Final Case

22.5K 518 49
                                    

Malakas ang alon ng dagat. Masarap ang simoy ng hangin. Natural na natural. Preskong-presko. 

“Kumusta ka na, bes?”

Nagitla ako sa boses na iyon. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Mary na nakatingin at nakatabi sakin.

“Ayos lang ako, bes.” Sabi ko. Ngumiti siya at tumingin sa gitna ng dagat.

“Patay na ba ako?” Tanong ko.

Bumaling siya ng tingin sakin. “Gusto mo na ba, Zaira?”

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Ano ba ‘to? Binibigyan niya ba talaga ako ng choice? Tumingin rin ako sa gitna ng dagat.

“Ayoko… Kasi… Marami akong maiiwan na mga taong mahal na mahal ko… Kailangan pa nila ako… Pero…” Tumigil ako at napasinghap. “Kung ito ang kapalaran ko, tatanggapin ko.” Sabi ko.

“Parehas tayo ng nararamdaman… Ayoko pang mamatay… Kasi marami rin akong maiiwan na mga taong mahal ko… Ang pamilya ko… Pati kayong mga kaibigan ko…” Tumingin ako sa kanya dahil tumigil siya sa pagsasalita. Nakatingin siya sa gitna ng dagat. May nakita akong takas na luha sa kanyang kanang mata.

“Pero magkaiba tayo ng kapalaran…” Tumingin siya sakin. “Kapalaran ko ang mamatay ng maaga, pero ikaw? Hindi pa…” Sambit niya.

Hindi ko maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Naaawa ako para kay Mary. Gusto niya pang mabuhay. Natural lamang iyon. Pero binawi agad sa kanya ang buhay niya at sa katauhan pa ng taong pinakamamahal niya…

“P-patawarin mo ako, Mary…” Umiiyak kong sabi. “Hindi ko ginusto ang nangyari sayo… Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan para mabuhay ka hanggang ngayon, gagawin ko…” Dagdag ko.

Ngumiti siya kahit na may tumutulong luha sa kanyang pisngi. “Pero hindi naman, di ba?”

“P-patawarin mo ako, bes…” Pag-uulit ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Mary.

“Pinatawad ko na ang lahat ng taong nagkasala sakin…” Bulong niya.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 ATTENTION!

So this is where it all ends... This is my last update...

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon