Mesaiyah's Point of View
Kinaumagahan maaga akong nagising. Ewan, siguro trip ko lang na gumising ng maaga. Sa kama pa rin ako humihiga at sa couch naman si stranger. Wala eh, dun daw ang gusto niya.
Tumayo na ako at bago ako lumakad papunta sa bathroom, tumigil muna ako sa harap ni stranger at tinitigan muna siya. Bakit ko nga ba siya tinititigan. Ewan. Hindi ko alam.
Naalala ko nung nanaginip siya, sabi niya mahal pa rin kita Kosuri pero kung mahal niya si Kosuri, bakit gusto niya itong kalimutan? Ang gulo naman niya.
Lalakad na sana ako papunta sa bathroom nang bigla niya akong yakapin.
"Ano ba! Hindi ka man lang ba magpapaalam na yayakap ka?! Hah?! Waaaaah! Umalis ka nga! Parang kang tuko kung makakapit!!!" sigaw ko.
"Eh. Ah. Eh, kasi m-may..a-ano..ah..ano..ah.'
"Ano? Bakit ka ba ganyan magsalita hah?!" naiiritang tanong ko.
"Eh kasi, MAY DAGAAAA!!!!"
"ANOOO???? AHHHHHHHH!!!!!!" dali-dali akong pumatong sa couch pati na din siya.
"Asan 'yung daga? Ituro mo sakin? Asan?"
"Ayun oh!" tinuro niya. Hindi ko nakikita pero alam kong merong daga kasi nga nung pumunta dito si Kosuri, remember? Nung tumago ako sa ilalim ng kama, nakipag eye to eye pa nga sakin eh.
"Kunin mo 'yung daga! Kunin mo!" utos ko.
"Bakit ako? I-ikaw nalang! Ayoko!"
"Mas lalo namang ayoko. Ikaw na kasi!" pilit ko sa kanya.
"Aoko nga!! Ikaw nalang, nakakadiri ang daga."
"Wow! Lalaki ka! Lalaki!"
"Oh? Eh ano naman kung lalaki ako?"
"Dapat ang lalaki matapang. Walang kinatatakutan, unless bakla ka."
"Hindi ako bakla!"
"Kung hindi ka bakla, kunin mo ang daga!"
"Ayoko nga!"
"Bakla."
"Hindi nga ako bakla!"
"Bakla."
"Hindi nga ako bakla!"
"Bakla."
"Gusto mo patunayan ko sa'yong hindi ako bakla?"
"Sige." parang wala lang na sagot ko at lumapit siya sakin.
O_______________O
"B-bakit" nauutal na tanong ko.
"Papatunayan ko sa'yong hindi ako bakla." Habang lumalapit siya sakin, lumalayo naman ako. Nasa ibabaw pa rin kami ng couch at halos nasa dulo na ako pero patuloy pa rin ang paglapit niya sakin.
"L-lumayo ka n-nga sakin." nakatitig lang siya na kahit anong oras ay matutunaw ako na parang ice cream dahil sa tingin niya. I really hate the way he looks at me. I can feel my cheeks are burning, nasa impyerno na yata ako. Juskolord. Konti nalang ang space. Ohmy! Mahuhulog na ako.
"Prince and princess. May problema po ba kayo?At--------"
"Waaaaaaaaahhh!!!!" mahuhulog na sana ako, buti nalang nahawakan niya yung kamay ko at hinigit papunta sa kanya at dahil sa malakas na pwersa na paghigit niya sakin. Napahiga kami sa couch at napaibabaw ako sa kanya.
Nakita ko si inay na gulat na gulat sa nakita niya kaya agad akong tumayo.
"Nagsisigawan po kayo eh. Kaya pumasok nalang ako. Hehehe. Akala ko may masama nang nangyari. Sige. Ituloy niyo lang po ang ginagawa niyo." at umalis na si inay sa kwarto ni stranger. Ano daw? Ituloy lang daw ang ginagawa namin? Hanudaw?
BINABASA MO ANG
She Married The Stranger [Book1]
Teen Fiction"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-w...