Case 8

38.9K 852 63
                                    

"Grabe! Grabe talaga yung nangyari kay Verna, noh?" Bulalas ni Conrad samin nang malate ng pasok ang una naming subject teacher.

"Oo nga, e. Punta tayo sa burol, mamayang uwian." Sabi ni Grace.

"Oo nga. Punta tayo, after class. Wala naman akong gagawin, e."

Hindi ako nakinig pa sa sumunod na pag-uusap nila. Masyado na akong maraming iniisip. Bukod sa nangyari kay Verna ay iniisip ko si JM at bukod rin kay JM ay iniisip ko ang pagmumulto sakin ni Mary.

Kinalabit ako ni Conrad. "Zai! Kanina ka pa namin tinatanong kung sasama ka samin sa burol mamaya ni Verna? Ano? Sasama ka ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Zai, may nararamdaman ka na naman bang kakaiba? Nahihilo ka na naman ba?" Tanong ni Grace.

"Gaga ka, huh! Baka mamaya kaya ka nahihilo dahil sa buntis ka na!" Utas naman nitong si Conrad.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nahihilo lang lagi, buntis agad? Atsaka... Hindi naman ako maselan sa mga bagay-bagay noh!" Utas ko naman.

"Eh ano nga? May nararamdaman ka na namang iba?" Tanong ulit ni Grace.

Umiling ako. "Pero..."

"Anong 'pero' Zaira?" Tanong ni Conrad.

Lumunok ako.

"Nagmumulto talaga sakin si Mary." Sabi ko.

Nagkatinginan sila at pinagtawanan na naman ako.

"Tumigil ka na, Zaira. Andyan na si Sir Mon." Sabi ni Grace at bumalik sa upuan niya.

"Nakakaloka ka talaga, Zai!" Sabi nitong kaibigan kong bakla.

Alam ko naman na pagtatawanan lang nila ako, e. Well, hindi ko naman sila masisisi.

"Class... As you all know, we have lost another student to our class which is Verna. And may the God bless her soul. Amen." Utas samin ni Sir Mon.

Napatingin ako sa tabi ko. Bakit wala ang ungas? Mmm. Mukhang maganda ang araw ko ngayon dahil wala siya, ah? Pero may atraso siya sakin. At kailangan niya yung pagbayaran.

"Zai, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Grace pagkatapos ng pangalawang subject namin.

"Sandwich na lang atsaka tubig." Sabi ko.

Tumango siya at bumaling kay Conrad. "Hoy bakla! Samahan mo ako."

Natawa ako ng bahagya. Nanlalambing kasi si Grace.

Tumayo si Conrad. "Hoy gaga! Huwag mo nga akong tawaging bakla! Mamaya may makarinig sayo at mahuli pa ako ng tatay ko." Utas ni Conrad.

Tumawa si Grace. "Bakit kasi ayaw mo pa maglantad?"

"Gaga ka talaga! Kung maglalantad ako, kakalat sa buong school, malalaman ni Principal Francis, tapos malalaman ng pamilya ko, baka pag-uwi ko, isang araw galing sa school ay bigla na lang akong sapakin bg tatay ko dahil alam na niya na may anak pala siyang babae." Sabi ni Conrad.

Apat kasi silang magkakapatid. Siya ang bunso. Worst. Puro lalaki sila kaya naman napakalaking kahihiyan ni Conrad para sa pamilya niya.

"Gaga! Hindi ka babae. Binabae ka!" Sabi ni Grace.

"Whatever! Halika na nga!" Sabi ni Conrad at hinatak na si Grace.

Natutuwa ako sa dalawa. Para kasing mga walang problema pero deep deep inside them mayroon.

Gaya nung Conrad. Kahit gaano niya kagusto ang maglantad at sabihin sa buong mundo na 'Pusong babae' siya ay hindi pwede dahil sa pamilya niyang lahi ng mga siga at makikisig na lalaki.

Si Grace naman ay may problema pamilya. Nahuli niya kasi ang papa niya na may kasipin sa kama at sa mismong bahay pa nila. Wala kasi ang mama ni Grace dahil ito ang nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanila. Only child lang si Grace.

Ako naman, wala naman akong problema sa pamilya. Sarkastiko. Wala na kasi akong mga magulang. Namatay sila noong 8 years old pa lang ako. Mayroon naman akong dalawang kapatid. Si Kuya Ziggy at si Zade na parehong nasa Amerika dahil doon sila nag-aaral ng kolehiyo. 

Napalinga ako dahil nangalay ako sa pwesto ko.

Pagkalinga ko ay laking gulat ko nung makita si Mary sa sulok ng cafeteria na ito. Napatayo ako at napatingin sa direksyon nila Grace at Conrad. Nakatalikod sila sakin at pansin kong nagbabangayan sila dahil sa mga ekspresyon nila.

Nakaramdam na naman ako ng hilo kaya tumakbo ako palabas ng cafeteria.

Hinihingal ako nung tumigil ako sa corridor. Napalinga ako sa paligid. Walang estudyante sa corridor na ito? Imposible! Ito ang corridor kung saan daanan pamula cafeteria hanggang sa mga classrooms. Imposibleng mawalan ng mga estudyante sa gawing ito.

Medyo nawala na ang pagkahilo ko.

Mayroon akong nasinagan na likod ng lalaki at kilala ko kung kanino at sino iyon.

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya.

"SIRAULO KA! HINDI MO AKO PINALABS KAGABI SA CR! WALANG HIYA KA TALAGA! HALOS MAMATAY AKO! UGH! NAKAKAINIS KA TALAGA!" Sabi ko at patuloy sa pagbatok sa kanya.

"ARAY ANO BA! FREAK! STOP HITTING ME!" Sigaw niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Ano yung naririnig ko? Parang tibok ng puso.

"Bakit hindi mo ako tinulungan, huh?" Tanong ko habang pilit na pumipiglas sa pagkakahawka niya.

Lintik na! Ano ba kasi yung naririnig ko?

"Paano kita tutulungan kung natulungan ka na?" Medyo may bahid ng pagkairita ang tono niya.

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko.

"Fine." Sabi niya at binitawan ako. Nakawala ako sa pagkakahawak niya kasabay ng unti-unting pagkawala ng naririnig kong mga tibok ng puso. Crazy.

"Anong natulungan na ako?"

"Paano kita tutulungan kung natulungan ka na?"

"Huh? Eh di ba ikaw itong nangiwan? Humingi ako sayo ng tulong pero anong ginawa mo? Sabi mo bahala ako. Na manigas ako." Sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"Sinabi ko nga yun! Pero hindi kita matiis kaya humanap ako ng paraan para makalabas ka dun sa cr ng mga babae." Bulong niya.

"Ano?" Eh sa hindi ko narinig ang sinabi niya, e.

"Sinabi ko nga yun! Pero humanap pa rin ako ng paraan para makalabas ka ng cr ng mga babae. Kaso nahuli ako. Naunahan ako nung lalaki na yun at hinatid ka pa sa bahay niyo."

Grabe lang, huh? Sobra makapag-explain?

"Teka! Anong sabi mo? Paano mo nalaman na hinatid nga ako ni JM sa bahay namin?" Pinangalanan ko na! Eh si JM lang naman talaga ang naghatid sakin, e.

"Uh, JM pala ang pangalan nun. Anong apleyido?" Tanong niya.

"Pantaleon. Bakit?"

"Crush mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

"Teka! Hindi mo sinasagot yung tanong ko kanina, ah? Sumesegway ka noh? Hoy! Hindi mo ako maloloko noh!" Utas ko.

"Dun ka ba talaga sa bahay na yun nakatira?" Tanong niya.

"Aba oo!"

"Hindi halata. Sa lakas ng pananalita mo, para kang taga-bundok." Sabay hagalpak sa tawa.

Sinipa ko nga.

"Sadista!" Daing niya habang nakahawak sa binti kung saan ko siya sinipa.

"Dapat lang yan sayo." Sabi ko.

"Alam mo... Sa tuwing nagagalit ka, natutuwa ako... At hindi ko alam kung bakit." Sabi niya.

"Baliw ka kasi! Siraulo! Wala sa tamang pag-iisip!" Asar ko.

"Akala ko nababaliw ang isang tao dahil sa pagkukulang sa pag-iisip pero akala lang yun. Dahil ngayon alam ko na... Posible pa lang mabaliw ang isang tao dahil sa isang tao rin..."

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon