Chapter 86 How Great is Your Love

12.7K 244 1
                                    

Hingal na hingal si Anhiro na dumating sa kwartong kinalalagyan ni Terra kung saan andito rin si Kerk, binabantayan ito.

"Anong nangyari?" Naghahabol ang hininga na tanong nito.

"May anak na sana kami kaso nawala pa na parang bula." Tulalang sagot ni Kerk.

"Gago ka pare! Sabi ko ingatan mo siya pero pinabayaan mo. Tangina!"Galit na sagot ni Anhiro.

"Sorry."

"What sorry can do? Andiyan na 'yan at nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Anhiro.

"Sabi niya lalabas lang siya para magpahangin." Agad siyang tumakbo papuntang labas pero wala naman siyang nakikitang Mesaiyah. Nilibot niya buong hospital pero wala. Napaupo nalang siya sa bench na pinagupuan kanina ni Mesaiyah. Napakapit siya sa ulo at sinipa ang dahon na kalalaglag lang.

Nakahiga si Mesaiyah sa lupa. May tali ang magkabilang kamay at may tela ang bibig. Binuhusan ng isang lalaki ng isang timbang tubig ito para magising. Naghahabol siya ng hininga nang siya ay magising. Napatingin nalang siya ng sobrang sama sa lalaki at mapait naman na ngumiti ito. Hinagis niya sa lupa ang sigarilyo at tinapakan ito.

"Wag kang mag-alala. Gagamitin ka lang namin." Wika ng lalaki at mapait na ngumiti ulit kay Mesaiyah.

"Ang kailangan namin ay asawa mo. Syempre kailangan munang pahirapan ka. A princess huh?!" Ang natitirang sapatos ni Mesaiyah ay isinipa sa lalaki kaya parehas ng walang suot ang paa niya. Mula sa pagkakahiga ay umayos siya ng pagkakaupo. Pinulot ng lalaki ang sapatos at inihagis kay Mesaiyah na natamaan sa ulo.

"Hintayin mo kung darating ang iyong Knight in shining armor." Wika ng lalaki at umalis na sa harap ni mesaiyah. Kinapa-kapa niya ang cellphone sa bulsa pero wala, mukhang nahulog noong dinukot siya ng lalaki. May nakita siyang bakal, lumapit siya dito at ikiniskis ang tali na nagbabaka sakaling maputol ito. Habang pinuputol ang tali, hindi niya inaalis ang tingin sa lalaking umiinom ng alak. Nanginginig ang mga labi niyang mapuputla at ang kanyang kamay ay pinagpapawisan ng malamig at malakas ang kabog ng puso. Natatakot siya sa kung anong gawin sa kanya ng lalaki.

Kaunti nalang mapuputol na ang tali. Konting-konti nalang, sa pagkakataong ito ay nakaupo na ang lalaki, umiinom pa rin ng alak habang naninigarilyo.

Bago siya tumayo ay kinuha niya muna ang kahoy, kung sakaling lapitan ulit siya ng lalaki ay may panlaban siya. Marahan siyang lumapit sa lalaki, nanginginig ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang kahoy. Bawat pagtapak ng paa niya sa lupa ay lalong bumibilis ang tibok ng puso, nakalapit na siya sa lalaki at bago pa siya lingunin nito ay nahampas na niya ng kahoy sa ulo at ito na ang pagkakataon niyang tumakas subalit tatlong lalaki pa ang dumating, hinarangan nila ang daan kaya napatigil si Mesaiyah.

"Where are you going?" Sa mga mukha ng mga ito ay hindi taga Pilipinas. Singkit ang kanilang mga mata samantalang habang lumalapit ang mga lalaki sa kanya ay paurong siya ng paurong. Inalis niya ang tali sa kanyang bibig at sa takot niya, lumuha nalang ang kanyang mga mata.

"A-ano b-bang kailangan niyo? Pakawalan niyo na ako." Sa dami ng nagtangkang kumidnap sa kanya ay ito na ang mas nakakatakot. Sa pagkakataong ito ay hindi niya kilala ang mga ito.

Ang lalaking hinampas ni Mesaiyah sa ulo ay nakatayo na. Papalapit siya habang hawak ulo dahil sa lakas ng pagkakahampas ay dumugo ito. Napapunas siya ng kamay sa bibig at hindi alam ni Mesaiyah ay nasa likod na niya ang lalaki. Napatigil siya sa pag-urong ng maramdaman niya ang lalaki sa likod niya. Sobra na siyang natatakot, pinagpapawisan ang kanyang mapuputla na mukha at wala siyang magawa kundi tumungo nalang.

"Ano kayang masasabi ng asawa mo kung makita niya ang nangyayari sayo." Dumura ang lalaking duguan sa lupa. Dinukot nito ang cellphone sa kanyang bulsa at mukhang si Anhiro ang tinatawagan. Napangiti ang lalaki. Siguro'y sinagot na ni anhiro ang tawag.

[VIDEO CALL]

"Alam mo ba kung nasaan ang asawa mo?" Napakunot ang noo ni Anhiro.

"Nasa tabi ko siya." pagpapatuloy ng lalaki sa sinasabi at inakbayan si mesaiyah na ikinagalit ni Anhiro.

"Fuck you! Wag na wag mong mahawakan ang asawa ko kundi papatayin kita!" Nanggigigil na sagot nito.

"Hanapin mo kami kung ayaw mong may ibang mangyari sa..asawa..mo!" Hinawakan ng lalaki ng mahigpit ang buhok ni Mesaiyah, dinilaan ang pisngi at itinulak dahilan para mapasubsub sa lupa.

"O hindi kaya. Gusto mo bang mapanuod ang ayaw mong mangyari?"

Napatulo nalang ang luha ni Anhiro.

"HAYUP KA! PAPATAYIN KITANG HAYUP KA!! WAG MO SIYANG MA..."

"How great is your love?" Mapait na tanong ng lalaki sabay sinipa sa tiyan si Mesaiyah. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ni Anhiro samantalang ang kawawang babae na nakahiga sa lupa ay hawak ang kanyang tiyan dahil sa sakit. Kinuha ng lalaki ang kahoy at hinampas ng malakas ang binti ni Mesaiyah dahilan para mapasigaw ito.

"Aahh! A-anhiro!" Sigaw niya habang umiiyak. Hindi lang isang hampas ang dumampi sa mga binti nito. Limang sunod-sunod na palo at si Anhiro, hindi niya alam kung saan sila hahanapin, hindi alam kung anong gagawin at hindi alam kung saan pupunta. Kung pwede lang pumasok sa cellphone, gagawin niya pero imposible. Maraming beses na niya itong niligtas o ipinagtanggol pero sa pagkakataong ito, wala siyang magawa kundi panuorin lang itong sinasaktan ng iba.

"Wag mo siyang gagalawin. Please. Wag. Wag. Wag." ngumiti lang ng makahulugan ang lalaki at pinatay na ang video call.

Nasa kotse siya at inuntog-untog ang ulo sa manibela. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyari sa kanyang masama. Anong silbi kong prinsipe sa kanya? Anong silbi ko kung hindi ko siya mahanap? Ano bang silbi ko?

Lumabas siya ng kotse, napasabunot lang siya sa kanyang buhok at nagtatakbo. Takbo ng takbo ng takbo siya ng takbo kahit alam niyang wala siyang patutunguhan. Hindi niya exactly alam ang lokasyon na kinalalagyan ni Mesaiyah basta ang alam lang niya. Hahanapin niya ito.

How great is your love? When you love someone, you are strong enough to let her go, you have to give up all your possessions even when you're brave enough to fight, you have to leave even when you can stay, you have to sacrifice your throne and you have to accept the truth in lies. Hindi nasusukat ang pagmamahal. Kapag nagawa mo ang pinakamahirap na desisyon para sa mahal mo, sapat na iyon para malaman kung gaano mo siya kamahal.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon