Case 31

27.9K 578 27
                                    

Nagising ako nang may humahaplos sa buhok ko.  Dinilat ko ang dalawa kong mata at nakita agad ang mukha ni Frank.

"Anong ginagawa mo dito sa infirmary?" Tanong ko agad.

Nakita ko ang ngisi niya. Kinilabutan ako. Naalala ko kasi iyong pag-amin ko sa kanya. Kung paano niya ako nginisian. Shit!

"Kailan pa naging infirmary ang kotse ko?" Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid. May manibela. May rear mirror. May dashboard. May seatbelt.

Shit! Nasa kotse niya nga ako!

Agad kong pinihit ang buksanan ng pintuan sa gilid ko pero sa tuwing pipihitin ko iyon, pipindutin ni Frank ang button na nasa pintuan sa gilid niya.

"Buksan mo nga ito, Lavarino, kung gusto mo pang lumabas dito ng buhay!" Bulyaw ko nang nilingon ko siya.

Nanginig ang balahibo ko sa ngisi niya.

Napasandal ako sa bintana ng kotse niya nung dahan-dahan siyang lumalapit sakin.

"A-yo-kong buk-san ang pin-tu-an da-hil ba-ka ma-ka-ta-kas ka u-lit sa-kin." Bawat kataga ay palapit siya ng palapit dahilan kung bakit unti-unting tumitindig ang mga balahibo ko.

"U-u-u-ungas ka! Palabasin mo ako dito!" Bulyaw ko.

Ngumisi siya lalo. Shit! Stop. Smirking. "May vowel movement ka na naman ba, Zaira?" Sabi niya.

Sa simpleng pagtawag niya saking pangalan ay nanghina na agad ako.

"A-a-a-a-ang kapal m-m-mo rin, e, n-n-noh!"

Huwag ka kasing magpahalata, Zaira!

"Alam ko na ang gamot sa vowel movement mo, Zaira." Sabi niya.

Isang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Halos magkadikit na ang mga ilong namin at kapag hinilig niya ng kaunti ang kanyang ulo, tiyak kong dadapo na naman ang labi nitong ungas na ito sa labi ko.

"Isang kisspirin ng Frank Lavarino." Sabi niy at hinilig ang kanyang ulo. Napapikit ako.

Ilang segundo rin akong nakapikit perp walang dumapo sa labi ko. Dinilat ko ang mga mata ko dahil nakarinig ako ng kung anong tumatawa at nakita kong si Frank pala!

"Gusto mo yung halik ko, noh?" Sabi niya at tumawa.

Tumingin ako sa dashboard at nakita ko dun yung bulaklak na gumegeywang sa tuwing matatapatan ng ilaw. Kinuha ko iyon at ibinato sa kanya.

Bull's eye!

Tumigil siya sa pagtawa dahil tumama iyon sa kanyang bumbunan. Ang tindi niya kung hindi siya masasaktan sa ginawa kong pagbato.

Dumaing siya. "What the! Bakit mo ako binato sa ulo, huh?" Tanong niya.

"Tss. Nagtanong ka pa talaga, huh?" Irap ko.

"Kung hindi lang kita mahal, malamang naibato ko na rin sayo ito." Sabay pakita noong binato ko sa kanya.

"Tss. As if i care! Pumapatol ka sa babae, e." Bulyaw ko.

"Malamang babae ang papatulan ko, alangan namang lalaki ang patulan ko? Isip nga, Zai!" Sabi ni Frank.

Binatukan ko nga.

"Loko! Hindi yun ang ibig kong sabihin!" Sabi ko.

Hinimas niya ang parte'ng binatukan ko. Loko kasi, e.

"Eh ano?" Tanong niya.

"Ewan ko sayo. Humanap ka ng kausap mo." Sabi ko at iniwas sa kanya ang tingin. Dumapo ang tingin ko sa isang vendor ng fishball kaya kuminang ang mga mata ko at agad na bumaba.

"Shit." Rinig kong bulong ni Frank sa likuran ko dahil hindi niya nasara ang pintuan ko.

Rinig ko ang ginawang pagsara ni Frank sa kanyang pintuan ng kotse habang ako ay patuloy sa paglakad papunta sa fishball vendor.

"Zaira. Wait up!" Sigaw ni Frank. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa fishball vendor ay agad akong kumuha ng stick at itinusok iyon sa kawali na puno ng fishball.

"Magkano, kuya?" Tanong ko.

"Yan? Ah. Kahit buhay mo nalang ang kapalit, ayos na."

Nagulat ako sa sinagot ni kuya fishball. Nag-angat ako ng tingin at agad kong nakita ang nakakatakot na mukha ni Mary.

"Kahit buhay mo ang kapalit." Sabi niya dahilan kung bakit napaatras ako.

"Zaira!" Sigaw ni Frank sa pangalan ko at hinatak ako. Sa gulat, napapikit ako. Ang tanging narinig ko ay ang mabibilis na pagbuntong-hininga ni Frank at ang rumagasang motorsiklo.

Yakap-yakap ako ni Frank. Naalala ko ang nakita at sinabi ni Mary sakin.

Kahit buhay mo ang kapalit.

Napayakap ako kay Frank nang mahigpit at umiyak. Naramdaman ko rin namang mas hinigpitan ni Frank ang yakap sakin.

"Nandito lang ako, Zaira. Hangga't nandito ako, hindi ka masasaktan. Walang mananakit sayo. Dahil hindi ko iyon hahayaang mangyari." At dahil sa sinabi niya, mas lalo akong napaiyak.

Nang dahil sa takot, kaba at... saya.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon