Case 19

29.9K 577 36
                                    

"Grabe! Ang daming estudyante ang namamatay sa first section ng graduating class natin ngayon noh?"

"Oo nga, e."

"Ano kayang nanagyayari dun?"

"Baka may demoyo sa kanila."

"Eh? Sinong hula mo?"

"Wala akong hula dahil hindi ko naman sila nakakasalamuha araw-araw."

"Kung sa bagay."

"Hay! Halika na nga! Kinikilabutan ako sa pinag-uusapan natin."

Yan agad ang narinig ko pagkapasok ko pa lang ng gate ng school namin. Balitang-balita na ang section namin dahil sa mga kaklase kong sunud-sunod na namamatay.

"Nawalan na naman tayo ng isang kasama sa klase na ito." Malungkot na utas ni Sir Mon. "Una si Verna, sumunod si Rocco at Calliope, tapos si Janette at ngayon naman si Heather..."

"... Mayroon pa bang susunod? Kung mayroon, sino ang susunod? Sana... Sana wala na..."

Tahimik kami. Inaabsorb naming lahat ang nangyayari. Bakit ba? Bakit ba kasi pinapatay ni Mary ang mga kaklase namin? Ano bang ginawa nila sa kanya?

"Conrad! Tara na!" Tawag ni Grace dun kay Conrad na pinagpipiyestahan ng mga babae nang magbell.

Ngumiti si Conrad samin ay mukhang nagpaalam na dun sa mga babae.

"God! Nakakadiri sila!" Maarteng utas ni Conrad nang makalapit samin. Umirap si Grace. I smell something fishy. "Tara na nga!" Sabi ni Grace at nauna na.

Tumingin ako kay Conrad. Nakatingin rin pala siya sakin. "Problema nun?" Tanong niya. Nagkibit-balikat ako. Alangan namang sabihin kong nagseselos si Grace, eh hindi naman ako sigurado.

Nasa kalagitnaan na kami ng hallway papunta sa cafeteria nang may maalala akong nakalimutan ko ang wallet ko sa bag ko na nasa classroom. Hindi ko naman kasi iyon dinadala kapag recess. Tuwing lunch lang.

"Oh? Bakit, Zai?" Tanong ni Conrad. 

Napapikit ako. "Nakalimutan ko ang wallet ko." Utas ko.

"Ah?" Lumapit sakin si Grace. "Babalikan mo ba?"

Tumango ako. "Kailangan. Wala akong pambili ng pagkain." Sabi ko.

"Ah, sige. Hintayin ka na lang namin sa cafeteria." Sabi nila.

Tinalikuran ko na sila at tumakbo na para makarating agad ako sa classroom. Nang makarating ako ay agad kong hinablot ang wallet ko at laking gulat ko nang tumingin ako sa pintuan ay nandoon si Janette. Shit! Ano na naman ito?

Pumunta siya sa upuan niya at may hinalungkat. Inangat niya ang isang sandok. "Eto!" Sambit niya.

Maglalakad na sana siya pabalik sa pintuan nang biglang bumagsak ang mga libro na nasa teacher's table. Kumunit ang noo niya pero agad niya ring ipinag-kibit-balikat. Pinulot na lang niya iyon at nilapag ulit sa teacher's table. "Nadali ko siguro noong dumaan ako." Utas niya sa sarili niya.

Lumingon siya at laking gulat niya at laking gulat ko nang makita ko si Mary.

"AHHHH!"

"Zaira!"

"AHHHH!"

"HUY ZAIRA!"

Agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Frank habang ang dalawang kamay ay nasa mga balikat ko. Nilibot ko ang tingin. Nasa classroom pala kami, nandito ang mga kaklase namin.

"B-bakit tayo nandito?"

Kumunot ang noo niya. "Malamang. May pasok, e."

"Hindi ba nagbell na?"

"Huh? Hindi pa. Paano magbebell eh hindi pa naman tapos ang first at second subject. Nagkaroon lang ng urgent meeting. Hindi mo ba matandaan?"

Umiling ako. Hinawakan niya ang noo at leeg ko.

"May sakit ka ba?"

"W-wala. O-okay ako." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong niya. Tumango ako.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nakakakita ng mga bagay na hindi naman normal at hindi ko dapat makita?

Ayoko. Ayoko nang ganito. Hindi ako kumportable. Hindi talaga.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon