Case 40

28.3K 594 62
                                    

Halo-halo na ang mga nararamdaman ko sa mga nakalipas na araw. Naghalong takot, kaba, lungkot at saya. Nakakadepress. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramadaman.

Natatakot ako dahil kay Mary.

Kinakabahan ako dahil sa mga susunod na binabalak ni Mary.

Nalulungkot ako dahil wala na ang mga kaibigan ko. Tanging si Popoy na lang ang nakakasabay ko kumain sa canteen.

Masaya dahil sa wakas, kami na ni Frank.

Pero bakit hindi siya ang kasama ko tuwing breaktime? Eh kasi, ayoko. Ayoko munang ipaalam sa lahat na kami na ni Frank. Hanggang hindi ko pa nasasabi kay JM na tigilan na ang panliligaw sakin. Hindi ko masabi kay JM dahil mag-iisang linggo na siyang hindi pumapasok. Napa-isip tuloy ako. Kaya yata hindi nakakagraduate iyon at pabalik-balik lang sa year level niya, e. Laging absent!

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang sagutin ko si Frank.

At dahil nga tinatago namin ang aming relasyon, Nagkakaroon lang kami ng oras sa isa't isa kapag sa klase dahil katabi ko siya pero minsan lang din iyon dahil baka mahuli kami ng teachers namin na nag-uusap. Mahalata pa kami. Kaya tuwing gabi, tatawag siya sakin at doon kami magtetelebabad sa telepono. 

Pero nagtataka ako kung bakit kagabi ay hindi siya tumawag. Wala namang away na namagitan samin. Ano kayang nangyari dun?

Naglalakad ako ngayon. Wala akong gana pumasok! 

Lintek kasi na Frank 'yan, e.

Pinapa-isip ako ng bonggang-bongga! Ang dami-dami ko na ngang iniisip, e.

Mula sa mga paa ko ay nag-angat ako ng tingin. Napatigil ako nang makita ko ang gate ng school namin pero hindi iyon ang talagang nakapagpatigil sakin sa paglalakad. Si Frank.

M-may kasamang babae. 

Umakyat ang dugo ko sa ulo kaya walang paliguy-ligoy kong binilisan ang paglalakad sa direksyon ni Frank at nung babae'ng inaakbayan niya. Hinawakan ko ang kanyang balikat para maiharap sakin at agad siyang sinapak. 

Malaya ko siyang nasapak dahil wala pang estudyante. Tanging ako, si Frank at ang babae'ng akbay niya ang nandito. 

Ang galing, 'di ba?

Dahil sa sapak ko kay Frank, agad siyang napa-upo sa sahig habang ang babae'ng akbay niya ay bilugan at gulat na gulat. Pero ang pinagtataka ko ay mayroon agad pasa sa mukha si Frank.

Ganun ba kalakas ang sapak ko? 

Binalingan ko ng tingin ang babae at sinampal. Napahawak siya sa pisngi'ng sinampal ko habang si Frank ay tumayo at pumagitna sakin at dun sa babae.

Seryoso at  may halong lungkot ang mga titig na ibinabato niya sakin.

Bakit ka seryoso ngayon? Naisip mo ba yung kalokohang ginawa mo? Yung pang-gagago mo sakin, huh? Bakit malungkot ka? Kasi naisip mong niloko mo 'ko?

Suminghap siya at tinalikuran ako. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko nang marinig ko sa mga labi niya ang pag-aalala niya doon sa babae.

"Janice, okay ka lang?" Tanong ni Frank. Tumango si Janice at matalim akong tiningnan. Dahan-dahan na bumaling si Frank sakin. Narinig ko ang pag-singhap niya at nakita ko ang mariin niyang pagpikit sa mga mata. Nakita ko ring gumalaw ang kanyang Adam's apple kaya napagtanto kong lumunok ito.

Dumilat siya. Naghihintay ako nang sasabihin niya. Blanko. Yan ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"Nagkamali ako, Zaira." Seryoso niyang sabi.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon