Case 23

30.1K 613 233
                                    

Tumingin sakin si JM. "Totoo ba iyon, Zaira?" Madiin niyang tanong.

Sumulyap ako kay Frank. Nakangisi sakin ang mokong!

"Sige, Zai! Sabihin mo sa kanya na totoo ang sinasabi ko." Utas ni Frank.

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang kamay niyang nasa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ni Frank. Ngayon, si JM naman ang ngumingisi.

"Hindi totoo ang sinasabi niya." Mahinahon kong sambit. Ewan ko ba sa sarili ko pero gusto ko itong bawiin. Aish! Ano ba kasi talaga ang nararamdaman ko para sayo, Frank? Kajirits!

"Z-zai? P-pero-"

"Hindi totoo iyon, Frank. Hindi ako pumayag. Tutol ako sa napag-usapan ninyo ni Ma'am Math, hindi mo ba maintindihan?"

Gusto kong kuhanin ang mga katagang binitawan ko at ipasok ulit sa bibig ko.

Nakita kong nanlisik ang mga mata ni Frank. Ibinabaon niya ako gamit ang matatalim niyang titig. Shit! Malulusaw na yata ako!

Nakita ko naman ang ngiting tagumpay ni JM. "One sided love relationship. Masakit ba, pare?" Utas ni JM at tumawa pa.

Mas lalong kumuyom ang panga ni Frank at dahan-dahang pinilig ang ulo nito kay JM na tumatawa.

Oh no! This can't be good!

"He doesn't love you, pare. And that's the tru-"

Nagulat na lang ako nang makita ko si JM na nasa sahig. Oh fuck! Sinuntok pala siya ni Frank. Nagkatinginan muna kami nila Grace at Conrad bago sila tuluyang inawat.

Si Grace at Conrad kay JM. Ako naman ang sa kay Frank.

"Gago ka pare! Bakit mo ako sinapak?" Utas ni JM habang pumipiglas kay Grace at Conrad.

Hinaharangan ko si Frank. Malakas siya kaya natutulak niya ako pero hindi ako nagpatalo. Hindi ko alam kung saang lakas ako humuhugot.

Dinuro ni Frank si JM kahit na ilang pulgada na ang agwat nila.

"Mas gago ka, pare! Dapat lang na sapakin ang mukha mo!" Utas ni Frank.

"Bitawan niyo nga ako!" Utas ni JM kay Grace at Conrad. Mabuti na lang at naiintindihan ng dalawa kong kaibigan ang sitwasyon kaya hindi nila sinunod si JM. "Nang masapak at mabasag ko ang bungo ng hinayupak na yan!"

Magsasalita pa sana si Frank kaso hinatak ko na siya! Aba! Ayaw magpatalo sa sagutan! Hatakin nga paalis!

"Zaira! Saan ka pupunta?" Tanong ni JM.

Nakalayo na kami ni Frank sa kanila nung sumigaw ako.

"May aayusin lang ako. Nasira yata ang turnilyo niyo sa ulo, e."

Hatak-hatak ko si Frank. Nakakapagod hatakin ang dambuhala'ng gwapo na ito. Ay! Wait! Sinabi ko bang gwapo si Frank? Joke lang yun! Huwag niyo seryosohin!

Nakarating kami sa corridor kung saan nakahanay ang classroom namin. Ito lang kasi ang corridor na walang katao-tao.

Jusko! Pasasalamat ko talaga sa D'yos na walang taong nakapaligid samin nung sapakin ni Frank si JM. Dahil kung mayroon, jusko! Sigurado akong office kami, plus suspension (depende sa papa ni Frank) at magiging topic kami ng lahat ng students.

Binitawan ko siya. "What the hell, Frank? Ano ba iyon?" Bakit mo sinapak si JM?" Utas ko sa kanya.

Hinarap ko siya at nagsisi ako. Nagsisi ako dahil nalulusaw ako sa mg titig na binibigay niya sakin.

"Sinapak ko kasi gago!" Mahinahon pero may diin niyang bulalas.

"What do you expect? Manliligaw ko iyon tapos gaganunin mo?"

"Shit!" Bulong niya.

"Minumura mo ba ako?" Taas kilay at nakapameywang kong tanong.

"Hindi ikaw ang minumura ko! Ang minumura ko ay yang ugali mo!"

Aba! Bobo ba ito?

"Stupid! Kung minumura mo ang ugali ko, edi parang minura mo na rin ako! Stupid!" Utas ko.

"Yeah right. Maybe I'm stupid. Stupid enough to fall in love with a person like you!"

Kanina pa kumakabog sa galit ang puso ko. Pero nung sinabi niya iyon ay mas bumilis ito with matching lumilipad pa sa tiyan ko.

"Could you please stop saying that you love me?" Madiin kong utas.

Kumuyom ang panga niya at mas lumalim ang tingin sakin.

"Stop saying it? Anong gusto mo? Itigil ko na rin ang nararamdaman ko para sayo?"

"Ugh! Stop it, will you! Binibiro mo lang ako, Frank. It's your daily routine at kasama ang pagsabi mo sakin ng mga sweet words sa pambubuwisit mo sakin!" Bulyaw ko.

"... And guess what, panalo ka na! Nabwisit na ako! Nabuwisit mo na ako! Kaya please lang naman, tigilan mo na!"

"Yun lang ba talaga ang tingin mo sakin, Zaira? Isang buwisit sa buhay mo? Isang peste sa buhay mo? Isang gago na walang ibang ginawa kung hindi ang galitin at inisin ka araw-araw?" May bahid ng frustration ang kanyang boses.

Hindivko rin alam, Frank. Naguguluhan pa ako. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sayo.

"Oo."

Shit.

Anong sinabi ko?

Ano yung sinagot ko?

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Frank. Para siyang binagsakan ng langit at lupa.

Tinalikuran niya ako. Shit! Ito yung ayaw ko. Ito!

"Fra-"

"Sige. Yun lang ang tingin mo sakin? Fine! I'll do anything to stop this feeling! Kalimutan mo na ang lahat. The kiss, the sweet words I told you. Kalimutan mo na rin na sinabi ko sayong mahal kita. Dahil ako? Kakalimutan na kita at hindi na aalalahanin pa."

Nadurog ang puso ko. At sa bawat paghakbang niya, nadudurog pa ito ulit sa maliliit.

Damn!

Ano ba kasi ang sinabi ko? Ano ba kasi ang sinagot ko?

Then suddenly, I felt it. Bakit ngayon pang wala na si Frank? Bakit ngayon ko pa nalaman na mahal ko siya kung kailan tinalikuran niya na ako?

Napaluhod na lang ako sa sahig ng corridor kasabay ng sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Mahal ko si Frank. Pero hindi ako makapaniwala'ng nawala siya sa nang dahil sa sarili kong katangahan at kamanhidan ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

JM Pantaleon o Frank Lavarino?

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon