Case 51

23.6K 526 37
                                    

"Shit." Bulong ng kasabay ko maglakad.

Napatigil ako nang hindi ko na siya maaninag sa gilid ko. "Bakit?" Tanong ko.

Kumapa-kapa pa siya sa kanyang bulsa. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya.

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ko.

"Yung susi ng kotse ko." Sabi niya at tumigil sa pagkapa. Nag-angat ng tingin si JM at suminghap. "Fuck." Bulong niya.

Umiling siya. "Hintayin mo ko dito, Zai. Kukunin ko lang sa locker room yung susi ng kotse ko." Sabi niya at tumakbo na agad.

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya iyon makikita. Napasinghap ako.

Naalala ko iyong pag-aya sakin ni JM sa prom. Wala naman talaga akong balak na pumunta sa prom, e. Kaso itong si JM ay pinilit ako at sinabi niya pa na:

"Ang ayoko sa lahat, e, yung handa na ang lahat tapos hindi pa matutuloy."

Kaya ang ending, napapayag niya ako nang labag sa loob ko.

I can't help but feel like a puppet. No. I am a puppet.

Bakit ba hinayaan ko ang sarili kong maging ganito?

Naglakad-lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lumilipad ang utak ko simula nang sabihin sakin ni JM na umalis na ng Pilipinas si Frank.

Bigla kong naalala na masyado na palang pangako ang hindi ko natupad. Una ay yung kay Mary. Sumunod yung pangako ko na wala nang susunod pang mamamatay at pangatlo iyong kay Frank.

Lahat ng yun, napako.

Hindi ko namalayang nasa gate na pala ako. Naglipa ang mga estudyante. Awasan na kasi, e. Napatingin ako doon sa kabilang kalsada at laking gulat nang makita ang multo ni Mary.

Nanlaki ang mga mata ko at humigpit ang hawak ko saking palda.

Biglang may dumaan na trailer truck. Nanatili doon ang aking tingin. At nang mawala ang trailer truck saking paningin ay nakita ko si Mary pero may sakal-sakal ng isang bangkay. Maigi ko yung sinuri at napagtantong... bangkay ko pala yun!

Napaatras ako kaya may nadali akong isang estudyante na kalalabas pa lang.

Matalim niya akong tiningnan nung matapakan ko ang kanyang sapatos.

"Sorry." Sambit ko.

Inirapan niya ako. "Hindi kasi tumitingin sa dadaanan. Hmp." Maarte niyang utas at naglakad na kasama ang kaibigan niya.

Bumalik ang tingin ko dun sa kabilang kalsada.

Wala na doon si Mary.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa CR. Pagkarating ko sa CR ay agad akong napatuon sa lababo at tumingin sa salamin.

Biglang bumukas ang pintuan nang cubicle na kita ko mula sa salamin. Agad akong kinabahan.

Akala ko kung ano na pero isa palang estudyante. Natigilan rin siya nang mapasulyap sakin. Nanliit ang mga mata niya nang makita ako sa salamin. Marahil dahil sa mga pawis na tumatagaktak saking mukha.

Akala ko nga ay makikipag-eye to eye siya sakin pero umalis na rin siya makalipas ang ilang segundo.

Napapikit ako at napayuko.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit na hindi ko alam kung paano ko yun gagawin.

Dinilat ko ang mata ko at suminghap. Ilang sandali ring nanatili ang tingin ko sa lababo nang biglang may tumulo dito.

Nilapit ko ang mukha ko doon at nakitang dugo pala ang tumulo na yun.

Nagsunud-sunod ang tulo ng dugo. Nanlilit ang mga mata ko nang i-angat ko ang tingin at laking gulat nang makita ko ang mukha ni Mary.

"AHHHHHHH!" Tili ko at napaupo sabay atras sa may lababo. Kasabay rin nun ang pagpatay-sindi ng ilaw.

Gumapang ako nang nakatalikod. Napatigil lang ako dahil sa pintuan ng cubicle.

Nasa kisame si Mary. Gumapang siya sa kisame para makalapit sakin. Nang makalapit siya sakin ay humaba ang kanyang leeg at umikot ang kanyang ulo.

Tinagilid ko ang aking mukha para hindi makita ang nakakatakot na si Mary. Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko.

"Makukuha ko na ang matagal kong inaasam, bes." Sabi niya.

Nanlambot ang puso ko nang magsalita siya sa hindi nakakatakot na boses. Ang tunay na boses ni Mary.

Dahan-dahan kong hinilig ang ulo ko para makaharap siya. Kita ko ang ngiti sa kanyang mukha. Humikbi ako. Biglang nag-iba ang mukha ni Mary. Mula sa mabait at maamo, napalitan na naman ito ng nakakatakot at nakakahabag na mukha.

"AHHHH!"

Isang panaginip lang pala ang lahat. Napahawak ako saking dibdib na pawis na pawis din. Mabilis ang tibok ng puso ko. Dahil iyon sa panaginip ko. Umupo ako ng maayos at nilibot ang paningin ko. Nasa kawarto ko nga ako!

Tumingin ako sa gilid ng kama ko. Tiningnan ko ang alarm clock ko at nakitang alas-tres lang pala ng madaling araw.

Bumuntong-hininga ako para maibsan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hinawakan ko ang noo ko at napagtantong pawis na pawis rin pala ito. Yumuko ako.

Bad dream. It was a very bad dream.

Nag-angat ako ng tingin at napasigaw ng makita ang mukha ni Mary.

"AHHHHH!"

"Zaira!"

Napadilat ako. Pagkadilat ko, nahuli ko agad ang sarili ko na hinahabol ang aking hininga. Nanaginip na naman ako? Nilibot ko ang tingin ko. Nakita ko si JM na nag-aalala ang mukha.

Umupo ako ng maayos habang hapung-hapo pa rin.

"Nasaan ako?" Tanong ko.

"Nasa infirmary ka. H'wag ka muna masyado gumalaw." Utos ni JM.

"Anong ginagawa ko dito sa infirmary?"

"Nagpaalam ako sayo na babalik ako sa locker room dahil nakalimutan ko ang susi ng kotse ko. Pagbalik ko, nakita na lang kita sa may parking lot na nakahandusay at walang malay." Paliwanag ni JM.

"Ano ba talaga ang nangyari, Zaira?" Tanong ni JM.

Bumuntong-hininga ako. "I-uwi mo na lang ako sa bahay namin, JM. Gusto ko lang magpahinga." Sabi ko.

Napasinghap na lang din si JM at sumagot. "Tara na."

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon