Case 37

27.5K 568 42
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong kaibigan. At sinisisi ko ang sarili ko.

"Okay ka lang, Zai?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Popoy sa harap ko.

Mag-isa na lang akong kumakain sa cafeteria. Dumalaw ako sa burol ni Grace kahapon. Napag-pasyahan ko ring bukas na pumunta kina Grace kadabay nang pagpapalibing sa kanya.

Ngumiti na lang ako. Kaysa naman sumagot ako ng okay, hindi ba?

Umupo si Popoy sa harapan ko at nilapag ang tray na dala niya na ang laman ay mga pagkainf binili niya. Lunch break kasi namin ngayon.

"Condolence." Sabi ni Popoy.

Alam na ng buong school na patay na si Grace. Mas lalo tuloy naging usap-usapan ang aming section.

Paunti na kami nang paunti. Ilang estudyante na ba sa section namin ang namamatay? Hindi ko alam kung may susunod pa pero naalala ko na sinabi ni Mary sakin na hindi dapat kasama si Conrad at Grace sa death list niya.

Ibig sabihin ba nun ay may isa pa siyang papatayin?

Sino?

Ako?

Kinabahan tuloy ako.

Naramdaman ko ang kamay ni Popoy sa kamay kong nakapatong sa lamesa kaya napatingin ako sa kanya.

"Zaira." Mahinahon niyang utas.

"Poy, nagpapakita pa ba sayo si Mary?" Walang alinlangan kong tanong.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Luminga-linga siya. "Oo." Sagot niya.

Huminga akong malalim. "May sinabi ba siya sayo?" Tanong ko.

Luminga-linga ulit siya. "Sabi niya sakin... Mamamatay ang dapat na mamamatay..."

Huminga ulit ako ng malalim. "Sinabi niya na rin sakin yan..." Bulong ko.

"Zaira," Tawag sakin ni Popoy. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Nagkaroon ka ba ng kasalanan kay Mary?" Tanong niya.

Derecho akong tumingin kay Popoy.

Oo.

May kasalanan ako kay Mary.

Pinayagan kong manligaw sakin ang lalaking gusto niya.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang umubo sa may gilid namin ni Popoy. Nag-angat kami pareho ng tingin at laking gulat ko nang makita ko si Frank na mayroon pa ring benda sa noo. Nasa likuran niya yung dalawang tropa niya. Yung isa dun ay yung nagsama sakin sa may warehouse.

"Ehem..." Pag-ubo ni Frank. Kumunot ang noo ko. "Bilang anak ng principal nang school na ito... Gusto ko lang kayong paalalahanan na bawal ang PDA dito..." Sabi ni Frank at nginuso ang kamay namin ni Popoy.

Mabilis kong binawi ang kamay ko at itinago ito sa ilalim ng mesa. Shit. Bakit nahihiya akong nakita iyon ni Frank?

Nakita kong kumuyom ang panga niya. Ang mga kamay niya na nasa bulsa ng slacks niya ay dumapo sa lamesa namin ni Popoy.

Nilapit niya ang mukha niya sakin. Akala ko kung anong gagawin niya kaya pumikit ako at sinara ng mariin ang labi ko. Baka halikan niya ako!

Pero mali pala ang hula ko. Naramdaman ko ang paghinga niya sa may tainga ko kaya nakaramdam ako ng pagkakiliti sa may batok.

"Tsk tsk tsk. Ako lang ang puwedeng humawak sa mga kamay mo. Understood?" Bulong niya.

Nanahimik na lang ako dahil wala akong masabi sa sinabi niya.

Shit.

Damn you, Frank Lavarino.

Umalis siya sa tainga ko kaya nakita ko agad ang ngisi niya. Binalingan niya si Popoy. Akala ko ay susuntukin niya ito o aawayin pero hindi naman pala. Mali na naman ako.

Tiningnan niya lang ito at umalis na sa table namin. Pinanood ko siya habang naglalakad palayo sa table namin.

Narinig kong humagikgik si Popoy kaya naagaw niya ang atensyon ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hahaha! Possessive boyfriend shit." Sabi ni Popoy.

Mas lalong tumaas ang kilay ko. "Excuse me?" Tanong ko.

"Frank." Sabi niya. "He's a possessive boyfriend." Dagdag niya pa.

"Hindi ko siya boyfriend." Mariin kong sabi at binalingan ang pagkain ko.

"Talaga lang, huh? Eh bakit ganun kung makaasta?" Tanong niya.

Hindi ko siya tiningnan. Abala ako sa pagkain ko.

"Bakit sakin mo tinatanong? Ako ba siya?" Mataray kong utas.

"Weh? Hindi talaga kayo?"

"Hindi nga!"

"Talagang-talaga?"

"Talagang-talaga!"

"Seryoso. Hindi talaga kayo?"

"Hindi nga sabi, e!"

This time, binalingan ko na siya ng tingin. Nakangisi siya sakin. Kinunutan ko siya ng noo. Problema nito?

"Anong problema mo?" Tanong ko.

Nakangisi pa rin siya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Kailan pa naging ulam ang tubig?" Tanong ni Popoy.

Tumingin ako sa pagkain ko at laking gulat na yung baon kong tubig ang naging sabaw ng baon kong kanin!

Tumingin ako kay Popoy at ngumiti na lang. Narinig ko naman anv hagikgik niya.

Shit naman kasi.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon