Case 57

25.3K 594 94
                                    

I'm very sorry for the late update :( Busy lang po talaga ako kaya paki-intindi po ako. Please? Thank you! ;)

Anyways...

Mary is almost finished. Yes. Ang nobelang araw-araw ninyong sinusubaybayan (Kahit na hindi naman ako araw-araw nag-a-update XD) ay matatapos na rin sa wakas. Pero bago matapos ang storyang 'to, gusto ko muna kayong pasalamatan. I would like to thank you all for supporting this story and also for supporting the author of this story which is, me. :) As you all know, ipapublish na ang Mary under VIVAPSICOM. Hindi ito mapapublish kung walang suporta ninyong mga readers ko. So, thank you very very very very very much. :***

Wanna chit-chat with me? Just message me on my Facebook account (https://www.facebook.com/agent.blue.36). You can also message me here on my Wattpad account (@missprettychinita). :) I'm approachable. Hindi po ako nangangagat at nangangain ng tao. Promise!

Again, 

Maraming maraming maraming maraming salamat, aking mga mambabasa :) Godbless you all! :*

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

Malabo ang paningin ko nang idilat ko ang aking mga mata. May isang lalaki sa harapan ko na nakatali ang dalawang kamay sa taas. Hindi ko makita ng maayos kung sino ito dahil nga sa malabo ang paningin ko. Ipinikit ko ito hanggang sa nawala ang pagkalabo sa paningin ko.

Nagulat ako nang makita ko si JM doon. Nakatali ang kamay sa taas habang nakatayo at puno ng dugo ang damit. Nun ko lang napagtantong maging ako rin pala ay nakagapos. 

“Oh? Gising ka na pala!” May narinig akong boses sa likuran ko. Napatigil ako sa pagpupumiglas. Nanigas ako. 

Naramdaman ko ang kamay niya sa sandalan ng upuan. Nagitla ako nang bumalandra sakin ang mukha ni Popoy. 

“L-lubayan mo siya, Popoy! W-walang kasalanan si Zaira dito!” Rinig kong sigaw ni JM sa likuran ni Popoy.

Ngumisi na parang demonyo si Popoy. Dahan-dahan siyang tumayo at bumaling kay JM.

“Tang*na mo! Lubayan? Walang kasalanan? Sino ka para sabihin sakin yan? Bakit? Nilubayan mo ba ang taong mahal ko nang malaman mo ang plano ng mga kaibigan mong gago?! Huh?! E pinatay mo pa nga di ba?!” Nanggigil na sabi ni Popoy kay JM. Sinugod niya ito at pinagsasapak sa mukha. Lalong dumugo ang mukha ni JM. 

Hindi ako naaawa. Marahil dahil dapat lang iyan sa kanya dahil pinatay niya ang kaibigan ko. Pero kinamumuhian ko na rin si Popoy. Dahil magkatulad sila ni JM. Mga mamamatay tao!

“Parehas lang kayong mamamatay tao, Poy! Wala kayong pinagkaiba!” Matapang kong utas.

Kahit nakatalikod si Popoy sakin, ramdam ko pa rin ang galit niya. Marahil dahil sa sinabi ko pero ano namang magagawa ko? Ayun ang totoo.

Dahan-dahan niya akong nilingon. Nakakuyom ang mga panga at ang parehong palad.

“Hindi ako natatakot sayo.” Sabi ko kahit na ang totoo ay maiihi na ako sa sobrang takot.

Ngumisi siya bigla. “Hindi ko naman kailangan ang takot mo, Zaira, e. Ang kailangan ko, buhay mo…” 

Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan.

“B-bakit, Poy? Bakit kailangan mo gawin ‘tong lahat? Bakit kailangan mong dungisan ang mga kamay mo ng dugo?” Tanong ko.

Lumapit siya sakin at lumuhod para makalebel sakin. 

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon