Chapter 55 Nagseselos Nga Ba?

15.4K 322 7
                                    

Terra's Point of View

Inuunat ko ang dalawa kong kamay papunta sa kusina para magluto ng almusal ni kerk. Haaay! Lasunin ko na kaya 'yang lalaki na 'yan para mawala na sa buhay ko pero hindi pwede, kailangan ko pang bayaran ang utang ng mga magulang ko sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo babe." sabi niya at naupo sa ibabaw ng lamesa ng kusina.

"Iniisip ko lang na lagyan ng maraming sulfur chloride o muriatic acid ang pagkain mo para mamatay kana."

"Woah! Woah! Bakit gusto mo na akong mamatay?"

"Isa kang napakalaking kuto na tumubo sa aking ulo at napakasarap mong tirisin." with action pa 'yan na sabi ko. Lumapit siya sakin at umakbay.

"Alam mo babe. Kailangan mo lang ng ki-----Aww!!Ouch!!Hooooooh!!Awwww!!" Alam kong hahalikan niya ako kaya agad kong hinarangan ng mainit na sampi ang labi ko. Hahahahaha!

"Wag mo akong halikan. Humanap ka ng hahalikan mo. Wag ako o kaya bumili kana lang ng babaeng hahalikan mo tutal marami ka namang pera." Nagwalkout siya sa sinabi ko. Buti nga sa kanya, lagi nalang gusto niyang kumiss sakin. Ito nalang pala ang sandata ko sa kanya. Whahahahahaha!

Natapos na akong magluto at tatawagin ko na sana si Kerk para kumain kaso wala siya, umalis yata siya. Habang hinihintay siya, nanuod muna ako ng TV sa living room at maya-maya...

Nakarating na siya na may kasamang babae at akbay-akbay pa niya.

"Sino siya?" tanong ko pero dinaanan lang nila ako ng parang walang nagtatanong.

Nice talking without looking. Naupo sila sa couch at sila nalang ang nanuod ng TV.

"Binili kitang kahalikan kaya akin ka buong araw." Sabi ni Kerk.

Ano daw? Binili niyang kahalikan? 'Yung babae? Tinotoo niya 'yung sinabi ko? Nagsimula na nga silang maghalikan. Wow! Sayang lang ang kuryente, walang nanunuod. Sayang lang yung niluto ko, walang kakain.

Haist! I clear my throat para makuha ang attention nilang dalawa, kilala ko 'yung babae na yan ah! Siya 'yung bigla-bigla nalang humahalik kay Kerk nung nagpunta kami sa bahay na heaven sa labas, hella naman sa loob. Psh!

"Bakit?" walang tono na tanong ni Kerk.

"Gusto niyo ng sandwich o maiinom?" Hindi nila ako sinagot kundi nagpatuloy ulit sa paghahalikan. Nice talking without answer! Aish! Maghapon yata silang maghahalikan. Kung sa bagay, binili niya nga diba? Para sulit ang pagbili, kailangan maghapon na. Kahit hindi nila ako sinagot, ginawan ko pa din sila ng sandwich at juice.

"Baka magutom kayo sa paghahalikan. Maaari niyo itong kainin." inilapag ko ang pagkain sa lamesa kahit na nice talking pa din without answer o looking man lang at pagkatapos nun, dumiretso na ako sa aking kwarto at nagdesisyon na matulog nalang dahil inaantok pa ako.

Haaay! Bwiset na araw.

Mahaba-habang oras din ako nakatulog and almost 5 hours na din ang nakalipas. Sinuot ko ang aking tsinelas at lumabas na ng kwarto. Hindi pa rin sila tapos maghalikan. Hah! At 'yung sandwich na binigay ko wala man lang bawas at 'yung juice din wala ding bawas. Hindi man lang sila nauhaw o nagutom man lang. Aish!

Nakakairita na silang dalawa. Nang-aasar talaga 'yang Kerk na 'yan, wag niyo sabihing sa limang oras na tulog ako limang oras silang naghahalikan? Hyper! Wala man lang sila pahingahan. Mamaya makita ko silang patay na dahilan sa naubusan na ng oxygen. Aish! Dumiretso nalang ako sa bathroom at nagdesisyong magligo. Kapag lumabas ako dito sa bathroom at nakita ko pa rin silang naghahalikan, ipapakain ko talaga ng buo ang sandwich eh.

Natapos na akong maligo at pagdating sa ko sa living room, wala pa rin silang pinagbago. Wag kang mahigh blood Terra! Hayaan mo sila. Sinusulit lang ni kerk ang bayad niya dun sa babae.

Naglinis nalang ako ng buong bahay..punas dito,punas doon,walis dito,walis doon..

+________+

Hindi na ako makapagpigil kaya sinamual ko sa bibig nila ang buong sandwich. Tingnan lang natin kung makahinga pa kayo.

-_________- <-----kerk

-_________- <----- yung babae

T______T! <------ako

"Ayaw niyo bang magpahinga hah?g Gumagabi na po kaya pwede niyo ng itigil 'yan." may pagka peke ko na sabi. Inalis nung babae 'yung tangay tangay niya na sandwich.

"Bye Kerk! It seems your girlfriend want you to kiss now." Want you to kiss your face! Argh! Umalis na 'yung babae at nakapameywang akong nakaharap kay Kerk.

Ganyan pa din ang emotion ng face niya samantalang nakataas lang ang isa kong kilay. Kung hindi ko pa isusubo ang sandwich, hindi sila titigil.

Tumayo na si kerk at ininom lahat ng juice at kinain ng buo ang sandwich. Nagutom siya. Kawawa naman! Pagkatapos nun,dumiretso na siya sa kanyang kwarto at isinarado ang pinto ng pagkalakas-lakas.

Kerk Point of View

Yes!Yes!Yes! Nagseselos si babe! Nagseselos si babe! Whahahahahaha! Halata sa kanyang mukha. Akala niya hindi ko totohanin ang sinabi niya hah! Pero hindi ko naman talaga hinahalikan 'yung babae, nagmumukhang naghahalikan lang.

Sa tuwing tumitingin siya,kunwari hinahalikan ko si fiona pero hindi naman talaga kasi natatabunan kami ng buhok niya. Kung nakita niyo lang ang expression ni babe, grabe! Halatang nagseselos siya.

Whahahahahahahaha! Tagumpay ang plano! Tagumpay! Yeah!

Yeah! Magdiwang ang mga playboy! Yeah! Woohooo!

Natigil ako sa pagsasaya dahil sa tiyan ko, nagugutom pa rin ako. Andami ko ng nakain na sandwich ah!

'Yung hinanda niyang pagkain samin, kinain namin 'yun, pinapalitan lang namin para magmukhang hindi namin kinain ang hinanda niya.

Lumabas na ako ng aking kwarto at nagdiretso sa kusina kung saan andun siya at naghuhugas ng pinggan pero tiningnan lang niya ako ng masama pero kinindatan ko lang siya at imbis na matuwa dahil kinindatan ko siya, hinagisan niya ako sa mukha ng foam na panghugas ng pinggan. Headshot!

"ANO BA ANG PROBLEMA MO SAKIN HAH?!" sigaw ko

"ANG PANGIT MO 'YUN ANG PROBLEMA KO!!" sigaw niya din.

"Hah? Aish! Aish!" Naupo nalang ako sa lamesa.

"Bigyan mo ako ng pagkain, nagugutom ako." mahinahon na sabi ko.

"Meron pa diyan sa ibabaw ng lamesa."

Tinanggal ko yung takip ng pagkain.

"Kaninang umaga pa ito ah!"

"Kasalanan ko bang hindi mo kainin." sagot niya. Wala akong nagawa kundi kainin nalang ang pagkain niyang inihanda kaninang umaga.

NAGSESELOS LANG 'YAN KERK! HAYAAN MO NA! GANYAN TALAGA ANG UGALI KAPAG NAGSESELOS! INTINDIHIN MO NALANG ANG NARARAMDAMAN NIYA!

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon