Case 39

28.9K 658 104
                                    

Nagising ako na nakaupo na ako at nakatali sa upuan ang dalawa kong kamay. Mayroon ding lamesa sa harapan ko na may telang puti at ang mga plato, baso, kutsara at tinidor ay nakaayos sa French style table setting. Alam kong iyon ang table setting dahil minsan nang dinemo ni Ma'am TLE ang iba't ibang klase ng table setting. 

Bigla kong naalala iyong nangyari sa may flower shop! 

Shit!

Kinidnap nga pala ako! 

Kaya pala ako nakagapos sa upuan na ito!

Nagpupumiglas ako sa pagkakaktali ko nang may marinig akong nagsalita. 

"Hindi ako tanga, Zaira. Hinigpitan ko ang pagkakatali sayo para hindi ka makawala agad. Kaya kung ako ikaw, huwag ka na magpumiglas... Mapapagod at masasaktan ka lang..."

Pamilyar ang boses niya. Inangat ko ang tingin ko at laking gulat nang makita si Frank sa kabilang side ng table sa harap ko at naka-tux pa pero walang kurbata.

"Anong ibig sabihin nito, huh?" Sigaw ko.

Agad na kumurba ang ngisi sa kanyang mukha na sadyang kinainis ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya gayung mahal ko naman siya. 

"We will have our very first date." Masaya niyang sabi.

"Date? Ulol. Kinidnap mo ako para lang makipag-date sakin? Alam mo bang pwede kitang kasuhan, huh?" Utas ko.

Mas lalong kumurba ang kanyang labi kaya mas lalo akong nainis.

"Bakit kapag ba inaya kita ng harapan, sasama ka? Hindi naman, diba?" Utas niya.

"Bakit naisip mong hindi ako papayag kung sakaling tanungin mo ako ng harapan?"

"Because... You always want it the hard way... Not the easy way..."

"Ang arte mo!" Bulyaw ko. "Pakawalan mo na nga ako dito nang makaalis na ako at maidemanda na kita!" 

Humalukipkip siya. 

Hindi pa rin naaalis sa kanyang mukha ang kanyang ngisi.

"Demanda? Sus. I'm sure. Hindi kaya ng puso mo na makulong ako kahit isang araw lang..." Mayabang niyang sabi.

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Okay." Ilang minuto ang tumagal bago niya sabihin yan. At dahil diyan, bumalik ako sa wisyo. "Pakakawalan kita..." Sabi niya.

"Pero sa isang kundisyon..." At itinaas ang kanyang hintuturo sa hangin.

Bumuntong-hininga ako.

"Ano?" Utas ko. Labag man sa loob kong pumayag, e, kailangan pa rin dahil sa kagustuhan kong makawala sa pagkakatali. 

"Makipag-date ka sakin." May awtoridad niyang utas.

Derecho akong tumingin sa dalawa niyang mata. Nakita ko ang seryosong emosyon doon pero naglalaro sa mga labi niya ang kanyang ngisi na para sakin ay parang may binabalak siyang magugustuhan at hindi ko magugustuhan. 

Weird.

"Seryoso ka?" Utas ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso na niyang tanong. Napaayos ako ng upo. Nun ko lang rin napagtanto na ang suot kong damit ay isa nang bestida na puti. 

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Nasaan ang uniform ko? Sino ang nagpalit sakin ng damit? Huwag mong sabihing..."

Binalik ko ang tingin ko saking damit atsaka ibinalik sa kanya. Nakita ko ulit mala-demonyo niyang ngisi na siyang nagbigay sakin ng kilabot sa katawan.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon