni mesaiyah. Huminga ulit siya ng malalim at lumabas na ng kwarto.
Nasa simbahan na ang lahat, si Angelo na groom ay naghihintay sa gilid ng altar at si Mesaiyah na naglalakad sa aisle ay patuloy ang pagbilis ng kanyang tibok ng puso. Maraming bisita at halos kilala at maimpluwensyang tao ang andito dahil sa ina ni Mesaiyah na reyna ng clan nila. Sa paglalakad ni Mesaiyah ay tinitingnan niya ang mga taong masaya dahil sa nakikita nilang babaeng napakaganda. Sinalubong siya ng kanyang ina at inihatid kay Angelo.
Dalawang taon na ang lumipas pagkatapos ng mawala ang kanyang ala-ala, at ang kaibigan niyang si Angelo ng mga panahong 'yun ay siya ang tumulong kay Mesaiyah na ibalik ang lahat ng ala-ala na nawala at hindi man lang sumagi sa kanyang isip ang mukha at pangalan ni Anhiro.
Nagsimula ng magsalita ang pari. "MERON BANG TUMUTUTOL SA PAGMAMAHALAN NILANG DALAWA?" tanong ni Father, ilang minuto din ang nakalipas at wala namang tumututol.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Dla nastolatków"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...