Case 6

39.9K 856 110
                                    

Nagising ako nasa infirmary na ako.

"Zai!" Tawag ni Grace. Umupo ako sa stretcher na kinauuglukan ko. Napahawak ako sa ulo ko.

"A-anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw dapat ang tinatanong namin ng ganyan, Zai! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Conrad. Binatukan siya ni Grace.

"Bigla ka na lang hinimatay dun sa stock room, Zai. Pagbalik ko galing cr, wala ka ng malay." Utas ni Grace.

Wala akong maaalala na nangyari sa stock room. As in! Wala talaga!

Nagitla kami nila Grace at Conrad nung makita na mayroong mga estudyante na paparating dito sa infirmary at kasama si Verna.

"Anong nangyari dito?!" Utas ng nurse dito sa infirmary.

"Ewan po namin! Nasa classroom po kami, naglilinis nung bigla na lang po siyang mangisay at may kumalabas pang dugo sa labi!" Pagpapaliwanag nung kaklase kong si Mia.

Inihiga si Verna dun sa isa pang stretcher na kaharap ko. Patuloy siya sa pangingisay. May lumalabas nga na dugo sa bibig niya.

Tumayo ako sa stretcher ko at pumunta na dun sa tabi ng stretcher ni Verna. Ewan ko kung nasaan na si Grace at Conrad.

Nagulat ako nung hawakan ni Verna ang kamay ko.

"S-si M-mary!" Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Nakakadiri ang mga dugong patuloy lang sa paglabas sa may bibig niya. Sa palagay ko ay ako lang ang nakarinig sa sinabi niya. Anong mayroon kay Mary?

"Ilayo niyo si Zaira!" Sigaw ni Popoy, ang isa ko pang kaklse. Kinuha niya ang kamay ni Verna na nangingisay at nakahawak sakin. Nilayo naman ako ni Conrad at Grace.

Pilit na may sinasabi si Verna pero hindi namin maintindihan. Tumigil siya sa pangingisay. Umangat ang dibdib niya at bumagsak rin. Panay dugo ang uniporme niya at ang stretcher na kinauuglukan niya.

"P-patay na si Verna." Malungkot at mahinang utas ng nurse.

Napahawak ako sa gilid ng noo ko. Nahihilo na naman ako.

"Saan ka pupunta, Zai?" Tanong ni Conrad.

Hindi ko na sila sinagot. Lumabas ako ng infirmary. Bukod sa nahihilo ako ay hindi ko kayang tingnan ang sinapit ni Verna. Nakakaawa siya.

Si Mary.

Si Mary.

Si Mary.

Anong mayroon kay Mary?

"Zaira!" Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sakin pero nagsisisi ako kung bakit lumingon pa ako gayung si Frank lang pala yun.

"Wala ako sa mood at wala akong oras para makipagbangayan sayo." Sabi ko at patuloy na naglakad. Pageywang-geywang pa nga ako.

"Nahihilo ka ba?"

Nanatili ang kamay ko sa gilid ng noo ko.

"Obvious ba?" Tumingin ako sa kanya. Dalawa siya sa paningin ko. Sino ba diyan si Frank?

"Dadalhin na kita sa infirmary." Sabi niya.

"Ayoko. Kakagaling ko lang dun. Atsaka, nandun si Verna."

"Oo nga pala. Kumusta si Verna?"

"W-wala na siya, Frank."

Natahimik si Frank. Umikot ang mga tingin ko at umiikot rin ang paningin ko. Nahihilo na talaga ako.

"Zaira! Hindi ka okay! Dadalhin na kita sa infirmary!" Utas ni Frank at niyugyog pa ako.

HUWAG MO AKONG YUGYUGIN, GAGO!

"Zaira!" Patuloy lang siya sa pagyugyog sakin and boom!

NASUKAHAN KO SIYA SA MUKHA!

Medyo nawala ang hilo ko kaya natingnan ko ng maayos si Frank. Namumula na ang mukha niya sa sobrang galit.

"SINUKAHAN MO AKO?!" Galit niyang sigaw.

"EH KITA MO NAMANG NAHIHILO NA AKO, HALA SIGE KA PA RIN SA PAGYUGYOG SAKIN!" Sinigawan ko rin siya.

"HUWAG KANG SUMIGAW!"

"EH SUMISIGAW KA EH!"

"HINDI AKO SUMISIGAW!"

"EH ANONG TAWAG MO DIYAN SA GINAGAWA MO?!"

"Uh, obser-"

"HUWAG KANG MANGIELAM DITO!" Sigaw namin ni Frank at napatingin dun sa nakisawsaw sa bangayan namin.

Natigilan kami pareho nang makita kung sino iyon.

"Principal Francis?" Napayuko ako. Shit! Principal yung sinigawan namin tapos wala pang po! Napakabastos mo, Zaira! Ikinahihiya ka dapat ng pamilya mo!

"Dad?" Tawag ni Frank sa tatay niya. Oo nga pala! Tatay niya yan!

"Pwede bang malaman kung bakit kayo nagsisigawan?"

Magsasalita na sana ako kaso pinutol iyon no Principal Francis.

"Lumayo ka nga sakin, Franklin! Napakabaho mo! Saan ka ba nagsususuot?" Sabi ng papa ni Frank na nakatakip sa ilong.

Franklin? BWAHAHAHA! WHAT A NAME? PANG-OLDIES, HUH?

"Sinukahan niya ako, dad." Sabi ni Frank.

"Is that true?" Baling sakin ng papa niya.

"Opo. Pero hindi ko po sinasadya. Nahihilo po ako tapos niyugyog niya pa po ako." Pagpapaliwanag ko.

"Totoo ba yun, Franklin?" Franklin? HAHAHA!

Tumango naman itong katabi ko. Aba! Tumitiklop rin pala itong isang ito kahit papaano.

"Kung gayun, yun ang dahilan ng sigawan niyo?" Tumango kami.

"Bilang kaparusahan dahil hindi niyo sinunod ang rule dito sa corridor na ito na 'Observe silence' ay kailangan niyong maglinis ng banyo, after class. Understood?"

Napalunok ako. Punyemas! Cr talaga?

"Principal Francis! Kailangan ka po sa infirmary. Yung isang estudyante po kasi natin."

"Sige, Sir Mon." Baling niya dun sa tumawag sa kanya.

"Zaira?" Tawag sakin ni Sir Mon pero hindi ko na siya tiningnan.

"After class." Diin ni Principal Francis samin ni Frank.

Naramdaman ko na wala na ang presensya niya kaya inangat ko na ang ulo ko.

Tumingin ako kay Frank. "Hindi sana ako maglilinis ng banyo kasama ka kung hindi mo ko tinawag kanina, Franklin."

Hahaha! Galit na ako sa kanya may pang-asar pa ako!

"Una..." Lumapit siya sakin. Amoy suka siya pero ang bango niya pa rin, bakit ganun? "Hindi sana tayo mapapagalitan ng tatay ko kung hindi mo ako sinukahan." Magsasalita sana ako kaso inunahan ako. "Pangalawa..." Lumapit ulit siya sakin. "Ayoko rin kitang makasama maglinis." Lumapit ulit siya sakin. Sobra na! Magdidikit na ang mukha namin. "Pangatlo..." Amoy suka siya, ah? Pero bakit ang bango pa rin niya? Letsugas ito! "Huwag mo akong tawaging 'Franklin' kung ayaw mong mahalikan kita."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tinulak ko siya.

"Halikan mo mukha mo, ungas!" Sabi ko at iniwan siya dun.

Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at hindi pwede yun.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon