Case 53

25.2K 561 74
                                    

 

Nagising ako nasa isang putting kwarto na ako. Mayroong dextrose na nakasaksak sa kanang kamay ko. Napagtanto kong nasa ospital ako. Bakit ako nandito? Nilibot ko pa ang tingin ko at nahagip nito sina Auntie at Denise na natutulog.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at nakita ko si Zade, ang kapatid ko.

Teka… Anong ginagawa niyan dito?

“Zaira!” Bulyaw ng kapatid ko at lumapit sakin. Halos batukan ko siya nang sumigaw siya. Wala akong pakielam kahit na mas matanda siya sakin. Baka kasi magising sina Auntie at Denise.

Sumulyap ako sa kanila. Nakita kong nag-angat ng tingin si Auntie at Denise. Nangyari na nga! Nagising na sila!

“Ginising mo sila Auntie.” Bulong ko at tiningnan si Zade.

“You careless girl. Wala ka talagang pakiealam sa sarili mo, e, no?” Utas ni Zade.

Narinig ko ang mga yapak ni Auntie at Denise palapit sakin.

“Bakit ka nandito? Bakit ako nandito?” Tanong ko na kanina ko pa gustong masagot.

Tumingin si Zade kay Auntie. Napatingin rin ako. Tumango si Auntie. Binalik ko ang tingin ko kay Zade.

“I’m here because Auntie and Denise called me…” Sabi ni Zade. Tiningnan niya ako. “Nasa ospital ka daw at isang linggo nang hindi nagigising. I was scared. Kuya Ziggy was scared. Hindi kami nakauwi ni Kuya Ziggy agad dahil sa mid-terms ko at dahil sa trabaho niya… And I’m sorry about that… We’re sorry about that…”

Ngumiti ako. I’m lucky to have two brothers who always care for me... I’m lucky to have Kuya Ziggy and Zade. They’re my only family aside from Auntie and Denise.

Nang mamatay kasi sina mama at papa, lumipad patungong States si Kuya Ziggy para doon magtrabaho at magbagong buhay dahil kakagraduate niya lang ng college niya. Gusto niya akong isama pero tumanggi ako. Si Zade ang sumama dahil nakatanggap siya ng scholarship sa isang magarang unibersidad sa States that time. Kaya naiwan ako kina Auntie at Denise.

“Ano bang nangyari sa’yo, Zai, at hindi ka gumising ng isang linggo?” May bahid ng takot ang tono ni Zade.

Bigla kong naalala ang lahat. Nagpakita si Mary sakin habang naglalakad ako pauwi.

Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi niya. Akala ko talaga ay katapusan ko na.

“How am I supposed to know, Zade.” Tawa ko na lang.

I laughed because of his stupid question!

“Don’t laugh…” Seryosong utas niya. Umiling ako at binalingan sina Auntie.

“Sino po ang naghatid sakin dito, Auntie?” Tanong ko.

Tumingin si Auntie kay Denise. Tumingin ako kay Denise. “Nakita kita, Zai, nakahandusay ilang metro ang layo sa bahay… Agad kitang dinaluhan… Nang hindi ka gumigising, tinawag ko si Mommy…” At tumingin siya kay Auntie saglit at binalik ulit sakin. “At dun na kami tumawag nang ambulansya…”

“Ano ba talaga, hija? May nakain ka bang hindi maganda? May sakit ka ba? O ano? Na hindi mo sinasabi samin… Kasi maging ang mga doctor dito sa ospital, hindi alam ang dahilan nang hindi mo paggising ng isang linggo… Natatakot kami, Zaira…” Utas ni Auntie.

Pinilit kong ikurba ang labi ko. Pinili kong huwag sabihin sa kanila ang tunay na pangyayari. Anong mapapala ko? Hindi rin naman sila maniniwala. Walang naniniwala sakin na nakikita ko ang matalik kong kaibigan pwera na lang kay Popoy na nakikita rin ito.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon