Case 33

27.4K 516 17
                                    

Umuwi na kami ni Frank pagkatapos noon. Baka kasi tuluyan nang sumpungin iyon at hindi pa ako maihatid sa bahay namin.

Nung ihatid niya ako sa bahay ay nakita iyon ng aking Auntie kaya pagkapasok ko sa loob, agad niya akong binato ng mga tanong tulad ng:

"Boyfriend mo ba yun?" Hindi.

"Kayo ba?" Hindi ko nga boyfriend, e!

"Nanliligaw sayo?" Malay ko dun.

"Mahal ka ba noon?" Sabi niya pero hindi ako naniniwala.

"Mahal mo ba?" Oo.

At kung anu-ano pang tanong. Dumerecho na lang ako sa kwarto ko para iwasan ang tanong ni Auntie.

Kinabukasan. Sabado na ngayon, ngayon ang libing ni Conrad kaya maaga akong gumising at naghanda dahil usapan namin ni Grace na sabay kaming pupunta sa sementeryo'ng paglilibingan ni Conrad.

Nung ibinababa ang kabaong ni Conrad, dun lang nagsink in sakin ang mga nangyari. Wala na talaga si Conrad!

Si Grace naman ay humihikbi at ang pamilya ni Conrad ay humahagulgol.

Nang tingnan ko muli ang kabaong ni Conrad, laking gulat ko nang makita ko si Mary sa ibabaw noon. Dahil sa takot, napaatras ako. Narinig ko ang mga daing noong natapakan ko ang mga paa nila. Nang tingnan ko sila ay ngumiwi sila sakin.

Tumingin ulit ako doon sa kabaong ni Conrad pero wala na si Mary. Napabuntong-hininga ako.

Guni-guni.

Nag-angat ako ng tingin at dumapo ang mga ito sa isang babaeng nakaputi na nasa may puno, malayo sa libingan ni Conrad.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Miss, yung panyo mo nahulog."

Tiningnan ko ang babaeng nakaturo at nakayuko sa panyo kong nasa damuhan. Tumingin ako sa kanya bago balingan ang panyo kong nasa damuhan.

Yumuko ako at dinampot iyon nang biglang may tumulong kung ano sa panyo at sa kamay ko.

Nilapit ko yun sa mukha ko para tingnan kung ano.

Dugo?

Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang babae at laking gulat ko na naman nang makita ko siya sa kaanyuan ni Mary.

"Hindi naman talaga sila kasama sa papatayin ko. Kaso, naalala ko... May kasalanan rin pala sila..." Sabi ni Mary sa nakakatakot na boses dahilan para mapaatras ako at ma-out of balance kaya napaupo ako sa damuhan.

Nagsipuntahan ang mga tao sakin pero sa likuran nila ay kita ko pa rin si Mary.

"The clock is ticking, my dear friend. Are you ready to save the ones on my death list?"

Nahabag ako sa sinabi ni Mary.

Sino ba ang susunod?

Sino?

Bigla kong naalala ang nakita ko sa may stock room. Si Grace.

Shit!

Si Grace ang susunod!

Kailangan kong ilayo si Grace sa stock room. Hindi siya pwedeng pumunta roon kung hindi mamamatay siya!

Pero paano? Paano ko siya palalayuin doon, e, hindi naman siya naniniwala sakin. Kung hindi siya naniniwala saking nakikita ko si Mary, paano ko pa siya papaniwalain na papatayin siya ni Mary sa stock room?

Damn! Kailangan kong umisip ng paraan.

"Zaira, okay ka lang?" Tanong ni Grace.

"Hija, are you alright?" Tanong ng mama ni Conrad.

Umiikot ang paningin ko. Shit. Nahihilo na naman ako. Unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako. Pagkadilat ko ng mga mata ko ay agad kong nakita si Grace.

"Zai, okay ka na ba?" Tanong niya.

Nilibot ko muna ang tingin ko. Nasa loob ako ng kotse. Bukas ang pintuan sa gilid ko kung saan nakatayo roon si Grace.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Grace, kumusta na siya?" Hindi na nasagot ni Grace ang tanong ko dahil sa boses na yun na nanggaling sa likuran niya.

"Gising na po siya, Tita." Sabi ni Grace. Siguro'y mama iyon ni Conrad. Bumaling si Grace sakin.

"Hinimatay ka na naman bigla doon sa libing ni Conrad. Nag-alala kaming lahat na nandoon."

Hinawakan ko ang noo ko.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ni Grace.

"Grace," Tawag ko. "Mag-iingat ka..." Sabi ko.

"Mag-iingat? Saan?"

"Hindi saan. Kung hindi, sino, kanino."

"Zaira, ano ba yang pinagsasasabi mo?" Tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. Here it goes.

"Kanina. Nakita ko si Mary. Binalaan niya ako. Kaya please, Grace, mag-iingat ka. At huwag na huwag kang pupunta sa stock room. Kung maaari, pagkauwian natin ay dumerecho ka na ng uwi." Sabi ko.

"Z-zai, a-ano bang nang-"

Hinawakan ko ang kamay niya. "Grace, maniwala ka sakin."

"P-pero, Zaira," Sabi ni Grace. "Mahirap paniwalaan ang mga sinasabi mo."

Pumikit ako. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Alam ko. Alam ko."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Shit naman kasi, e. Hindi ko alam kung sino ang nabibilang sa death list na sinasabi ni Mary. Ayokong may sumunod pa.

Ayoko!

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon