Case 5

40.3K 854 71
                                    

"NAKAKAINIS TALAGA YUNG FRANK NA YUN!" Utas ko kay Grace habang nagdadala kami ng mga kahon na ang laman ay mga puchu lang. Ilalagay namin ito sa stock room ng school.

"Huy!" Sabi ni Grace at inayos ang dala niyang kahon. "Huwag ka ngang sumigaw! Mamaya marinig ka at isumbong ka pa sa principal."

Umirap ako sa kawalan. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko nung mga oras na yun, sigurado akong mabubuwisit ka rin." Sabi ko.

Nasa kalagitnaan kami papunta sa stock room. Nagtataka nga ako kung bakit kami ang nagbubuhat nito at hindi ang mga lalako eh? Mmm. Kung sa bagay, mas marami naman kasi ang mga kahon na bitbit nila eh. Tapos sa rooftop pa ilalagay eh samantalang sa stock room lang yung amin.

"Zai!" Napatingin ako dun sa tumawag sakin. Nauuna pala akong maglakad kaya naiwan si Grace sa tapat ng cr.

Lumapit ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.

Napansin kong nilagay niya sa ibabaw ng kahon ko ang kahon niya. Ang bigat! Sumilip ako sa gilid ng mga kahon.

"Bakit pinatong mo sa kahon ko?" Tanong ko.

"Eh, kasi naiihi na ako! Promise, saglit lang ako, mauna ka na! Tutulungan kita sa stock room mag-ayos." Sabi niya at tuluyan na ngang pumasok sa cr.

Labag man sa loob ko na dalhin ang dalawang kahon na ito na medyo mabigat ay kailangan ko itong dalhin sa stock room, mag-isa.

Tumalikod ako at may nakabangga na isang lalaki. Nalaglag tuloy yung hawak kong kahon. Lumuhod ako sa sahig para pulutin ang hawak kong kahon.

Nagulat ako nung may tumulong sakin kaya tiningala ko ang tingin ko at nakita ko si JM.

"Tulungan na kita, Zaira!" Utas niya nung nakuha niya ang isang kahon. Wait! Pause. Kilala niya ako?

"S-sige." Sabi ko at naglakad na kami.

Halos mabingi ang eardrums ko sa katahimikang bumabalot samin. Hanggang sa makarating kami sa stock room. Tahimik.

Binuksan ko ang ilaw. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawa.

"Lapag mo na lang dito yan, JM!" Sabi ko nung yumuko ako para ilagay yung kahon sa tukador dun sa stock room. Lilingonbna sana ako nung aksidenteng magkalapit ang mga mukha namin.

Holy shiz! Hindi kasi ako nag-iingat eh!

Lumayo ako bigla nung mag-iba ang mukha ni JM. Isang nakakatakot na mukha ang pumalit sa kanya.

"S-sorry, Zai! S-sorry, hindi ko sinasadya." Utas ni JM sakin.

Tumalikod ako sa kanya. Umiinit ang pisngi ko. Binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga nasa loob ng kahon.

"A-ah, Z-zai! Sige. Aalis na ako. B-bye." Utal na sabi ni JM at narinig ko ang pagkalabag ng pinto.

Napabuntong-hininga ako at npatigil sa ginagawa. Hay! Hindi pwede, Zai. Hindi pwede!

Narinig ko na naman ang pagbukas ng pinto. Siguro si Grace lang iyon kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko nang bigla akong makakita na parang dumaan sa harap ko. Napaangat ang ulo ko. Natanaw ko naman ang isang salamin na may basag na. Lumapit ako dun. Nakita ko ang sarili ko.

Lumapit pa ako ng kaunti at nagulat nang biglang may mukha ng babae na talagang nakakatakot. Dumudugo ang buong mukha niya at ang katawan. Nakaputi lang siya.

Napaatras ako at napatigil dahil sa nakaharang na tukador.

Ang bilis ng paghinga ko at hindi ko akalain na may mas bibilis pa ito nung may dumapo'ng nagdudugong palad sa mga bibig ko.

"Mary is coming." Sambit niya sa tainga ko at nagdilim na ang paningin ko.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon