Case 24

30.1K 598 51
                                    

Wala na kaming pansinan ni Frank matapos ang araw na iyon. Hindi niya ako pinapansin. Hindi naman ako papansin. Edi huwag na magpansinan!

Pero shit lang! Bakit ganun ako katanga? Bakit kailangan malaman kong mahal ko siya kung kailan give up na siya? Ay pucha! Ang gulo! Bakit ba kasi ang manhid ko?

Naglalakad-lakad lang ako sa corridor. Lunch break naman kasi at mag-isa lang ako, wala pang magawa.

Wala si Grace, absent. Ewan ko kung bakit. Si Conrad naman ay may nasa library. Masyado kasing mabait si Conrad kaya tumutulong siya sa gawain sa library.

Nang madaanan ko ang classroom namin ay agad akong napatingin rito dahil may parang sumitsit.

Sumilip ako sa salamin para tingnan kung may tao. Wala naman. Hindi ko naman magawang pasukin dahil nakalock ito at na kay Nymph o kaya kay Roden pa ang susi.

Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at isinantabi ang sumitsit sakin. Naglakad ako palayo sa classroom nang bigla akong makarinig ng dahan-dahang pagbukas ng isang pinto.

Lumingon ako at laking gulat nang makitang nakaawang ang pintuan ng classroom namin.

Dahan-dahan akong lumapit doon at sumilip sa pintong nakaawang. Nakita ko si Kael at Danny na nag-uusap. Si Kael ay nakatayo at si Danny ay nakaupo.

Si Kael at Danny ay best buddy. Katropa rin sila ni JM.

"Hoy Kael!" Bulyaw ni Danny. "Sa tingin mo? Bakit namamatay ang mga kaklase natin? Pucha! Sunud-sunod, e, noh?"

Pinagpatong ni Kael ang dalawang braso.

"Aba malay ko! Hindi ko alam! Bakit sakin mo tinatanong? Nakapatay na ba ako?" Buwelta ni Kael.

"Hahaha!" Tawa ni Danny. "Hindi ka pa nakapatay? Sus! Sinong niloko mo, pare?"

Kumuyom ang panga ni Kael dahil sa sinagot ni Danny sa kanya. Maging ako ay nagulat. Anong ibig sabihin ni Danny? Nakapatay na si Kael? Kung totoo nga, sino ang napatay niya?

Agad na lumapit si Kael sa matalik na kaibigan at kinuwelyuhan ito.

"Shut the fuck up, Dan! May usapan tayong lahat na hindi dapat ungkatin ang bagay na yan!" Bulyaw ni Kael.

Ano daw? Tayong lahat? Kasama si Danny? Sino pa? Sino pa ang kasama nila at sino ang pinatay nila?

Napadiin ang hawak ko sa pintuan nang dumapo ang tingin ni Kael at Danny sa gawi ko. Sinara ko ang pintuan. Narinig ko ang huling sinabi ni Danny.

"Pucha! Sino yun?!" Utas ni Danny kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw.

Napaatras ako sa pintuan nang may bumakas sa salamin noon na dugo. Naririnig ko ang bawat pagsigaw ni Kael at Danny. At sa bawat pagpatay-sindi ng ilaw ay dumadami ang dugo sa pintuan.

Ilang segundo ang tinagal ng sigawan. Dahan-dahan akong lumapit ulit sa pintuan pero laking gulat ko nang makita ko si Danny sa salamin, duguan at may tumutulo pang dugo sa bibig.

"TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO KAMI!"

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis, hindi ko magawang habulin!

Nakita ko na lang ang katawan ni Danny na hinahatak ng kung sino habang inaabot sakin ang kanyang kamay na may dugo. Humahawa sa sahig ang kanyang dugo.

Napaatras ako sa pintuan. Shit! Ano bang nangyayari? Napasandal ako sa pader na nasa likuran ko. Napaupo ako.

Sinapo ko ang dalawa kong kamay saking mukha kasabay nang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Bigla kong naalala ang nakasulat sa whiteboard noong natagpuang patay si Janette.

4 down. 4 to go. Revenge is my weapon.

Una si Verna.

Pangalawa si Rocco at Calliope.

Pangatlo si Janette.

Apat na ang namatay sa mga kaklase ko.

Sinundan ito ni Heather.

At ang sumunod ay sina Kael at Danny.

Pito na ang namamatay. Sino ang isa pa?

Mas lalo akong napaiyak nang sumagi sa isip ko ito: Ako ba ang isa pa? Dahil... Kay JM? Dahil... Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya?

Iyak lang ako ng iyak. Wala akong maisip. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Zaira?"

Suminghot muna ako bago iangat ang ulo ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni JM.

Nalaman ko lang na si JM dahil sa boses. Akala ko si Frank na. Pero iba ang boses ni Frank. Iba dahil kapag narinig ko ang boses niya, kakalabog na agad ang puso ko.

"W-wala. Trip ko lang! Hahaha!"

Baliw na kung baliw. Wala namang mag-iiba kung sabihin ko ang mga nakita at nasa isip ko, diba? Iisipin rin niyang baliw ako, edi bakit hindi pa kabaliw-baliw ang isagot ko?

"Baliw ka na ba?" Yup. Baliw kay Frank. Aysheet!

"Hindi naman." Utas ko at tumayo.

"Hahaha!" Tawa niya. "Ang cute mo talaga!" Sabi ni JM at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

Hindi ko alam pero hindi ba mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga lalaking sweet sa isang babae dahil naipaparamdam nilang mahal ka nila?

Pero bakit si Frank? Hindi man niya ipakita ang kasweetan niya, kung mayroon man siya nun, bakit nagawang mahulog ng loob ko sa kanya?

"Lalim ng iniisip, ah? Ako ba ang dahilan?" Masayang utas sakin ni JM.

Pinilit kong ngumiti. "Hahaha. Miski kailan talaga, ang feeling feeling mo!" Utas ko at kinurot siya sa pisngi.

"A-a-a-aray!" Utas niya at tinanggal ang pagkakakurot ko sa kanyang pisngi. "Masakit, Zaira!"

"Feeling ka kasi, e." Sabi ko.

"Ayos lang yun," Sabi niya at nagthumbs up pa. "Basta ba mafeel lang kita!" Dagdag niya.

"Alam mo," Utas ko. "Ang corny corny mo!" Bulyaw ko.

Tumawa lang siya kaya tumawa na rin ako. Hay! Kung si JM na lang ulit? Magawa ko kayang mahalin siya ulit? Mmmm. Kung ang mahirap ngang problem sa Math namin ay natutunan, paano pa kaya ang pag-ibig?

"I love you." Nagulat ako sa biglaang pagsabi sakin ni JM niyan. Marahil dahil hindi ako sanay na lumalabas sa bibig niya ang mga katagang yan.

"Corny mo! Tigilan mo nga!" Dinaan ko na lang sa biro kasabay ng pagtawa. Nakisabay rin naman siya sa pagtawa.

"Oh, Frank? Bakit tumigil tayo sa paglalakad?" Napatingin kami ni JM sa nagsalita.

Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Frank, kasama ang isang hindi ko kilalang babae.

"Halika na, sa kabila na lang pala tayo dumaan. Mukhang naunahan tayo ng dalawa sa pakikipaglandian, e." Utas ni Frank at tinalikuran na kami kasama ang babaeng hindi ko nga sabi kilala.

Gusto ko silang durugin at tirisin na dalawa. Parang gusto kong tanggalin ang kamay ni Frank na nakapulupot sa beywang nung babaeng haliparot.

Atsaka, ano daw? Naunahan sa pakikipaglandian? Anong sinasabi niya? Na malandi ako? Na nakikipaglandian ako kay JM? Kapal niya, huh!

Pucha! Bakit ba yung ungas na yun pa ang minahal ko?

"Zai, maawa ka sa halaman!" Sigaw ni JM.

Tumingin ako sa kanya. "Ano?" Kunot noo kong utas.

Tinuro niya ang gilid ko. Sinundan ko ito at laking gulat nang makita ko ang kamay kong halos durugin ang kawawang halaman.

Shit! Nagseselos ako.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon