Case 34

27.7K 576 39
                                    

Tahimik lang akong nakikinig kay Ma'am Math habang ine-explain niya ang problem na siya rin ang nakapag-solve. Tumingin ako sa katabi kong upuan na bakante.

Nasaan na kaya ang mokong na iyon?

Tatlong araw nang hindi pumapasok iyon, ah?

Nahihiya akong itanong kay Principal Francis kung nasaan si Frank dahil vaka kung ano pa ang sabihin niya. Hindi ko siya matext dahil sa t'wing pipindutin ko na ang send button, lumilipad at lumilipat na agad ang hintuturo ko sa clear button na katabi lang ng send button. Hindi ko rin magawang itanong si Frank sa mga kaibigan niya dahil hindi ko naman sila ka-close.

Hanggang ngayon rin ay iniisip ko kung paano ililigtas si Grace sa kamatayan. At ang tanging paraan na naisip ko ay bantayan siya. Lagi ko siyang hinahatid sa parking lot para makasiguro akong derecho uwi na siya at wala nang pupuntahan pa.

Shit.

Ang dami kong iniisip. Ang dami kong problema.

Normal pa ba ito sa isang Grade 12 student na ang dapat na iniintindi ay ang grades niya?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang bell na, kung hindi lang ako tinapik ni Grace.

"Zaira, tulala ka pa diyan! Lika na, gutom na ako." Sabi niya.

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa bag.

Habang naglalakad kami ni Grace ay biglang sumulpot si JM.

"Sa cafeteria ba punta niyo? Pwede sumabay sa pagpunta at sa pagkain ninyo?" Tanong niya.

Hanggang ngayon ay hindi ko masabi kay JM na itigil na ang panliligaw sakin. Hindi ko alam kung umuurong ba ang dila ko o naghahanap lang ako ng tamang tyempo.

"Wala naman akong nakikitang masama dun kaya sige." Sagot ni Grace.

Naglakad muli kami. Malapit na kami sa cafeteria nang biglang magsalita si JM.

"Zaira, bakit ang tahimik mo? May masama ba sayo?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Grace.

"Hay nako, JM! Pagsabihan mo nga yang si Zaira. I'm sure kaya yan tahimik dahil naalala na naman niya na nakita niya si Mary dun sa libing ni Conrad." Sabi ni Grace.

Binalingan ko si Grace ng tingin.

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad na papasok sa cafeteria.

Bumaling ako kay JM. Napansin ko ang pagkamutla niya habang tinitingnan si Grace na naglalakad palayo samin.

"JM? Ayos ka lang?" Tanong ko.

Bumaling siya sakin at agad na gumuhit sa kanya ang ngiti.

"Oo naman. Ikaw ang dapat kong tanungin niyan." Sabi niya at lumunok.

"Okay lang ako. Tara?" Pag-aya ko sa kanya sa cafeteria.

Pagpasok namin sa cafeteria ay hinanap namin kung nasaan si Grace at nung makita namin siya ay agad naming tinungo ang pwestong napili niya para saming tatlo.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si Grace.

"Nasaan na kaya si Frank? Hindi ko napagkikita yun, ah."

Napatigil ako sa pagkain. Nag-angat ako ng tingin. Sumulyap ako kay JM at nakita ko na naman ang pagkamutla niya. Ipinagkibit-balikat ko iyon atsaka bumaling ng tingin kay Grace.

"Ewan ko. Bakit kaya hindi mo tanungin ang mga kaibigan niya?" Tanong ko.

Aaminin ko. Sinabi ko iyan dahil nagbabakasakali akong sa kapal ng mukha ng kaibigan kong si Grace ay itatanong niya nga sa mga kaibigan ni Frank.

"Nah. Hindi ko naman sila kaclose." Sabi niya.

Para akong nalugi nung sabihin iyan ni Grace.

Hay!

Nagpatuloy lang ulit kami sa pagkain. Napuputol ang pagkain namin sa tuwing magkukuwento sa Grace o kaya naman si JM. Hindi ako nagkukuwemto dahil wala naman akong kuwento at hindi ako palakuwento. Di tulad ng dalawang ito.

"Pare! Pare!" Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sigaw na yan.

Nilingon ko ang table sa likuran ko at nakita ko sa table na yun ang mga katropa ni Frank.

"Si Frank! Natagpuan sa isang abandonadong warehouse malapit sa school natin!"

Umalingawngaw ang boses nung katropa ni Frank sa buong cafeteria.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong napatayo.

"Anong nangyari kay Frank?" Tanong ko.

Hindi agad na nakasagot ang katropa ni Frank. Marahil dahil nagugulat sila sa inasal ko.

"ANO SABI ANG NANGYARI KAY FRANK, EH?" Sigaw ko.

Nagulat silang dalawa sa biglaan kong pagsigaw. Hinablot ni JM ang braso ko.

"Zaira, why so concerned about him, huh?" Tanong ni JM.

Tumingin ako kay Grace na kasalukuyang malaki ang mata at nakaawang ang bibig.

"Puro pasa at dugo ang kanyang katawan nang makita siya. Dinala na siya ni Principal Francis sa ospital. Tatlong araw na pala siyang hindi umuuwi sa kanila." Sagot nung katropa ni Frank sa kanina ko pang tanong.

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Pakiramdam ko ay kinuha ang puso ko habang humihinga pa ako.

Shit.

Hindi kaya si Frank yung tinutukoy ni Mary dun sa libing ni Conrad?

Shit.

I can't.

I can't afford losing Frank.

I love him so much.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon