Chapter 57 Who's That Girl

14.9K 250 1
                                    

Author's Point of View

Pagkatapos na kausapin ni Anhiro si Mesaiyah na makahulugan. Agad nitong tinawag si Razec para puntahan si Dianne na nanakit kay Mesaiyah para turuan ng leksyon na nararapat sa kanya. Nakita nila itong kasama ng iba pang student council officer na masayang nagkukwentuhan sa waiting shed ng school.

Every end corner nito ay meron ding ibang estudyante na nagkukwentuhan at iba't-iba ang topic pero ang pinaguusapan ng mga student council ay si Mesaiyah lalo na si Dianne na tuwang-tuwa sa nangyari na hindi nito alam, nagkamali siya ng inaway na babae. Napayuko ang lahat na parang may prinsipe na darating ng makita nila si Anhiro.

"Kayong lahat ay inaalis ko sa pagiging officer niyo dito sa school." mahina ngunit madiin at naiintindihan naman nila ang kanyang sinabi. Gulat ang lahat sa sinabi ni Anhiro lalong-lalo na si Dianne at nagsimula ng magkwentuhan ang mga tao na nakakakita.

"Dianne. You..have no rights to hurt seyah dahil wala kang alam sa buhay niya." his eyes are like a deadly knife that makes Dianne's face scared. At kapag nagsasalita siya, nauutal siya at nanginginig ang kanyang kamay at tuhod. Hindi siya makatingin ng diretso kay Anhiro kaya nakatungo lang siya.

"O-opo." Sagot niya. Umalis na sila ni Razec at siguro naman ay tama na ang parusang ibinigay niya sa mga student council officer kasama na ang kanilang presidente na ngayon ay takot na takot.

"Dude! Pinagsama mo pa ako. Wala din naman pala akong gagawin." sabi ni Razec na parang pinagsisisihan ang pagsama niya sa kanyang Prince.

"Kung gusto mo, pagsasapakin mo sila. Okay lang sakin." sagot ni Anhiro with a cross arms pa.

"Dude, hindi ako pumapatol sa babae."

"'Yun naman pala eh, wag ka ng magsalita." sagot nito at iniwan na niya si Razec na nakasimangot ang itsura habang nagkakamot ng ulo. Nagdiretso si Anhiro sa opisina ng kanilang principal para sabihin ang gusto niyang mangyari.

"Baka pwede po natin itong pagusapan. Hindi lang nila alam kung sino si Mesaiyah para sa inyo." nangangamba na sabi ng kanilang principal habang marahan niyang hinahaplos ang magkadikit na palad.

"Bigyan mo pa sila ng pagkakataon. Kung hindi pa sila magbago, ako na mismo ang mag-aalis sa kanila ayon sa gusto mong mangyari."

"Kilala mo ako kaya kong paalisin kahit na sino kaya siguraduhin mo yan." nakatalikod na wika ni Anhiro sa principal.

"Opo, sisiguraduhin ko." sagot nito sabay bow at umalis na ng tuluyan si Anhiro samantalang agad na pumunta si Mrs. oh ang principal ng school sa mga officer ng student council na ngayon ay nasa guidance office para pagsabihan ang mga ito.

"Bibigyan niya kayo ng pagkakataon pang manatili sa pagiging officer at tandaan niyo. Kung hindi pa kayo magbago, ako na ang mag-aalis sa kanya-kanya niyong pwesto lalo na sa'yo Dianne, ikaw ang President kaya alam mo na ang gagawin."

"Ahh. Opo. Naiintindihan ko po. Sorry." nakayuko ang ulo nito na sabi.

"Hindi ka sakin dapat magsorry. Siya ang may-ari ng school na ito kaya sa ayaw niyo at sa gusto, susundin niyo ang sinabi niya."

"Hindi niyo alam kung anong meron sa kanilang dalawa at ganun niya nalang ipagtanggol ang babae, mag-ingat kayo sa susunod." iniwan ng principal ang mga estudyante na nagtatanong dahil hindi nila alam ang ibig nitong iparating sa kanyang sinabi.

Samantalang, nasa runaway house si Kosuri, nakaupo sa end corner ng counter at umiinom ng cherry vodka at nag-iisip pa rin ito kung paano mapapabalik si Anhiro papuntang Japan. Ngumiti ito ng masama dahil alam na niya ang kanyang gagawin. Alam nitong merong something kay Anhiro at Mesaiyah na more than friends sila kaya gagamitin niya si Mesaiyah para maibalik niya si Anhiro sa Japan at magpapakasal na sila. Ayon sa kagustuhan ng kanyang lolo.

Hindi alam ng lolo ni Anhiro na nagpakasal na ito sa ibang babae at hindi kay Kosuri. Nag-aalala ito sa kung anong pwedeng mangyari kay mesaiyah kapag nalaman nitong hindi niya sinunod ang royal is just for royal na reminder nito sa kanya.

Mahal ni anhiro si Mesaiyah na kahit anong mangyari, ipagtatanggol niya ito laban sa kanyang lolo. On the other side, nagtataka si Anthea na ngayon ay nasa japan pa rin kung bakit walang umaaligid sa kanyang big butt bitchy na babae (pointing to kosuri.) She thinks na himala at walang nagpapainit ng dugo niya ngayon dahil nawawala ang Kosuri bitch na 'yun.

She's now packing all her stuffs because tomorrow she will go back to Philippines again but her parents will stay here to take care of her ojichan. Napatigil siya sandali sa pagtutupi ng kanyang damit ng biglang maalala niya si Mesaiyah. Naisip niyang mamili muna ito ng mga pasalubong para dito.

Agad siyang pumunta sa market-market malapit sa residence nila just ten minutes away. Nagpunta din siya sa mall para mamili ng dress, heels and etc para kay mesaiyah. Habang pumipili siya ng dress, kanina pa niya napapansin na may sumusunod sa kanyang naka itim na jacket na lalaki at nakatabon sa kanyang ulo ang sumbrero ng kanyang damit habang ang dalawang kamay ay nakasulbot sa bulsa nito.

Nakikita niya ito sa malaking salamin na kahit siya ay nakatalikod makikita niya ang kung anong gawin ng nakaitim na lalaki. Maya-maya, naglabas ng baril ang lalaki at tinutok kay Anthea kaya bigla siyang tumago sa mga damitan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!" nagtataka si anthea kung bakit walang pumutok at naririnig pa niya ang tawa nito kaya unti-unti siyang dumungaw sa pagkakatago sa damitan. Inalis nung lalaki ang sumbrero niya at laking gulat nalang ni Anthea na si Denstah ito.

"A-anong ginagawa mo dito? Gago ka! Pinakaba mo ako!" galit na sabi ni Anthea at nagtinginan ang mga tao sa kanila. Lumalapit sa kanya si Denstah.

"Wala lang. Hahayaan ba naman kitang mag-isa dito? Natakot ba kita?"

"Sa susunod, wag mo ng gagawin yun ha? Tinakot mo ako." sabi ni Anthea na parang nagtatampo at bigla namang yumakap sa kanya si Denstah.

"Sorry baby. Naisip ko lang na bumili ng baril na laruan para takutin ka. Sorry."

"It's okay. Pumunta ka pa dito e uuwi naman na ako bukas."

"Talaga? Sayang naman ang pagpunta ko dito." malungkot na sagot ni denstah nng bigla niyang mapansin mula sa salamin ang lalaking padaan at tinutukan sila ng baril kaya agad silang dumapa. Totoo na talaga 'yun.

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng mall at lahat ay nagsisigawan at nagtatakbuhan samantalang hindi lang isa kundi marami ang humahabol kay Denstah at Anthea. Nagtatakbo sila palabas ng mall habang magkahawak ang kamay.

"WTFck?! Sana totoong baril nalang ang dinala mo." sabi ni Anthea na agad na binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

"Oo nga. Hahahaha! Hindi ko naman alam na may hahunting satin." Si Denstah ang nagdrive at pinatakbo niya ito ng sobrang bilis. Over speeding na sila kaya't may mga pulis na agad ng humarang sa dadaanan nila ngunit wala itong pakialam kundi lalo pa niya itong pinabilis. More than 5 cars ang humahabol sa kanya at may naisip na paraan si Denstah para takasan ang mga ito.

"HOLD ON BABY!!!" he shouted. Makapigil hininga silang lumipat sa kabilang highway na maramig nagdaraan na mga mabibilis na sasakyan.

"YES!!!" natakasan nila rin sa wakas ang humahabol sa kanila subalit naagaw ng pansin ni Anthea ang babaeng nakasumbrero na puti na halos bibig nalang ang nakikita na nakasakay sa mahaba at itim na sasakyan. Nakita niya itong ngumiti pero nagtatanong pa rin ang isip niya na sino siya? Parang kilala ko siya? Parang matagal ko na siyang kilala. Pamilyar siya sakin subalit sino? Bakit siya ngumiti sakin? Anong ibig niyang sabihin?

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon