Case 18

31.4K 641 43
                                    

PAKIBASA!

Hello, pretty and handsome readers ko! Check out my friend's profile and stories (@faithyybyutiful). Suportahan niyo rin siya kagaya ng pag-suporta niyo sakin! Thanks!

So, here's the update. FranZai moment ito. Enjoy! <3

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ayokong pangalanan ang nararamdaman ko para kay Frank. Ayoko dahil naguguluhan pa ako. Nung sinabi niya saking mahal niya ako, ewan ko ba pero sigurado akong tumibok ng husto ang puso ko. Ibang-iba sa nararamdaman ko sa tuwing nagsasabi sakin ng sweet words si JM.

Oo nga at mahal ko si JM, matagal na... Natakot lang ako dahil nga sa pangako namin ni Mary. Sa pangako ko kay Mary. At nung mawala si Mary at umamin sakin si JM, naghalo ang lungkot at saya ko. Malungkot para kay Mary. Masaya dahil kay JM.

Pero nung kinulit ako ni Frank at dumating siya sa buhay ko, parang napupunta lahat bg atensyon ko sa kanya. Ugh! Franklin Lavarino! Ano bang ginagawa mo sakin?

"Sagutan ang pahina 200 at ang pahina 202 ang magsisilbing takdang-aralin niyo." Utas ni Sir Mon habang nagdidiscuss siya.

Tahimik lang kami habang nagsasagot. Habang nakatuon ang katabi ko sa sinasagutan niya, hindi ko maiwasang tingnan siya kahit sa gilid lamang ng mga mata ko.

Ilang minuto ang nakalipas, nasa 20th question na ako, ewan ko na lang sa iba ko pang kaklase nang may humahangos si Sir Science na pumasok sa classroom namin.

"S-sir M-mon!" Sigaw niya pero halata ang pagkahapo niya. Napatingin tuloy kaming lahat sa kay Sir Science.

"... ang isa mong estudyante, natagpuan sa science lab... Duguan ang katawan niya at basag-basag ang mga kagamitan sa science lab..."

Napatayo sa gulat si Sir Mon. Tumingin siya samin. Para bang may hinahanap siya.

"Nymph," Tawag niya sa kaklase ko na nasa bandang unahan lang din. "Kinuha mo ba ang attendance?" Tanong niya. Agad namang tumango si Nymph. "Sino ang wala sa klase?" Isa pang tanong ni Sir Mon. Si Nymph kasi ang secretary ng classroom kaya siya ang nakatoka sa attendance.

"S-si Heather po." Sagot niya.

Sinampal ni Sir Mon ang kanyang noo. Hinawakan naman ni Sir Science ang kanyang balikat at tinapik-tapik.

"Nandun na ba si Principal Francis?" Tanong niya. Napatingin naman ako kay Frank. Nasa unahan rin pala ang atensyon niya.

"Oo. Kanina pa. Kaya ka nga niya pinapatawag." Sabi ni Sir Science.

Bumuntong-hininga si Sir Mon. Tumingin siya samin. "Ipagpatuloy ninyo ang ginagawa ninyo, bukas na lang natin tsekan iyang pinapagawa ko sa inyo kasabay ng takdang-aralin ninyo." Sabi ni Sir Mon at sumama na kay Sir Science palabas ng classroom.

"May namatay na naman?" Tanong sakin ni Conrad.

Inihilig ko ang ulo ko sa likuran.

"Hindi ka ba nakinig kanina?" Utas ko.

Nakita kong kumamot siya sa kanyang bumubunan. "Tulog ako, e. Nagising lang ako nung sinabi ni Sir Mon na bukas na lang natin tsetsekan ang pinapagawa niya. Sorry."

Halos gusto kong batukan si Conrad. Bumuntong-hininga ako. "Oo. Si Heather." Malungkot kong sabi.

"Ah? Masama kasi ang ugali, e." Utas ni Conrad.

Binalingan ko siya ng tingin at tinaniman ng matatalim na tingin. Nasasabi niyang masama ang ugali ni Heather dahil type siya nito. Inirapan ko na lang ang bestfriend kong baklita.

Hindi pa bumabalik si Sir Mon sa classroom namin. Matagal pa bago tumunog ang susunod na bell. Nagawa ko na ang lahat ng pwedeng paglibangan. Ilang beses ko na ring nabuklat hanggang dulo ang aming aklat sa Filipino.

"Bored?" Halos mapatalon ako sa boses sa gilid ko.

Nakita ko si Frank na nakangisi sakin. Agad akong ginapangan ng kung anong kuryente at para bang nagkaroon ng hangin ang tiyan ko. Bakit ba ganito ang epekto sakin ng isang Frank Lavarino?

Napalunok ako. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Masyado na ba akong gwapo?" Utas niya. Bigla yatang lumakas ang hangin.

"Ang yabang mo!" Utas ko. "Hindi ka gumagwapo dahil hindi ka gwapo. Atsaka, nakakadistract ang mukha mo!" Bulalas ko.

Yan ang mga nangyayari sa isang hambog na may pangalan na Frank Lavarino.

"Kung nakakadistract ang mukha ko, anong tawag mo sa mukha ng JM na yun? Total distraction?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Bakit napasama si JM sa usapan?" Tanong ko.

"Nasama lang siya dahil ginawa ko siyang example!" Pag-eexplain niya.

"Tsss... Bakit? Pwede naman si Roden, si Edwin o kaya si Popoy! Bakit kailangan si JM pa?" Bulalas ko.

Ginulo niya ang buhok niya. "Eh sa gusto ko si JM, e." Sigaw niya.

Umirap ako. "Whatever."

Sakto naman ang bell nung sinabi ko yun. Akalain mo yun? Kapag kasama ko ang ungas na yun, bumibilis ang takbo ng oras!

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon