Mesaiyah's Point of View
Naghihintay ako ng sasakyan papunta sa runaway house. Almost 2 minutes palang naman akong naghihintay kaya hindi pa ako masyadong naiinip. Nakalimutan ko pang ibigay yung number ko kay Seth tapos si Maysel, hindi ko naman macontact. Paano na ang buhay ko niyan?
Nakita ko naman si stranger na naglalakad papalapit sakin habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pants. Parang may bago sa kanya ngayon. Oo, may bago nga pero alin?
"Ang gwapo ko talaga." natigilan lang ako sa pagtingin sa kanya nung magsalita siya.
"Hah! Kapal ng mukha. Taob ang kagwapuhan mo sa lolo ko. Hibla ka lang ng buhok niya." sagot ko.
"Hah? E-eh wala ka naman sa lolo ko..m-mas maganda pa sayo."
"So? Bakla ang lolo mo,ganun?"
"A-ah. Oo. Siguro, pwede, ewan." inirapan ko lang siya. Alam ko na!
Kulay gray ang bonnet niya ngayon. Araw-araw black ang suot niya na bonnet tapos ngayon gray naman. Anong meron ngayon? Birthday niya?
"Anong meron ngayon?" tanong ko.
"Wala." matipid niyang sagot.
"Bakit?" dagdag niya na tanong.
"Napansin ko kasi na gray ang suot mo na bonnet. Nakakapanibago."
"Ahh. N-napuyat akong gumawa ng assignment kaya ito ang nasuot ko." Wow hah!? Napuyat lang dahil sa assignment, nag-iba na agad ng suot. Haaay! Pakialam mo ba diyan saiyah kung napuyat siya pero teka. Himala! Gumawa siya ng assignment? Hindi ba ako nabingi dun?
"Weh? Di nga? Gumawa ka ng assignment? Totoo? Weh? Anong nakain mo? Ha?"
"Oo nga gumawa ako. Alam mo ang kulit mo." Siguro kumain lang ulit 'yan ng milo na may kanin kaya nasipagan.
"Ikaw? Bakit ba hindi ka pa sumasakay?" tanong niya.
"Paano ako sasakay e wala ngang sasakyan. Hindi ko pa naman alam kung saan ang runaway house."
"Diba tinuro ko na sa'yo 'yun."
"Wow! Ano ako lilipad papunta dun? E ilaw lang naman ang tinuro mo sakin kagabi ahh."
"May VIP card ka ba?" tanong niya. Ayyy! Oo nga pala. Kailangan ko ng VIP Card. Aish! Pano na 'yan. Mukhang hindi na ako makakapunta pero sayang naman yung sweldo ko kung hindi ako pupunta pero..pero pano 'yan, wala akong VIP card. Tinuktok ko yung sarili ko ng kamay. Ang bobo mo talaga saiyah. Ang choosy mo pa kasi. Dapat talaga nagpasundo na ako kay Seth.
"Pano ba 'yan. Mukhang hindi kana makakapunta."
"Teka? Ikaw? Saan ang punta mo?" tanong ko. Sana sa runaway house din siya pumunta. Sana. Sana.
"Sa runaway house."
*Ting!
"Sama ako sa'yo. Sige na. Sama ako. Libre mo na ako ng gate pass. Pretty please. Sige na." inuga-uga ko ang kanyang katawan with matching puppy eyes.
"A-ayoko nga."
"Uhhh. Sige na. Isama mo na ako. Naniniwala na akong gumawa ka ng assignment basta isama mo ako. Sige na." nagmakaawa na ako sa kanya. Papayag kaya ito?
"Sige. Isasama kita pero patutularin mo ako sa quiz natin sa math sa lunes."
"Haah? Errr?"
"Hindi kita papasamahin."
"S-sige na nga. Papatularin na kita. Basta isama mo na ako." nakasimangot ko na sabi.
"Hey!You two!"
"KOSURI?" sabay naming sabi na gulat na gulat. Bigla kasi siyang dumating kasama ang kotse niya na kulay blue.
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Fiksi Remaja"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...