Case 21

30.3K 664 68
                                    

PAKIBASA!

Gusto ko lang kasi magpasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa storya na ito. :) At dahil doon, nagbunga ang pagsuporta ninyo dahil as of now, ang Mary po ay Top 8 sa What's Hot ng Horror! Yehey! Sabog confetti! Chos! :D Bukod po doon ay promotion ito para sa newest story ko. The Fatal Test po ang title ng bagong kwento na tatakot sa umaga at gabi ninyo. :) Hahaha. Pwedeng huwag niyo munang basahin dahil disclaimer pa lang ang content niya. Medyo sabog ako :) Pero vote and comment kayo kung gusto niyo, hindi ko kayo pinipilt kaya huwag kayong magpapilit. :)

So, here's the update, guys. Enjoy!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Para akong bangkay nang pumasok ako sa school. Matapos ang field trip na yun ay para na akong bangkay dahil laging lumilipad ang isip ko. Normal ba ito para sa isang tao?

Napabuntong-hininga ako sa aking iniisip. Bakit ba kasi ginulantang ni Frank ang isip ko?

Nanlaki ang mata ko nang makita kong walang estudyante na gumagala sa quadrangle. Tumingin ako sa relo ko, maaga pa kaya hindi pa ako late.

Mistulan kasing parang ghost town ang school namin. Ano kayang nangyari dito?

Kahit takang-taka ako sa pagkawala ng tao ay tumuloy pa rin ako. Mukhang kami lang ni manong guard ang magkakasama ngayong araw.

Nagitla ako nang makakita ako ng tao sa harap ng classroom namin. No. Mali. Dahil halos lahat yata ng estudyante ay naroon.

"Excuse me."

Yan lang ang sinasabi ko para makadaan at makarating ako sa unahan ng kumpulan ng mga estudyanteng ito.

Nagbubulung-bulungan ang mga estudyante sa paligid ko. Nang makarating ako sa unahan ay agad kong napalapat sa bibig ko ang dalawa kong palad.

May namatay na naman sa classroom namin! Si Kael at Danny!

Si Kael ay nakabigti habang ang katawan ay puro dugo dahil sa dalawang kamay niyang putol. Si Danny naman ay walang saplot sa ibaba at nakakalat sa sahig ang pagkalalaki.

Napakabrutal ng pagkakapatay sa dalawa kong kaklase. Nakaramdam ako ng kung anong mainit sa may lalamunan ko kaya tinabig ko isa-isa ang mga estudyante para mabigyan ako ng daan.

Agad akong nagtungo sa cr at sumuka sa lababo. Suka lang ako ng suka nang bigla akong makarinig ng hagulgol sa may pinakahuling cubicle.

Tinitigan ko lang yung cubicle na yun. Nagdadalawang isip kung lalapitan ko ba o hindi. Pero lumakas ang pag-iyak kaya namayani saking isipan na lapitan ko yun.

Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang. Nang makatapat ko ang pintuan, agad kong hinawakan ang gitna nito at dahan-dahang itinulak paharap at laking gulat ko nang bumulagta sakin ang nakakatakot na mukha ni Mary.

"AHHHHHHH!" Sigaw ko at napaatras sa cubicle na yun.

Habang umaatras ako ay nakikita ko ang paligid ko. Tumutulo ang dugo sa bawat dingding at sulok ng cr.

Atras lang ako ng atras. Napatigil lang ako nang tumama na ang puwitan ko sa lababo. Napahawak ako sa dulo ng lababo. Palapit sakin si Mary. Humihilig ang ulo niya. Sa sobrang takot ko dahil sa nakakatakot niyang mukha, talaga namang kumakabog ang puso ko.

"Ano bang kailangan mo, Mary?" Iyak ko. Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa walang humpay na pagtulo ng mga luha ko.

"Natatakot ka na ba, Zaira?" Nakakatakot na boses ang naririnig ko sa kanya. Mas lalong kumabog ang puso ko.

"Please, Mary, tigilan mo na ang pagpatay sa mga kaklase natin... Wala silang kasalanan..."

Napatigil sa paglapit sakin si Mary. At dahil doon ay kinabahan ako lalo.

"Wala..." Mahina ang tono niya. "Wala..." Katamtamang tono. "WALA!" Napapikit ako nang dahil sa sigaw niyang yan. Mas lalo akong natakot sa mukha niya nang sumigaw siya. At mas nahabag ako nung sumigaw siya.

Mabilis siyang lumapit sakin at sinakal ako sa leeg.

"Sino ka para sabihin saking wala silang kasalanan? Alam mo ba ang sinasabi mo, mahal kong kaibigan?" Tanong niya sa nakakatakot na boses pa rin.

Nahihirapan akong sumagot at nahihirapan rin akong makahinga dahil sa pagsakal niya sakin.

"S-s-s-sabihin m-m-mo sakin, M-m-mary, s-s-s-sabihin mo kung a-a-a-ano ang g-ginawa n-n-nila..."

Humigpit ang pagkakasakal niya sakin kaya mas nahirapan akong huminga. Humihilig ang ulo niya nang ilapit niya sakin. Mas nakita ko ang nakakatakot niyang mukha.

"MARY!"

Hinahabol ko ang hininga ko. Tumigin ako sa paligid. Kulay puti at mayroong tatlong stretcher sa harapan ko. Sa magkabila ko rin ay mayroon.

"Zaira." Napatingin ako sa tumawag sakin.

Nakita ko si Grace, Conrad at JM. Agad pumasok sa isip ko kung nasaan si Frank. Aish! Bakit ko ba siya hinahanap?

"A-anong ginagawa ko dito? Nasaan ba ako?" Tanong ko.

Hinawakan ni Grace ang kamay ko. Nasa likuran niya si Conrad habang si JM ay nasa kabilang tabi ko.

"Nasa infirmary ka. Dinala ka dito ni JM," Sabay sulyap kay JM. "... Nakita ka niyang walang malay sa tapat ng cr ng mga babae..." Sabi ni Conrad.

"Kinabahan ako, Zaira. Akala ko kung anu nang nangyari sayo." Sabi ni JM.

Ngumiti na lang ako. "Salamat." Sabi ko.

Bumaling ako kina Grace at Conrad. "A-ano nga palang nangyari kay Kael at Danny?" Tanong ko.

"Ayun, sa biyernes ililibing ang labi ni Kael habang sa susunod na linggo pa ang kay Danny." Malungkot na sabi ni Grace.

Tumango ako. "Matanong kita, Zaira, nananaginip ka ba tungkol kay Mary? Kasi sinigaw mo ang pangalan niya kanina..." Utas ni Conrad.

Agad akong dinapuan ng kaba. Sumulyap ako kay JM. Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya. Hindi ko na lang pinansin dahil baka yun sa labis niyang pag-aalala sakin.

"O-oo." Sabi ko na lang.

"Anong napanaginipan mo sa kanya?" Tanong ni Grace.

"U-uh, sorry... N-nakalimutan ko na kasi..."

Tumango na lang si Grace. "Okay ka ba talaga, Zaira?" Pagsingit ni JM.

Nginitian ko siya. "Oo, JM. Salamat ulit." Sabi ko.

Ngumiti rin siya pabalik. "Wala iyon... Kahit na sinong lalaki ay gagawin iyon lalo pa kung mahal mo ang taong tutulungan mo..."

Ewan ko pero wala akong naramdamang kakaiba nang sinabi sakin ni JM iyan. Ibang-iba kapag si Frank ang bumibitaw ng mga salitang ganyan.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon