Chapter 47 Hopeless Past

14.8K 279 4
                                    

Mesaiyah's Point of View

Pagkapasok namin ng runaway house, expect the unexpected. Ang iniimagine ko kanina ngayon kabaligtaran ang lahat. Ang ganda sa labas pero pagpasok mo ng bahay. Grabeng usok tapos..tapos..andaming mga naghahalikan tapos yung mga suot ng babae halos makita na ang kanilang private part ng body nila. Magkakasala pa yata ang mga mata ko dito ah! Dito ko ba talaga gustong magtrabaho? Sa ganitong mga nakikita ko?

"WOAH! SINO ANG KASAMA NG ATING PRINSIPE?" napatingin ang lahat samin dahil sa spotlight na biglang tumapat kaya itinabon ko ang aking kamay sa aking mukha na nasisilawan.

"Uhhh. SORRY! SIYA PALA ANG BAGONG VOCALIST NG GREEN BAND!" inalis na ang spotlight samin at nakita ko si Seth na katabi ng DJ na kumakaway sakin kaya kumaway din ako sa kanya.

"Hoy! Teka? Wala kang sinabi sakin na sasali ka sa banda nila!"napaharap ako kay stranger na nagsalita.

"Gusto kong magtrabaho. Ayoko ng umasa sa perang binibigay mo sakin." sabi ko pero hinawakan niya ang braso.

"Diba, wala tayong pakialaman, remember? It's a friends deal." binitiwan na niya ang braso ko at lumapit na kay seth na ngayon ay nasa stage.

"Tonight. Ang new band mate namin ay bibigyan kayo ng sample." Sabi ni Seth.

"Haaah?!" kumindat lang siya sakin at sinabing..

"Kaya mo 'yan!"" Huminga ako ng malalim. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Ehemm. H-hello! I'm Mesaiyah at sana magustuhan niyo ang kakantahin ko." Wala akong practice pero walang hindi ko kaya! Dahil lahat..kaya ko! Ganyan ako ka positive hahaha.

Hinampas-hampas na nung lalaki yung stick ng drum at nagbilang siya...

1..

2..

3..

Now Singing: When I dream about you cover by Gracenote

There was a time in my life

When I opened my eyes and there you were,

You were more than a dream

I could reach out a touch

You,boy that was long ago

There are somethings that I guess I'll never know,

When you love someone

You got to learn to let them go

Nagsimula na ang mga tao sa pagsisigaw at pagtatalon nila..at ako? Inienjoy lang ang pagkanta habang nakatingin sa mga tao na akala mo mga walang problema. As maysel says. Ang mga tao na nagpupunta dito. tinatakasan ang kanilang mga problema, kaya siguro runaway house. Natutuwa lang ako na sa kabila ng mga problema, nakakangiti pa rin sila.

When I dream about you,

That's when everything's alright

Your in my arms

Here next to me,forever

When I dream about you,

Boy you never go away

Just close my eyes

Wait for my dreams

Cause I still love,loving you

"WOOOOOOOOOOOHHH!!!!"

"YEAAAAAAAAAAAAHH!!!"

"Anong masasabi niyo?" tanong nung DJ

"MAGALING!!" sigaw nilang lahat at napatingin ako bigla sa table nila stranger. Kasama niya sina Kerk, Razec, Denstah at Kosuri na nag-iinuman.

Prince Anhiro's Point of view

Napatingin ako bigla kay seyah kasi alam kung nakatingin siya samin pero agad siyang umiwas. Kanina muntikan na namang mapahamak 'yang babae na 'yan. Pano nalang kung hindi ako dumating? E di nakita ko na siyang nahimatay dun sa sobrang takot pero kasalanan mo din yun Anhiro kasi hindi mo siya hinintay. Aish! Oo na nga! Kasalanan ko na. Tapos hindi man lang niya sinabi sakin na sasali siya sa banda nila Seth. Sabi niya gusto niya daw magtrabaho dahil ayaw na niyang umasa sa binibigay kong pera sa kanya. Ay! Ang utak talaga ng babae na 'yan, paminsan-minsan sala. Tapos sabi niya wala daw kaming pakialaman dahil 'yun daw ay friend's deal. Argh! Nakakapang init ng dugo. Eh di wala kaming pakialaman! 'Yun ang gusto niya eh. Hindi ko na siya papakailaman sa mga gagawin niya.

"Prince. Sa'yo na! Hoy! Kanina ka pa tulala diyan." natauhan ako sa biglang pagsalita ni Kerk.

"Haah?!"

"Sa'yo na. Kanina ka pa tulala diyan sabi ko."

"Pakialam mo." cold na sagot ko at kinuha yung baso na inaabot ni Kerk samantalang si Kosuri naman ay bumagsak ang ulo sa aking balikat.

"Ihahatid ko na ang kapatid ko. Mukhang lasing na." sabi ni Denstah at lumapit sakin para alisin si Kosuri.

"Mahina pala 'yang kapatid mo Denstah." singit naman ni Razec.

"No. Ayokong magpahatid sa'yo. Si anhiro ang maghahatid sakin kuya." sabi niya at tinulak si Denstah papalayo sa kanya at lalo pang yumakap sakin. Napalunok nalang ako ng laway sabay inom nung beer.

"Sige. Ako nalang ang maghahatid sa kanya." nabigla silang tatlo sa aking sinabi pero hindi ko nalang sila pinansin at inakay ko na si Kosuri.

"Ikaw talaga ang maghahatid sa kanya?" tanong ni Denstah.

"Oo" walang buhay ko na sagot.

"Ingat kayo Prince!" sigaw naman ni Kerk at napatingin ako kay seyah na nasa stage.

"Kerk!" sigaw ko.

"Yes Prince?"

"Ikaw na ang maghatid sa kanya." sabi ko sabay turo kay seyah at nagets naman niya kaya inakay ko na si Kosuri papunta sa kanyang kotse. Napatigil ako sa pag-akay sa kanya nang bigla niya akong halikan pero tinulak ko lang siya at napasandal siya sa kanyang kotse.

"Hindi mo ba ako namimiss Anhiro?" mangiyak ngiyak niyang sabi pero nakatungo lang ako.

"'Yung mga pinagsamahan natin. Wala lang ba 'yun sa'yo?" dagdag niya at tuluyan na ngang bumagsak ang kanyang luha.

"Hindi ka man lang nagpaalam sakin bago umalis. Kung hindi ko pa susundan ang ate mo, hindi ko malalaman na andito ka."

"Sorry kung nagawa ko sa'yo ang ganung bagay. Hindi ko naman sinasadya na lokohin ka eh. Naniwala kasi ako sa sinabi ng kaibigan mo. Sorry."

"Pwede pa ba nating ibalik ang dati?" patuloy lang siya sa pagsasalita pero tahimik lang ako. Aaminin kong namiss ko siya. Ang lahat ng sa kanya ay namiss ko. Ang kanyang ngiti, ang malambot niyang kamay na hinahawakan ko, ang kanyang halik, ang kanyang buhok na lagi kong hinahaplos.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang kanyang luha.

"Ayokong nakikita kang umiiyak." sabi ko at niyakap siya. Kung pwede nga lang ibalik ang lahat pero huli na. May nasira akong buhay kaya kailangan kong panindigan ang nasira ko na 'yun dahil ngayon, siya na ang mas mahalaga sakin kahit na napakahirap niyang amuin dahil sa madaldal niyang bibig.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon