Case 22

29.8K 597 76
                                    

"Zaira..."

Hindi ko pinansin ang pagtawag sakin ng katabi ko. Kanina pa yan tawag ng tawag sa pangalan ko. At kanina pa ako nakakaramdam ng kung anong kiliti sa may batok ko dahil sa pagtawag niya. Tinutuon ko na lang ang tingin ko kay Ma'am Math.

"Zaira..."

Ayan na naman ang kiliting nararamdaman ko.

"Frank! Solve problem number 4! On the board!" Utas sa kanya ni Ma'am Math. This time, naagaw na niya ang atensyon ko. Attentive siyang tumayo sa upuan niya.

"Anong hinihintay mo, Frank? Pasko?" Tanong ni Ma'am Math.

"Hindi po, ma'am... Ang hinihintay ko po ay ang pagsagot sakin ni Zaira, ma'am."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinagot niya kay ma'am. Umalingaw-ngaw sa silid na may apat na sulok ang hiyawan at panunukso ng mga kaklase namin. Kahit kulang-kulang na kami, umalingaw-ngaw pa rin ang sigaw.

Nilibot ni Ma'am Math ang kanyang mga mata sa buong classroom. "Silence!" Utas niya.

Bumaling siya sakin ng tingin. "Kung gayun, kapag nasagot mo problem, sasagutin ka rin ni Zaira." Nakangiting utas ni Ma'am.

WHAT?!

Napatayo ako. "Bakit po ako nasali, ma'am?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bumaling siya kay Frank at inilahad ang pentel pen sa harapan ni Frank.

Ngiting aso naman ang mayroon sa mukha ni Frank nang kuhanin niya ang pentel pen.

Dalawang palaisipan ang nagtatalo sa isip ko: Sna matalo si Frank; Sana manalo si Frank.

Normal pa ba yun?

Nagsimulang magsolve si Frank at kasabay nun ang pagdiin ko saking mga mata. Fuck this shit! Bakit ba kasi sinabi iyon ni Frank? Paglabas talaga namin ng classroom na ito, makakatikim siya ng uppercut sakin with matching tadyak sa ano niya! Grrr...

Bawat kaluskos ng pentel pen sa white board ay naririnig ko. Ganito pala talaga kapag tensyonado ka sa mga nangyayari sa paligid mo.

Ilang segundo ang lumipas bago ako marinig ang salita ni Ma'am Math.

"Very good, Frank!"

Dinilat ko ang mata ko. Nakita ko ang ngiting tagumpay ni Frank at ang manghang mukha naman ni Ma'am Math. Tumingin ako kay Grace at Conrad. Nakanganga ang dalawa kong kaibigan.

Nagsimulang umalingawngaw ang mga pang-aasar ng mga kaklase namin nung dahan-dahang lumalapit sakin si Frank.

"Frank at Zaira, huh?"

"Wooohoooo! Tindi mo talaga, pare!"

"Nabingwit rin ang matagal nang gusto!"

"FranZai na ito!"

Yan ang mga hiyawan at asar na narinig ko.

FRANZAI?!

Halos hindi maipinta ang mukha ko nang lumabas sa classroom na yun. Namumula ako. Bakit nga ba? Dahil ba sa kilig? Hmp! Asa, dre! Namumula ako dahil sa galit! Oo. Dahil nga sa galit!

"Girl, paano si JM?" Tanong ni Conrad sakin.

Tiningnan ko siya. "Anong paano si JM?"

"Diba he's courting you?"

"Oh?"

"Tapos kayo na ni Frank-"

"Hell, no! Hindi totoo yun!"

"Huh? Eh sabi ni Ma'am Math, diba?"

"Tsss.... Magpapanggap lang ako na sweet kay Frank kapag kaharap namin si Ma'am Math pero kapag nasa labas kami ng classroom at kapag hindi si Ma'am Math ang teacher, balik sa normal ang lahat. Tapos!"

"Tama na yan, Conrad. Sobrang stress na ang napapala ni Zaira." Tawa ni Grace.

"Bigyan mo nga ako ng beauty mo, Zai!" Utas ni Conrad.

"Gaga!"

Nagtatawanan kami nang biglang sumulpot si JM sa harapan ko. "Hi, Zai." Bati niya.

Ngumiti ako. "Hello, JM."

Magsasalita pa sana siya nang may isang lalaki ang tumawag sakin. "Zai baby!" Lumingon ako at laking gulat nang makita si Frank na humahangos palapit sakin.

Pinandilatan ko siya ng mata at sana naintindihan niya ang gusto kong iparating gamit lamang ang mga titig ko.

Lumapit siya sakin. "Bakit hindi mo ako hinintay, baby ko?" Nagtampuhan effect pa ang monggoloid! Kainis! Pero bakit parang gusto ko? Aish! Naiinis ka, Zaira! Naiinis!

"Teka, pare, bakit mo tinatawag na baby si Zaira? Una sa lahat, hindi na siya baby... Pangalawa, hindi siya sayo." Sabi ni JM.

Tiningnan siya ni Frank. "Hindi pa ba niya nasasabi sayo? Tss. Kawawa ka naman." Sabi niya.

Sumulyap sakin si JM. Tiningnan ko si Grace at Conrad na nasa likuran ni Frank. Manghang-mangha ang mga mukha nila habang nanonood sa tunggaliang nagaganap sa pagitan ni Frank at JM.

"Bakit ano ba ang dapat na sabihin sakin ni Zaira?" Tanong ni JM.

Sarkastikong tumawa si Frank kasabay nang pagharap niya kay JM at nang pag-akbay niya sakin. Tiningnan ko ang kamay ni Frank na dumapo sa kabilang balikat ko.

"Na kami na... Kaya pwede mo ng tigilan ang panliligaw sa GIRLFRIEND ko..." Utas ni Frank.

Namula ako. Hindi ko alam kung bakit. Sa galit o kilig? Tumingin ako kay JM. Binabaon niya si Frank gamit ang matatalim na titig niya. Namumula rin siya. At sigurado akong sa galit iyon.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon