Case 9

35.7K 745 47
                                    

"Ang baho mo, Zaira." Untag sakin nitong walang hiyang katabi ko.

Wala naman akong balak pansinin siya, eh, dahil puro pang-aasar lang ang mapapala ko and for sure, nagpapapansin yan ngayon. Kaya ang buong atensyon ko ay tinuon ko na lang kay Sir Science na kasalukuyang nagsusulat ng aming assignment sa whiteboard.

Kinokopya ko ang sinusulat ni Sir Science nang maramdaman kong may naglalaro ng buhok ko sa may likuran. Iniikot-ikot ito sa mga daliri.

"Conrad! Tigilan mo ang buhok ko! Huwag mong pagtripan!" Sita ko kay Conrad dahil siya ang nasa likuran ko at lagi niya iyong ginagawa.

Nagulat naman ako nung makita ko ang mukha ni Conrad sa gilid ng mukha ko.

"Eto yung dalawa kong kamay, o." Sabi niya at pinakita sakin ng dalawang kamay. Woah! Kung hindi sa kanya yun at patuloy pa ring may lumalaro ng mga buhok ko, kanino yun? Nilingon ko ang katabi ko at nagulat nang makita ang mukha ni Mary.

"Zaira!" Sita sakin ni Sir Science dahil sa biglaan kong pagsigaw.

Tumingin ako sa kanya habang hinahabol ang hininga at nakahawak sa aking dibdib.

Lumapit sakin si Sir Science. "Anong nangyari sa katabi mo, Frank?" Tanong niya at bumaling sa katabi ko.

Nagkibit-balikat itong si Frank. "Ewan ko po, bigla na lang siyang sumigaw gayung wala naman akong ginagawa." Pagpapaliwanag niya.

Tumayo ako at dinuro siya.

"Anong wala? E, kita mong pinaglalaruan mo ang buhok ko! Pinapaikot-ikot mo diyan sa mga nakakadiri mong daliri! Bakit?! Naiingit ka siguro sa ganda ng buhok ko, noh?! Bakla ka, noh?!" Sigaw ko sa kanya.

Tumayo rin siya at nakita kong kumuyom ang mga panga niya. Dinuro niya rin ako.

"Sumosobra ka na, Zaira, huh?! Anong mapapala ko kung magsisinungaling ako ngayon?! Mayroon ba? Wala naman, e! At mas wala akong mapapala kung pagtitripan ko yang buhok mo!" Sabi niya.

"Frank! Zaira! Tumigil na kayo!" Sabi ni Sir Science. "Both of you, pumunta kayo sa Principal's office." Sabi niya at tumingin sakin. "Namumuro ka na, Ms. Valenzuela." Sabi ni Sir Science sakin.

"Now go!" Sabi niya saming dalawa ni Frank at tinuro ang pintuan nang classroom namin.

Sinukbit ko ang bag ko at nauna nang umalis ng classroom namin.

Hinatak ako ni Frank. "Ano ba?!" Sigaw ko at binawi sa kanya ang braso'ng hinatak niya.

"Ang yabang mo, noh?! Bakit ba galit ka sakin, huh?!" Tanong niya. Psh. Nagtanong pa talaga siya!

"EH KASI NGA PINAGLALARUAN MO ANG BUHOK KO! BAKLA!" Sigaw ko.

Kumuyom na naman ang mga perpekto niyang panga. Psh. Kailangan may description, Zaira?

"TANGINA! HINDI NGA SABI AKO NAGLALARO NG BUHOK! BAKIT BA ANG KULIT MO? TANGINA! HINDI AKO BAKLA!" Sigaw biya pabalik sakin.

"KUNG HINDI IKAW, SINO?! MULTO?!"

Kinilabutan ako nung sinabi ko sa kanyang 'multo'. Marahil dahil nakita ko ang mukha ni Mary kanina at may hinala akong si Mary ang naglalaro ng buhok ko pero ayoko paniwalaan yun dahil imposible. Si Frank ang nasa likuran ko kaya siya ang naglalaro nun!

"ABA! MALAY KO! FREAK KA, HINDI BA? KAYA FREAK RIN ANG MGA NANGUNGULIT SAYO!"

"AH! So freak ka kasi kinukulit mo ako?"

Biglang nanlambot ang mga panga niya. Huh! Ano ka ngayon? Freak pala, huh!

"BAKLA!" Sigaw ko.

Kumuyom na naman ang panga niya. Hahaha! Kung freak ako, bakla ka naman!

Bumulong siya pero hindi ko marinig. Pasensyahan tayo, Lavarino! Mabubuwisit ka gaya ng lagi mong ginagawa sakin.

"BAKLA! BAKLA! BAKLA! BAKLA! BAK-"

Natigil ako sa pagsigaw at pangangasar sa kanya nung may maramdaman akong malambot na tumapal sa mga labi ko.

Nakita ko ang mukha ni Frank na sobrang lapit sakin at nakapikit. Hinihilig niya pa ang ulo niya samantalang ang akin ay naka-steady lang dahil sa pagkagulat.

Ilang segundo rin ang tinagal ng mga labi niya sa labi ko.

"Sabi ko, kapag hindi mo pa tinigilan ang pagtawag sakin ng bakla, hahalikan talaga kita." Sabi niya na nakangisi.

Paano ko maririnig yun, e, binulong niya? Stupid!

Pinunasan ko ang mga labi ko. "Stupid! Bakla!" Sigaw ko at tumakbo na papunta sa Principal's office.

Narinig ko pa siyang sumigaw dahil hindi pa naman ako masyadong nakakalayo.

"Saan punta mo? Eh dito ang daan papuntang Principal's office." Napatigil ako sa pagtakbo. Napapikit ako ng mariin. Shit! Nabuking pa!

Narinig kong humalakhak ang halimaw na yun.

"Alam kong nakakawala talaga sa huwisyo ang isang halik ng isang Franklin Lavarino." Sambit niya.

Lumingon ako at nakita ko na lang ang likod niyang naglalakad papunta sa opisina ng papa niya.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon