Prelude.

81.6K 1.5K 98
                                    

Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko. Masamang bangungot. Mabuti na lang at hindi ko na naaalala.

"Are you alright, Zai?" Tanong ni Grace at tinapik ang balikat ko. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko.

Nakatulog pala ako. Wala namang kaso iyon dahil nagkaroon ng urgent meeting ang faculty kaya free time namin.

Tumango naman ako. "Nasaan nga pala si Mary?" Tanong ko.

Hindi na nasagot ni Grace ang tanong ko sa kanya dahil dumating si Conrad, ang bekibels kong kaibigan.

"Nakakapantampo kayo dahil hindi niyo ako sinasama sa chika niyo. Hmp!" At inirapan kami.

"Gaga! Hindi kami nagchichikahan! Palibhasa ikaw, wala ka ng ibang ginawa kung hindi makipagchikahan!" Untag ni Grace.

"Nasaan si Mary?" Pag-uulit ko.

"Hindi ko nga alam eh. Ilang araw na ba yun hindi pumapasok?" Si Grace.

"Tatlo." Sabi naman ni Conrad.

Ang mga kaklase kong wala sa upuan ay nagsibalikan nung marinig ang president ng klase namin na nandyan na si Sir Mon, adviser namin.

Malungkot ang mukha ni Sir Mon nung pumasok. Tinanong ni Dan, kaklase ko.

Tinanggal ni Sir Mon ang salamin niya.

"Wala na si Mary Chan..."

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon