Case 43

27.6K 633 59
                                    

Magkatabi kami ni Nymph sa bus. Nasa may bandang unahan sina Edwin at Popoy.

Hanggang ngayon ay iniisip ko ang sinabi ni Popoy sakin. Na may gusto siya kay Mary. Sa kaibigan ko. Sinubukan kayang ligawan ni Popoy si Mary? Naamin kaya ni Popoy kay Mary iyon? Hindi siguro. Dahil kung inamin iyon ni Popoy kay Mary, panigurado akong sasabihin ni Mary samin o kaya sakin o kaya isa sa amin.

“Zaira…” Tawag sakin ni Nymph na kanina pa nakasandal sa bintana nang bus. “May nasabi ba si Popoy sa’yo tungkol sa babaeng gusto niya?” Tanong ni Nymph.

Lumunok ako. Hindi dapat sakin manggaling iyon. Ayokong pangunahan si Popoy.

“Wala naman, bakit?” Tanong ko.                       

Suminghap siya. “Matagal na akong may gusto kay Popoy. Unang beses na kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na may gusto na ako sa kanya.” Naputol ang sasabihin niya dahil sa pagsinghap niya.

“Kaya nang malaman kong may iba siyang gusto, nasaktan talaga ako.” Aniya.

“Alam mong may ibang gusto si Popoy?” Tanong ko.

Tumango siya.

“Kilala mo ba?”

Tumingin muna siya sakin ng matagal bago magsalita ulit at umiwas ng tingin. “Hindi.”

Nagduda ako kay Nymph. Lumipas ang dalawang araw pamula nung mag-retreat, Lunes na naman, halos bawat galaw ni Nymph ay pinagmamasdan ko na.

Hindi kaya si Nymph ang pumatay kay Mary dahil alam niyang ito ang gusto ng taong mahal niya?

“Ano?” Gulat na sambit ni Popoy nang magkasabay kami maglakad papunta sa canteen.

“Si Nymph ang pumatay kay Mary? Paano mo naman ‘yun nasabi?”

“Dahil baka alam niyang si Mary ang gusto mo.”

Napatigil sa paglalakad si Popoy. “Paano niya nalaman na may gusto ako kay Mary?” Nakakunot noo niyang tanong.

Anong iniisip niya? Na baka sinabi ko kay Nymph?

“Baka kasabwat niya sa pagpatay ‘yung nagsabi sa kanya.” Kibit-balikat ko.

“Wala tayong sapat na ebidensya na si Nymph nga ang pumatay kay Mary.” Sabi ni Popoy.

“Kaya nga ‘yun ang hahanapin natin.” Utas ko. “We have our suspect. All we need now is evidence.”

“I’ll work on that.” Sabi ni Popoy. “Sige, maiwan muna kita.”

“Saan ka pupunta?” Tanong ko nang makalayo na siya. Nagmamadali kasi, e.

“Basta. SIge na. Mauna ka na sa canteen.” At hindi na siya nag-abalang lumingon pa.

Hinayaan ko na lang dahil baka ang gagawin niya ay makakatulong sa plano namin.

“Zaira!” Napalingon ako nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Nakita ko si JM na nakangiti ng kay lapad na lumalapit sa direksyon ko.

“O, bakit, JM? May kailangan ka ba sakin?” Tanong ko.

“Yep.”

“Ano?”

“Ikaw mismo.” Sabay ngiti ng malapad.

“Ang corny.” Utas ko.

Humalakhak siya. “Kumain ka na ng lunch?” Umiling ako.

“Tara! Libre ‘ko.”

“Sige ba!” Tawa ko.

Naglakad na kami pareho papunta sa canteen. Gaya ng pinangako niya ay nilibre niya ako ng lunch kaya nakatipid ako ngayong araw.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon