Case 52

24.4K 562 40
                                    

Naging busy ang lahat sa mga lumipas na araw. Na-move nga ang aming prom. Dapat ngayong buwan naging sa susunod na buwan. Bakit? Dahil sa clearance. May ibang estudyante kasi na hindi pa tapos sa clearance nila. Mabuti na lang at nung clearance week pa talaga ako tapos.

"Grabe! May i-susuot ka na ba?" Utas ng isa kong kaklase habang naglelecture si Sir Science sa harap.

Tiningnan ko siya. Hindi na si Frank ang katabi ko. Malamang dahil wala na siya dito sa Pilipinas. At mukhang wala na siyang balak na bumalik pa dito. Nahihiya naman akong tanungin kay Principal Francis dahil una sa lahat, hindi kami close... Pangalawa, bakit kailangan kong tanungin? At pangatlo, hindi ko alam...

Umonti na rin ang estudyante ng Grade 12-A. Ilang estudyante na ba dito ang nawala?

Si Verna.

Si Rocco.

Si Calliope.

Si Janette.

Si Heather.

Si Danny.

Si Kael.

Si Nymph.

Sana wala nang susunod pa... Hay! Nangangako na naman ako... Natatakot rin kasi ako na baka ako na ang isusunod ni Mary dahil nakagawa ako ng kasalanan sa kanya...

Nawindang ako ng may marinig akong kislap. Pumitik pala ang bago kong katabi na si Liza.

"Zaira, may isusuot ka na ba para sa prom?" Bulong niya. Sinulyapan ko si Sir Science na nakatutok sa librong hawak at naglelecture pa rin.

Clearance na nga, naglelecture pa.

"O-oo." Sagot ko.

Tumango siya at umayos ng upo nang tumingin si Sir Science. "Buti ka pa! Saan ka nagpagawa?" Tanong niya.

"H-hindi ako yung nagpagawa. S-si JM."

Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako pupunta kaso tinakot ako ni JM kaya napilitan ako. Why am I being such a coward? Hindi naman ako ganito dati. Anyways, ayun nga. Pinilit ako ni JM dahil sabi niya handa na ang lahat pati ang isusuot ko. Nung una, sinabi kong ako na ang magbabayad sa gown ko na pinagawa niya dahil alam kong may financial problem sila. Akala ko ay matutuwa siya pero nagalit lang siya. Lagi naman, e. Hay!

"Eh? Seryoso talaga siya sa'yo, no?" Sabi ni Liza. "Biruin mo, pinagawa ka pa talaga ng gown kahit na may financial problem sila."

Napatingin ako sa kanya. Alam niyang may financial problem ang pamilya ni JM?

"A-alam mo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yep. Usap-usapan yan sa buong campus." Kumunit ang noo ko nang biglang nag-angat ng tingin si Liza.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Sir Science sa harapan namin. Napa-ayos ako ng upo ko.

"Madaldal ka talaga, e, noh?" Hindi ko alam kung sino samin ni Liza ang sinasabihan niya dahil parehas niya kaming tiningnan habang binabanggit ang mga salitang yun. Siguro nga'y kaming dalawa ni Liza.

"Matapos kay Frank, ito namang si Liza ang dinaldal mo?" Suminga siya ng hangin. "Baka kaya umalis si Frank dito. Dahil sa'yo." Irap ni Sir Science at bumalik sa unahan at nagpatuloy sa pagdidiscuss.

Halos tulala ako buong period ni Sir Science. Marahil dahil napahiya ako sa buong klase ko at dahil na rin sa double meaning ang sinabi niya.

Na umalis si Frank dahil sakin. At ang dahilan niya ay kaya umalis ito dahil sa madaldal ako which is mababaw. At ang dahilan ko naman ay umalis siya dahil sinaktan ko siya ng lubusan.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon