Case 48

25.8K 527 100
                                    

Nakatulog ako ng matiwasay at maayos. Simula nung magpakita si Mary sakin, nagsimula na rin akong hindi makatulog sa gabi. Nabibilang ko na lang sa mga kamay ko ang tulog ko simula nung araw na yun.

Agad akong naligo at nagbihis ng uniporme. Tatlong staircase na lang ay matatapakan ko na ang sahig ng sala kaso napaatras ako ng marinig ko ang boses ni Auntie na may kausap na iba.

“Ihahatid mo si Zaira sa eskwela?” Tanong ni Auntie. Sino kaya ang kausap nito? “Boyfriend ka ba niya?”

Humakbang ako pababa ng isa para mas marinig ang isasagot ng kausap ni Auntie pati na rin ang boses nito.

“Opo.” Yan lang ang sagot ng isang boses lalaki. Hindi ito boses ni Frank. Imposibleng boses ito ni Frank.

Dahil sa sobrang curious ko kung sino ang kausap ni Auntie ay tuluyan na akong bumaba at tiningnan ang kaharap ni Auntie. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si JM.

Nakangiti si JM kay Auntie. Ewan ko lang si Auntie dahil hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sakin. Tumaas ang kilay ni JM nang makita ang presensya ko sa likuran ni Auntie, dahilan kung bakit napalingon si Auntie.

“O, Zaira… Kanina ka pa ba dyan?” Tanong ni Auntie. “Kumain ka na ng almusal para maihatid ka na ng boyfriend mo.” Sabi niya.

Sasagot pa sana ako na hindi ko boyfriend si JM. Yun ang totoo. Hindi ko siya boyfriend. Hindi siya ang boyfriend ko. Si Frank. Siya. Siya ang boyfriend ko. At nangako kami sa isa’t isa na haharapin naming ang lahat nang magkasama.

Tumayo si JM at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. “Sige na, babe… Kumain ka na para makaalis na tayo…”

Tumigil ang mundo ko nang tawagin ako ni JM sa katagang iyon.

Sabay-sabay kaming kumain. Si Auntie, Denise, JM at ako.

“Hindi mo man lang sinabi samin na may boyfriend ka na, Zaira.” Utas ni Auntie.

Halos mabulunan ako nang marinig ko ang sinabi ni Auntie.

Sumulyap ako kay JM na katabi ko. Derecho ang tingin niya sakin na para bang hinihintay niya ang isasagot ko kay Auntie. Nilipat ko ang tingin k okay Auntie.

“U-uh, s-sorry po.” Sabi ko na lang. Hindi ko kayang sabihin ang gusto nilang marinig.

“Okay lang. Mas okay na sakin itong si JM kaysa dun sa Frank na yun.”

Napatigil ako sa pagkain. Kailan ba matatapos ang problema kong ito? Sobra na. Sagad na sagad na. Ang bigat na sa pakiramdam. Hindi ko na kaya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako at si JM kay Auntie. Si Denise naman ay umakyat sa kwarto para kuhanin ang kanyang mga gamit.

Pagkalabas namin ng gate, nanginig ang mga tuhod ko nang makita ko si Frank na may dalang bulaklak at nakauniporme. Nakangiti siya nung una. Pero nang makita niya siguro ang nasa likuran ko ay napawi ito na para bang bula.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Frank. Derecho ang mga tingin niya kay JM.

Narinig ko ang sarkastikong tawa ni JM.

“Subukan mong piliin siya kapag pinapili ka, hindi mo gugustuhin ang mga mangyayari…” Bulong niya sakin. Napapikit ako ng saglit.

“Ikaw?” Sambit ni JM. “Anong ginagawa mo dito?” Nanunuyang tanong niya.

Sumulyap si Frank sakin. “Anong ibig sabihin nito, Zai?”

Lumunok ako.

“Can’t you see it, Frank? Ako. Ako ang pinili niya. Hindi ikaw.”

Lumipat ang tingin ni Frank kay JM. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa bulaklak pati ang pagkuyom ng panga niya.

“Ikaw ba si Zaira? Huh? Tumahimik ka nga! Usapang mag-syota ‘to… Hindi para sa mga taong mahilig makisawsaw!” Bulyaw ni Frank.

Sarkastikong tawa lang ang binigay ni JM. “Sino ba yung unang nakisawsaw sating dalawa? Hindi ba ikaw?”

Mabilis ang mga pangyayari. Agad na sinugod ni Frank si JM at sinapak ito. Pumunta ako sa gitna para awatin sila.

“Tama na!” Bulyaw ko nang umambang sasapakin na naman ni Frank si JM.

Hindi lumalaban si JM. Malamang. Dahil alam niyang siya ang susundin ko. Kahit na sinabi ni Frank na haharapin namin ang lahat nang magksama, natatakot pa rin ako. Hindi ko kakayanin na mawala si Frank. Mas mabuti na siguro yung nawala siya dahil pinakawalan ko siya kaysa sa nawala siya dahil patay na siya.

Inalalayan ko si JM na tumayo. Tumingin ako kay Frank. Gulat at naguguluan ang kanyang mukha.

“A-ano… B-bakit…” Hindi matuluy-tuloy ni Frank ang kanyang sasabihin.Tumingin siya sa taas at pumikit. Nilagay ang dalawang kamay sa beywang.

Narinig ko ang malalim niyang pagsinghap bago tuluyang tumingin sakin ng derecho.

“S-sino bang…” Suminghap ulit siya.

 “Sino ba talaga ang mas mahal mo, Zaira? ‘Yang gagong yan? O…” Lumunok siya. “Ako?”

Ikaw. Hindi na dapat tinatanong yan dahil ikaw naman talaga, Frank, ang mahal ko. Pero sorry. Sorry dahil kailangan ko ‘tong gawin. Kailangan ko para mabuhay ka.

“Hindi na kita mahal, Frank. Hindi na.” Sabi ko. Mariin at buo. Walang utal.

Nakita ko kung paano siya manlumo at manghina. Kita ko sa mga mata niyang sobra siyang nasasaktan.

Shit. Mas hindi ko yata kayang nasasaktan si Frank!

Akala ko ay magiging matigas siya tulad ng parati niyang ginagawa sakin. Akala ko ay aalis siya at iiwan na naman ako.

Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Zaira, mahal kita… Gagawin ko lahat ng gusto mo… Susunduin at ihahatid kita araw-araw… Ako maglalaba ng damit mo… Bra, panty, lahat! Ako na rin ang maglilinis ng kwarto mo, idadamay ko na rin ang buong bahay niyo… Ako rin ang gagawa ng assignments, projects at reports mo… Bibigay ko lahat ng gusto mo… Huwag mo lang sabihin sakin na hindi mo na ako mahal…” Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita ulit.

“Naghihiganti ka lang ba sakin? Dahil sinabi ko rin na hindi kita mahal? Ganun ba yun, huh, Zaira?”

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Shit. I really can’t do this! “hindi. Hindi ito dahil doon. Hindi na talaga kita mahal, Frank. Sorry.”

Nagulat ako nang biglang lumuhod si Frank sa harapan ko.

“Please, Zai… I’ll do anything… For you... Just don’t kill me by saying you don’t love me…” Papaiyak na sabi niya.

Suminghap ako at pumikit. I can’t see him like that. I can’t. Hindi ko kaya.

“I’m sorry.” Sabi ko. Naramdaman ko na lang na wala ng nakahawak sa kamay ko. Dumilat ako at nakita kong hinatak pala ito ni JM. Sumulyap ako kay Frank na nakaluhod habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

He’s crying? Frank is crying? Holy shit.

“Good job.” Sambit ni JM habang hatak-hatak ako. “Be happy. Atleast he’s only in pain. Not in his coffin.” Dagdag niya.

Hindi ko na pinansin. Dahil okyupado na naman ni Frank ang isipan ko.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon