Case 16

32K 655 89
                                    

Pinaglalaruan ko ang ballpen ko habang nagdidiscuss si Sir Mon. hindi ako sanay ng tahimik ako dahil nasanay ako sa mga pangungulit sakin ni Frank. Sinulyapan ko siya at seryoso siyang nakatingin kay Sir Mon. Ito dapat yung mga oras na titingin siya sakin dahil napnsin niyang nakatitig ako sa kanya at aasarin pero wala... Para akong hangin sa gilid ng mga mata niya. Why so cold, Frank?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nanliligaw na si JM pero may kaunting takot pero ayos lang din. Malungkot ako dahil hindi na ako pinapansin ni Frank. 

Tumunog ang bell, hudyat na recess namin. Inaayos ni Frank ang gamit niya nang nakatayo. Huminga akong malalim bago tumayo at humarap sa kanya. 

"Frank?" Tawag ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-aayos.

"M-may dala akong baon, idinamay na k-kita kasi alam kong h-hindi ka k-kumaka-"

"Kailan ka pa naging concern sakin?" Sarkastiko siyang tumawa.

"Concerned ako kasi kaibigan kita." Utas ko. Napatigil siya sa pag-aayos ng bag niya. Kumuyom ang panga niya at humigpit ang pagkakahawak sa strap ng bag niya. 

Nayanig ako. Shet! Galit ba siya?

Humarap siya sakin. Mas nakita ko ang pagkuyom ng mga panga niya at ang paglisik ng mga titig niya sakin.

"Well, hindi mo na kailangang maging concerned sakin dahil simula ngayon, hindi na tayo magkaibigan..." Sabi niya na dahilan kung bakit umawang ang bibig ko. "Sige. May pupuntahan pa ako." Sabi niya at sinuot na ang strap ng bag niya at lumabas na ng room.

Bakit? Bakit parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya? Hindi na kami magkaibigan?

"Zai, okay ka lang?" Tanong ni JM nung naglalakad kami sa corridor namin papuntang parking lot. Sinundo niya ako sa classroom namin. Umuwi naman agad si Conrad at Grace.

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "A-ayos lang ako." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Mabuti kung ganun." Utas niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang biglang may papalapit saming tropa ni JM.

"JM! Meeting daw sa may gym!" 

"Huh? Bakit daw?"

Nagkibit-balikat ang tropa niya. "Urgent daw, e." Tumango si JM at bumaling ng tingin sakin. "Mauna ka na, Zaira, sa parking lot... Hintayin mo ako dun..." Utas niya. Tumango ako at ngumiti. "Okay." Sabi ko at pagkatapos nun ay tumakbo na silang dalawa palayo sakin.

Bumuntong-hininga ako at naglakad. Ngumuso ako dahil sa mga naiisip ko. Bakit ba ganun si Frank? Ano bang nagawa ko?

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Sir Science. "Good afternoon po." Bati ko.

"Zaira!" Tawag niya. Napakunot naman ang noo ko. "Mabuti na lang at nandito ka pa... Nakalimutan ko kasi ang class record ko sa classroom ninyo nung naglesson ako, pwede bang pakikuha?" Sabi niya.

Makakatanggi ba ako?

Tumango ako at tinalikuran siya pero nagsalita pa siya at ang sabi niya ay, "Hep! Huwag mong titingnan, nandoon ang grades niyo..." Sabi ni Sir Science.

Nakabalik ako sa classroom. Agad kong tinungo ang teacher's table sa classroom namin at kinuha ang class record ni Sir Science. Npatigil ako nang makaharap ako sa pintuan. Sinara ko ba ito? May narinig naman akong parang kuko na kinakas-kas sa whiteboard. Lumingin ako at laking gulat na may gumuguhit na limang linya sa whiteboard at may kasama pang dugo.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, agad kong pinihit ang doorknob at pilit na binubuksan ang pintuan pero ayaw na naman.

FUCK YOU DOORKNOBS! UUUUUUUUUUUUUUUUGH!

Nilingon ko ang whiteboard at laking gulat na makita na naman ang multo ni Mary na puro dugo at dahan-dahang lumalapit sakin sabay ng paghilig ng kanyang ulo.

"WAAAAAAAAAAH! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG! TULONG! AHHHHHHHHHH!" Sigaw ko at pilit na binubuksan ang doorknob gamit ang isa kong kamay at ang isa ay hinahampas ito.

"Alam mo bang yan rin ang sinisigaw ko noong patayin nila ako?" Nakakatakot na boses na galing sa likuran ko. 

SHIT! NASA LIKOD KO NA SIYA!

Hindi ako lumingon. Nanatili ang tingin ko sa labas ng classroom namin. Sa hallway kung saan walang nadaan.

"Pero hindi nila ako pinakinggan... Mga halang ang kaluluwa at bituka nila... Kaya marapa't lang na parusahan sila..." Basang-basa na naman ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumutulo. Pumikit ako at hiniling na sana matapos na ito.

"...kaya ito ako ngayon, pinaparusahan sila..."

"LUMAYO KA SAKIN!"  Sigaw ko at napadilat. Hinahabol ko ang hininga ko. Nilibot ko agad ang tingin ko at nasa parking lot pala ako. Paano nangyari yun?

Tumingin ako sa lalaking nasa ibabaw ng mukha ko. Frank? 

Kita ko naman ang paglisik ng mga mata niya at pagkuyom ng mga panga. Galit na naman siya?

"Wow, huh! Ito pa ba ang kapalit ng pagtulong ko sayo? Na lumayo ako sayo? Mabuti nga at tinulungan pa kita nang nakita kitang nakahandusay diyan, e! Tss..." Sabi niya at tumayo. Agad naman akong napatayo.

"S-sorry-"

"Scratch it! Huwag ka ng mag-sorry! Ayoko nang may marinig pa mula sa mga bibig mo, Zaira... You know what? Tama ka! Siguro nga, dapat talaga ay lumayo na ako sayo..." Sabi niya at tumalikod sakin. Gusto ko siyang hatakin paharap sakin pero nanigas ang mga tuhod ko sa kinatatayuan ko. "...para na rin makalimutan ka at ang pagmamahal ko sayo na nabuo sa maikling panahong pagkakasama natin..." Malamig niyang sabi at naglakad na palayo sakin.

Napalunok ako. Pagmamahal niya sakin? Inamin niya bang may gusto siya sakin? Ewan ko pero nalungkot ako sa pamamaalam niya... Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako... Gusto kong habulin si Frank pero bakit? Bakit gusto ko siyang habulin? 

Naguguluhan na ako.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon