Chapter 90 You Should Kill Her

13K 268 4
                                    

Nililibot niya ang mansyon ng kanyang ina, nakawheel chair siya at ang nagtutulak ay ang katulong. Namumukhaan niya ang babaeng nagtutulak sa kanya, siya ang school nurse ng eskwelahan na pinapasukan niya nung highschool siya. Nagtataka nga siya kung bakit naging katulong ang nurse dito pero mas pinili niyang wag nalang magtanong dito.

"Pakitigil po." Tumigil sa pagtutulak ang katulong. Suminghap siya ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Mataas ang tirik ng araw at parang gusto niyang magpuntang park ngayon.

"Pwede ba tayong pumunta sa park?" Tanong niya sa katulong.

"Hindi po pwede. Bilin ni madam wag kang dalhin sa malayo." Napasimangot si Mesaiyah sa sagot ng katulong.

"Malayo ba ang park dito? Ilang oras ba bago makapunta dun?"

"Bawal po talaga kayong lumabas ng bahay. Maraming naghahanap sa'yo sa labas, nanganganib ang buhay mo." Paliwanag ng katulong.

"Sige na po. Please. Sandali lang naman tayo dun eh. Gusto ko lang panoorin ang mga batang naglalaro. Ako na po ang bahala kapag pinagalitan ka ng aking ina." Pinipilit niya pa rin ang katulong kahit na bawal pero wala pa rin itong nagawa kundi tuparin ang hinihiling ni Mesaiyah.

"Sige pero sandali lang tayo ah, papagalitan tayo ni madam."

"Yehey! Thank you po!" Para siyang binigyan ng barbie doll nang tuparin ang kanyang gusto. Malungkot siya deep inside pero tinatago niya lang. May kulang sa kanya eh, 'yun ang nararamdaman niya though nasa tabi na niya ang tunay niyang ina.

Nakarating sila sa park, masayang-masaya si Mesaiyah nang makita niya ang mga batang masayang naglalaro. Napasinghot siya sabay pinunasan ang kanyang luha, isang oras na din ang nakakalipas nang makarating sila sa park. Tumingin siya sa mga ulap.

Sana gabi ngayon para nakikita ko ang buwan at ang orion para hindi ako mawalan ng pag-asang makita pa sila. Pinunasan niya ulit ng kanyang kamay ang pisngi.

"Balik na po tayo." Wika ng katulong. Hinayaan nalang niya ang katulong, kahit gusto niyang panuorin pa ang mga bata.

"Wait." Pinahinto niya ang katulong sa pagtutulak. Namamalik-mata lang ba siya sa kanyang nakikita? Si Anhiro na nakaupo sa isang bench na nagkalat sa park. Pinagbabangga niya ang kanyang sapatos habang umiiyak. Natatawa si Mesaiyah sa itsura ni Anhiro ngayon, hindi niya alam kung bakit pati siya ay naiiyak na din. Napakagat nalang siya ng labi at pinagdikit ang dalawang palad.

Ang gwapo niya pa rin kahit umiiyak. Wika niya sa kanyang sarili. Napakunot ang kanyang noo. Nakita niya kasing hawak ni Anhiro ang kwintas niya. Ngayon, malalapitan na niya si Anhiro, mayayakap na at mahahalikan.

Sobrang miss na siguro ako ng lalaking 'to. Wika niya ulit. She was about to call anhiro when the maid covered her mouth.

"Anhiro!!!" Tanging siya nalang ang nakakarinig sa kanyang tawag. Sumisigaw siya para marinig ni Anhiro subalit hindi ito lumingon. Agad-agad na tinawag ng katulong ang driver para siya ay tulungan at nang nasa kotse na siya, sumisigaw pa rin siya, pilit niyang buksan ang bintana pero pinipigilan siya kaya bigo siyang mayakap at malapitan si anhiro.

Napasandal siya sa upuan ng kotse at humagulgol ng iyak. Ugh! Nakakainis. Nawala ang pagkakataong makita niya si Anhiro, 'yun lang naman ang gusto niya, ang makita ang mga kaibigan, kapatid at si Anhiro pero bakit maraming pumipigil?

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Tanong niya.

Nakarating na sila sa mansyon at sumalubong sa kanila ang nag-aalalang ina. Sinampal nito ang katulong.

"Wag kayong lalabas ng bahay. Natatandaan mo ba ang sinabi ko?" Galit ang ina ni Mesaiyah. Lumuhod sa harap nito ang katulong na nagdala sa kanya sa park. Pinangakuan niyang siya ang bahala kapag pinagalitan siya ng kanyang ina.

"Ako ang may gusto na lumabas, wag mo na siyang saktan." Pagtatanggol ni Mesaiyah.

"Wag mo akong pagbawalan sa kung anong gusto kong gawin. Hindi ka naawa sakin nung iniwan mo ako kaya hindi rin ako maaawang iwan ka." Matapang na sagot ni mesaiyah na ikinatahimik ng ina.

"Pakidala na po ako sa loob." Dagdag pa niya at ipinasok na siya ng katulong sa loob ng bahay.

Tumayo na si Anhiro mula sa pagkakaupo niya sa bench. Hindi man lang niya napansin si Mesaiyah na tinitingnan siya, isang lingon nalang niya sa gilid on the spot na niyang makikita ang hinahanap niya pero napigilan pa. Sumakay na siya sa kanyang motor at pinaharurut ito papunta sa tinutuluyan ng kanyang lolo. Tumawag ang matanda sa kanya, may ibibigay daw siya.

"Spill it!" He said as he entered the room where his grandfather is sitting on the sofa. Hinagis ng kanyang lolo ang envelope sa kanya.

"Tingnan mo." wika ng lolo at tiningnan niya nga kung ano ang nasa loob ng envelope.

Hindi makapagsalita si Anhiro nang makita niya kung ano ang nasa loob ng envelope. Mga pictures ni Mesaiyah, nasa park at nakatingin kay Anhiro. Ilang sandali lang ang nakakalipas nang makuhaan sila ng picture. Maraming shots and almost 50 ito. Damn! He said to himself.

Hinagis ni Anhiro sa kanyang lolo ang mga pictures kaya nagkalat ito sa sahig. Balak niya pa sanang bumalik muli ng park, nagbabakasakaling andoon pa si Mesaiyah pero pinigilan siya ng kanyang lolo.

"She is your enemy. You should kill her." wika ng matanda. Humarap sa kanya si Anhiro, napatikom ang kanyang kamao at nagsisimula na naman siyang mang-init. Paano niya papatayin ang babaeng mahal niya? Can someone answer that question?

"Kahit makita mo siya, kahit matagpuan mo siya, hindi pa rin kayo pwede." Dagdag ng kanyang lolo.

"Wala akong pakialam." Matigas na sagot ni Anhiro.

"Then, ako mismo ang papatay sa kanya." Pananakot ng matanda sa kanyang apo na kanyang ikinatagumpay. Napasinghap si Anhiro ng malalim, ipinikit ang mata niya at pilit na pinakalma ang sarili. Mahina siya pagdating sa mahal niya. Lahat naman tayo may kahinaan, kahinaan na talagang dadalhin tayo sa paghihirap at pagsisisi.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon