Case 25

29.8K 618 82
                                    

"Zai, nakagawa ka ba ng cookies?" Tanong sakin ni Popoy.

Hinalungkat ko ang bag ko at itinaas ang isang tupperware na ang laman ay ang mga cookies na binake ko pa kagabi.

"Yup! Gusto mo tikman?" Tanong ko.

"Huwag na! Para sa mga bata yan!" Untag niya at inalis na sakin ang tingin.

Mayroon kasi kaming activity sa Values class namin. Helping the orphans. Kaya ito kami ngayon, bumabyahe papunta sa isang orphanage.

By pair kami. Si Popoy at ako ang magkapair. Hindi ko alam kung sino ang kapareha ni Frank. Pake ko sa kanya?

Nag-usap kami ni Popoy tungkol sa kung ano ang dadalhin namin para sa batang maaassign samin. At napag-usapan namin na magbebake ako ng cookies at siya naman ang bahala sa damit at laruan.

Kalahating oras nang nakalapat ang puwitan ko sa upuan at ilang minuto ang lumipas ay nakarating rin kami sa paroroonan namin.

Nang bumaba kami sa bus ay agad kong natanaw ang mga batang naglalaro sa labas ng orphanage. May mga ngiti sa labi nila kahit na wala silang mga magulang.

Nang makapasok kami ay nakuha agad namin ang atensyon ng mga bata. Napatigil sila sa mga ginagawa nila.

Lumapit ang isang madre kay Ma'am Values.

"Kayo po ba ang paaralan na bibisita saming bahay-ampunan?"

Tumango at ngumiti si Ma'am Values, "Opo, sister."

Ngumiti rin si sister. "Ako si Sister Stella, ako ang namamahala sa bahay-ampunan na ito." Sabay baling niya saming lahat.

Tinour muna kami ni Sister Stella sa orphanage. Madaming bata pero sapat at maganda ang mga silid na tinutulugan, kinakainan at pinaliliguan ng mga bata.

Kinalabit ako bigla ni Popoy. "Tingin mo, cute ang mapupunta satin?" Bulong niya.

"Cute man o hindi... Basta matulungan natin, ayos na yun." Ngiti ko.

Ngumiti rin naman si Popoy pabalik sakin kaso napahiwalay ako sa kanya nung may dumaan sa gitna namin. Tiningnan namin ni Popoy kung sino ang lalaking nangunguna samin.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na likod na yun.

"Frank! Bakit ka naman nang-iiwan, pare?" Utas ni Edwin.

"Ang init diyan sa likod. Gusto ko yung nauuna ako."

"Mainit? Parang hindi naman." Utas ni Edwin at lumapit kay Frank. Sila siguro ang magkapartner.

Tumingin sakin si Popoy. Ngiting aso ang nakikita ko sa mukha niya.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Gusto mo maglaro?"

"Loko ka, Popoy! Sa mga bata ka mag-alok ng laro, hindi sakin." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nakadapo lang ang nga mata ko sa likod na nasa unahan namin.

"Isang laro'ng pagpapaselos ang tema."

Nanlaki ang mga mata ko. "Loko-loko!" Utas ko.

Tumawa lang naman si Popoy sa inasal ko. Namula tuloy ang pisngi ko.

Halos kinse minutos rin ang tinanggal ng pag-tour samin ni Sister Stella.

"Kung may kailangan kayo, puntahan niyo lang ako." Sabi niya.

Tumango si Ma'am Values sa kanya. "Salamat po."

Iniwan na kami ni Sister Stella. Bumaling si Ma'am Values ng tingin samin.

"Ngayon ko sasabihin ang mga batang maaassign sa inyo." Panimula ni Ma'am Values.

Ang ibang magkakapartner ay galing sa ibang seksyon. Halimbawa, kaming first section, nakakapareha nung ibang wala ay taga-second section na. Walo na kasi ang nawala saming section. Si Verna, Rocco, Calliope, Janette, Heather, Kael, Danny at Mary kaya kulang-kulang na rin.

Si JM naman ay hindi sumama. Nagtext siya sakin, ang sbai niya ay may sakit siya.

"Popoy at Zaira, si Marie ang maaassign sa inyo."

Hindi ko na inatupag pa ang mga sumunod na sinabi ni Ma'am Values. Puro tungkol na kasi iyon sa pair at kung sino ang maaassign sa kanila.

Nung matapos si Ma'am Values ay agad kaming nagtungo sa mga batang naassign samin.

Nang makita namin ni Popoy si Marie, nagkatinginan pa kami.

"Ang cute niya!" Utas ni Popoy.

"Oo nga." Pagsang-ayon ko.

Nag-iisa lang si Marie habang nakaupo sa bench. Lumapit kami ni Popoy sa kanya.

"Marie?"

Tumingin siya samin. Walang nagbago sa mukha niya. Malungkot pa rin. Lumuhod ako para maging kalevel ko siya. Sumulyap ako kay Popoy. Umangat lang ang ulo niya.

Hinawakan ko si Marie sa kanyang mga tuhod.

"Marie, ako nga pala si Ate Zaira." Sabay turo ko kay Popoy. "At siya naman si Kuya Popoy."

Sinundan ni Marie ang turo ko. Sandali lang niyang sinulyapan si Popoy.

"Kukuhanin niyo na ba ako?" Tanong niya.

Napalunok ako. Nalulungkot ako para sa kanya. Mahirap mawalan ng mga magulang sa murang edad. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nawalan rin ako ng mga magulang sa murang edad pero hindi ako napunta sa bahay-ampunan dahil kinuha ako ng kapatid ni papa na si Tita Lia.

"U-uh, ano kasi," Halata mong nangangapa pa si Popoy ng tamang salita para maintindihan ni Marie. Lumuhod rin siya kagaya ng ginawa ko.

"... Nandito kami para pasayahin ka..."

Ngumiti ako. "Oo. Tama si Kuya Popoy, Marie."

"Kung ikaw si Ate Zaira." Sabay turo niya sakin. "At ikaw si Kuya Popoy." Sabay turo kay Popoy. "Sino itong katabi ninyo?" Tumuro si Marie sa kabila ko.

Sumulyap muna ako kay Popoy. Nagulat kami nang biglang magsalita si Marie. "Ah! Ikaw si Ate Mary."

Mas ikinagulat namin ang laman ng salita ni Marie.

"M-marie? S-sinong M-mary? Wala kaming kasamang may pangalan ay Mary." Utas ni Popoy.

"Wala? Niloloko mo naman ako, Kuya, e." Tawa ni Marie. "Ito nga siya at katabi pa ni Ate Zaira, o."

Dahan-dahan kong pinilig ang ulo ko sa kaliwa at laking gulat nga nang makita ko ang nakakatakot na mukha ni Mary.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon