Case 30

29K 540 100
                                    

Naglalakad ako ngayon habang dala-dala ang kahon na ilalagay ko sa stock room. Galing ito sa faculty room, nautusan lang ako ni Sir Science at saktong lunch break namin.

Wala si Grace. Hindi siya pumasok ngayon. Ni hindi man lang nagtext sakin kung bakit. May usapan pa naman kami na pupunta kami mamayang uwian sa burol ni Conrad.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi maisip ang biglaan kong pag-amin kay Frank. Gumuguhit na naman ang mukha niya saking isipan. Kung paano niya akong ngisian nung mga oras na yun.

Pakshet talaga!

Dahil sa iniisip ko, hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng stock room. Binuksan ko iyon gamit ang isa kong kamay at ang isa ay nanatiling nakahawak sa kahon.

Kinapa-kapa ko pa ang switch ng ilaw kaso wala pala iyong kwenta dahil pundido ang ilaw. Napailing na lang ako. Ang nagsisilbing ilaw na lang dito sa stock room ay iyong bintana na maliit at parihaba ang sukat. Nilapag ko na lang sa lamesa ang kahon.

Nang mailapag ko na ay may dumaan na kung ano sa gilid ng mga mata ko. Agad kong binalingan ang gilid ko pero ang nakita ko lang ay iyong aparador.

Mainam ko itong pinagmamasdan nung biglang kumalabog ito. Napatalon ako sa gulat. Maging ako ay kumalabog na rin noong patuloy lang ito sa pagkalabog.

Dahan-dahan ko itong nilapitan kahit na takot na takot na ako.

Patuloy pa rin ito sa pagkalabog nang dumapo ang kamay ko sa knob nito. Lumunok ako at malalim na huminga bago tuluyang buksan ang aparador.

Nagulat ako ng bumagsak sa harapan ko mula sa kakabukas ko pa lamang na aparador ay isang katawan. At dahil sa madilim ang stock room, hindi ko masabi kung babae ba ito o lalaki. Natatakot naman ako dahil baka mamaya ay patay na ito o ano dahil hindi gumagalaw.

Natatamaan ng ilaw na galing sa bintana'ng maliit ang likuran ng ulo nito kaya't napagtanto kong babae dahil mahaba ang buhok. Lumuhod ako at dahan-dahan siyang binaliktad para matingnan ko ang itsura niya at laking gulat ko nang makita si Grace, duguan ang mukha. Napalayo ako doon sa bangkay ni Grace.

Shit! Patay na si Grace?

Patay na si Grace!

Biglang may humawak sa bibig ko. Duguan ang kanyang kamay. Nanlaki ang mga mata ko.

"Tik tok. Tik tok. Patuloy sa pag-andar ang orasan. Sino kaya ang susunod?" Bulong niya sa tainga ko.

Biglang tumulo ang mga luha ko. Napapikit ako sa sobrang takot.

"Tik tok. Tik tok. Sino kaya ang susunod?"

"Tik tok. Tik tok. Ikaw na ba o siya?"

"Tik tok. Tik tok. Mamamatay kayong lahat!"

Alam kong si Mary ito! Si Mary! Si Mary! Si Mary!

Nawalan na ako ng malay dahil doon. Nagising ako, nasa infirmary na ako. Sino kaya ang nagdala sakin rito?

"Zaira!" Pagkamulat ko ng mata ko ay agad kong nakita si Grace. Si Grace!

Agad ko siyang niyakap. Alam kong nagtataka siya kung bakit pero wala na akong pakielam kung magtaka pa siya. Ayokong namamatay ang mga kaibigan ko. Nawala na si Mary at Conrad. Ayokong may sumunod pa. Wala nang susunod pa.

"Zaira, ano bang nangyari sayo? Bigla-bigla ka na lang hinihimatay. Natatakot na ako sayo." Sabi ni Grace nang kumalas siya sa yakap.

Hindi ko masabi sa kanya ang kung ano man ang nakuta ko kanina o kung kailan man iyon. Hindi ako sigurado kung totoo ba yun o panaginip lang.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon