Chapter 76 Come Back To Me

13.7K 309 9
                                    

Mesaiyah Point of View

Nagising ako na nakahiga sa couch habang may tabon na kumot. Urgh! Nakatulog pala ako.Sht! O________O! Napapikit nalang ako bigla dahil nasa gilid ko pala sistranger. Papalapit ang mukha niya sakin at hahalikan ako. Jusko po! Bata pa po ako! Huhuhuhu! Napakapit nalang ako ng mahigpit sa kumot at hinintay na dumampi ang labi niya at laking pasasalamat ko na sa noo niya ako hinalikan. Salamat naman! Nakahinga din ng maluwag sa wakas. Tumayo na siya at pumunta sa may malaki niyang bubog na bintana at binuksan ang kurtina.

Umaga na pala? Ang liwanag na nagmumula sa labas ay nasisilawan ang aking mukha, samantalang dati ako ang gumagawa niyan sa kanya.

Ano bang meron at may dala siyang bag? Umupo ako sa couch at sinuklay ang buhok ng aking kamay. Tatanungin ko na sana siya ng saktong lumabas na siya ng kwarto.

Lumapit ako papuntang bintana at nakita ko ang mga nakaparadang itim na kotse kasama ang mga lalaking nakaitim ng suot, tauhan siguro ito nila stranger. Nakita kong nakalabas na ng gate si stranger sabay sinalubong ni Kosuri. Ang ganda nilang tingnan sa isa't-isa, napakaperfect. 'Yung tipong kung magmamahalan silang dalawa ay magiging forever na.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata, ayan! Kung ano-ano pinag-iiisip mo. Ikaw din naman nasasaktan! Tumahan kana nga Mesaiyah! Mawawala din ang sakit na 'yan, sakit na sana'y may gamot pa.

Habang pinapanood ko sila para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Napatingin si strangermula sa bintana na aking kinatatayuan kaya agad akong tumago. This kind of feeling na iwanan ka? Hindi na ito bago sakin pero sa lahat ng nang-iwan sakin, parang ito na ang pinakamasakit.
Yung biglang dadating sa buhay mo ng ni pagkatao niya ay hindi mo kilala, 'yung tipong biglang bibilhin ka sa mga magulang mo ng walang paalam sa'yo..tapos dadating din ang araw na bigla kang iiwan. Ang sakit diba? Parang niyukot na papel at pinashoot sa basurahan.
Naramdaman kong umalis na sila kaya muli akong sumilip sa bintana. Pinapanood ko silang umalis. Ang lupit naman ng tadhana. Sa akin na lahat binigay ang mga pasakit, wala man lang tinira para sa iba! Pinunasan ko muli ang luha ko at nagpunta sa aking closet para ihanda na ang aking gamit at aalis na din ako dito.

Kinuha ko ang maleta ko at sunod-sunod na inilagay ang aking mga damit ng may mahulog na kwintas. Pinulot ko ito sa sahig at pinagmasdan. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung kanino ito. Wala naman akong natatandaan na bumili ako ng ganito ah! Kanino kaya ito? Ang pendant ay heart na broken. Weird! Asan yung isang kabiyak nito? Napakibit-balikat nalang ako at isinuot. Bagay naman sakin pero kung kanino man ito. Salamat nalang. Magkukuha pa sana ako ng iba ko pang gamit ng bigla akong higitin ni.......Anthea?

"Dalian natin! Mapipigilan pa natin sila!! 8:15 palang naman. Ang flight nila ay 9:00. Tara!Dali!"

"Teka? Anong ibig mong sabihin?"

"Diba umalis na ang kapatid ko at ang kutong-kalabaw na si Kosuri, so pipigilan mo sila." sagot niya pero inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso kaya napatigil siya at tumingin sakin ng nagtatanong. Nasa labas na kami ng bahay at handa na ang kotse para sa pag-alis namin.

"Bakit?"tanong niya.

"Ayoko silang pigilan." sagot ko at tumalikod nasa kanya at naglakad pabalik sa kwarto.

"Pero bakit? Diba mahal mo din naman siya?" tanong niya habang sinusundan ako.

"Basta. Ayokong pigilan sila. Aalis na din ako sa bahay niyo kaya ayoko silang pigilan na umalis." naramdaman kong hindi na niya ako sinusundan kaya nagdiretso na ako sa kwarto para ipagpatuloy ang pag-ayos ng aking gamit.

Huminga ako ng sobrang lalim. At ipinikit-pikit ang mata para makapagfocus sa aking ginagawa. Pinipigilan ko lang ang aking luha at once na bumagsak na naman ito, hindi ko na talaga kaya.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon