Case 10

36.6K 796 131
                                    

Nadatnan ko si Frank sa harap ng pintuan ng Principal's office. Hinihintay ba ako nito? Ngumisi siya nung nakalapit ako sa pintuan.

"Nakarecover ka na ba sa halik ko?" Malandi niyang sabi. Ugh! Miski kailan talaga ang lalaki na ito, malandi pa sa malandi!

Inirapan ko siya at hindi na lang nagsalita. Kumatok ako sa pintuan. May narinig akong nagsabi mula sa loob na pumasok na daw.

Bumukas ang pinto at bakas sa mukha ni Principal Francis ang pagkagulat. Ilang segundo ang lumipas ay napalitan ang pagkagulat niya ng isang ngisi. Isang ngisi na pamilyar sakin.

Tumingin ako kay Frank. Tapos balik kay Principal Francis.

Tama. Ang ngisi ng mag-ama ay parehong-pareho. Walang pinagkaiba.

"O, kayo na naman? Ano naman ngayon ang kasalanan ninyo?" Panunuya niya samin ni Frank.

"Napagalitan po kami ni Sir Science." Sabi ko.

Tumayo si Principal Francis at pumunta sa harap ng lamesa niya. Tumuon siya dun pero nakaharap pa rin samin.

"Namumuro kayong dalawa, ah! Suki ko na kayo rito." Nanunuya pa rin si Principal Francis. Napatungo na lang ako.

Shit naman kasi! Kung kailan graduating ako, tsaka pa ako napapagalitan ng husto. Isang tao lang naman ang pwedeng sisihin dito, e. At si Frank yun!

"Dad! Tama na! It's not her fault this time." Nagulat ako nung sabihin yan ng katabi ko.

"Then who's fault is it, Franklin? Ikaw na naman ba?"

"Paano nga kung ako? Ano nga kung ako?"

Napaangat ang ulo ko. Nakita ko silang magkatitigan at parehas na nakakuyom ang panga.

"Wala ka na talagang ginawang tama, Franklin." Sabi ni Principal Francis.

"No, dad. Sa paningin niyo, wala naman talaga akong ginawang tama, e." Sabi ni Frank. Nagulat ako dahil bigla niya akong hinatak palabas ng Principal's office.

"Frank!"

Sa wakas, nagkaroon rin ako ng hininga para isigaw ang pangalan niya. Tumigil siya sa pagtakbo. Salamat naman at naisipan mong tumigil.

Binitawan niya ako. Nakatalikod siya sakin ngayon habang nakatuon sa pader na nasa harap niya.

Napatuon ako sa dalawa kong tuhod. Hingal na hingal ako kaso nakarinig ako ng hikbi. Tumingin ako kay Frank. Umiiyak ba siya?

Tumayo ako nung nakarecover na ako sa pagkahingal ko. Lumapit ako kay Frank. Humihikbi nga siya. Bakit?

Nilagay ko ang isa kong kamay sa balikat niya. Umangat ang ulo niya sa pagkakatuon sa pader. Dahan-dahan siyang lumingon sakin.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa balikat niya.

May naririnig na naman akong parang kung anong tibok.

"Okay ako gawa mo." Isang malungkot na ngiti ang pinakita sakin ni Frank.

Ewan ko pero parang biglang nanlambot ang puso ko sa kanya. Marahil dahil lagi niya akong inaasar kaya hindi ko inaasahan na nagiging ganito siya. Mayroon siyang soft side at hindi ako makapaniwala na talagang ako, ang mortal enemy niya pa ang nakatunghay nun.

Medyo nailang ako kaya binawi ko ang kamay kong nasa balikat niya.

"Anong mayroon sa inyo ng papa mo?" Tanong ko. Nag-iba ulit ang ekspresyon niya. "Sorry. Okay lang naman kahit hindi mo sagutin." Sabi ko. Eh kasi baka ayaw niyang pag-usapan. Ito naman kasing bibig ko, e. Mapilit.

Naglakad siya pero mabagal lang. As in. Parang nag-eemo siya kung maglakad.

Nakabuntot ako sa kanya. Wala namang tao kaya lang malapit na rin ang uwian kaya mas mabuting nakabuntot lang ako imbes na kasabay siya. Baka kapag nagsiawasan ang mga estudyante ay makita pa kaming sabay at kung ano pa ang isipin.

"Hindi ko ugali ang hindi sagutin ang isang tanong na hindi naman masamang sagutin." Sabi niya at bumuntong-hininga. "2 months ago... May nakilala akong isang babae... Mahal na mahal ko siya kaya nagawa kong itanan siya kahit na bata pa lang kami." Sabi niya. Para naman akong kinukurot sa puso dahil sa narinig ko sa kanya.

"Pumayag siya kaya nagpakalayu-layo kami sa mga pamilya namin. At dahil bata pa lamang kami nun, hindi namin kinaya ang hirap ng buhay. Sanay kami sa marangayng buhay kaya yun din ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal naming dalawa sa isa't isa. Nagpasya kaming maghiwalay at bumalik sa pamilya namin." Bumuntong-hininga siya. Mabibigat iyon. Ramdam ko. "Umuwi ako samin... Sinalubong ako ni mommy ng halik at yakap habang si daddy ay suntok at mura."

"Kaya ba ngayong 2nd grading ka lang pumasok?" Tanong ko. Tumango siya at tumigil sa paglalakad. Nilingon niya ako.

Nagulat ako nung ngumisi siya. Kita mo ito. Kanina nagsesenti tapos ngayon ngiting tagumpay.

"Nagseselos ka ba? Kung oo, well, don't be. Hindi ko na naman mahal yun, e." Sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Ako? Nagseselos?

"Ungas! Anong nagseselos pinagsasasabi mo?"

"Kung hindi ka nagseselos, halikan mo nga ako sa pisngi?" Panunuya niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ko gagawin yun?"

"Ah. Okay lang din naman kung hindi mo ako hahalikan sa pisngi, e. Mas matutuwa pa ako dahil alam kong nagseselos ka." Tukso niya sakin.

Prick. Bastard. Jerk. Lahat na yata ng masamang katangian ay nasa kanya na. Mayabang. Antipatiko. Pilyo.

"Oo na! Eto na!" Sabi ko. Ngumiti siya at humilig ang ulo niya para iharap sakin ang pisngi niya.

Unti-unti kong nilapit sa pisngi niya ang mga labi ko. At imbes na yung pisngi niya ang mahalikan ko, yung peste niyang labi ang napuntirya ko.

"WOOOOOOOOHOOOOOOO! HAHAHAHA!" Tuwang-tuwa siya habang tumatakbo palayo sakin.

Halos mamula ang mukha ko dahil sa galit ko sa kanya.

"HAYOP KANG FRANK LAVARINO KA! BAKLA! BASTOS! MANYAAAK!" Sigaw ko.

"I LOVE YOU, TOO, BABY!" Sigaw niya naman at tuluyan nang nakalayo sakin.

Sisigawan ko pa sana siya nang bigla akong makarinig ng isang boses na pamilyar sakin.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ako pwede manligaw?" Tanong ni JM.

Napalunok ako. Nagagawa pa rin ni JM ang patibukin ang puso ko. Pero hindi ito pwede. Hindi kami pwede.

At para tigilan niya ako, isang paraan lang ang dapat na gawin.

"Hindi kami..." Sabi ko. Bumakat sa mukha niya ang malapad na ngiti. "...pero gusto ko siya." Sabi ko.

Biglang naging seryoso ang mukha niya. Bakas naman sa mata niya ang lungkot. Lumapit siya sakin.

"Gagawin ko ang lahat nang magagawa ko para lang maging akin ka... At hindi ko hahayaan na mapunta ka sa kahit na kanino. Kahit na sa ungas na Frank Lavarino na yun."

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon