Case 56

21.9K 611 99
                                    

Nagising ako nasa kama na ako. Madilim ang paligid. Nasaan nga ba ako? Napatingin ako dun sa may awang nung pinto. Tanging ang ilaw lang doon ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid na kinauuglukan ko.

Nasaan na nga ba ako?

Napatingin ako sa gilid ko nang biglang may umilaw. Napagtanto kong kidlat iyon dahil sa kulog na sinundan nito. Tumingin ako sa kabila kong gilid at nakita ang isang alarm clock na ngayon ko lang nakita. Akin ba ‘to?

Teka…

Siya nga!

Wala ako sa bahay!

Na kina Popoy ako!

Agad akong tumayo sa kama ni… Kung kanino man iyon. Muntikan pa nga akong matapilok sa paa ng kama dahil sa dilim ng kwarto… Sumulyap ako sa orasan.

“Shit.”

Napamura ako dahil sa oras. 8:00PM na! Sigurado akong nag-aalala na sina Auntie sakin. Balak ko sanang itext sina Auntie, Denise, Zade, Frank o kahit sino sa kanila kaso hindi ko naman makita ang bag ko dahil sa dilim.

Kinapa ko ang bedside table. Mabuti at mayroong lampshade. Binuksan ko iyon at nagkaroon ng ilaw kahit papaano. Nilibot ko ang tingin ko ngunit wala doon ang bag ko.

Bigla kong naalala na naiwan ko iyon sa kusina nila Popoy nung nag-CR ako. Kaya naman agad akong bumaba at nagtungo sa kusina.

Nakita ko doon ang bag ko na nasa high chair sa kusina nila Popoy. Agad ko itong nilapitan at hinalungkat para sa cellphone ko. Nagtext ako sa kanila. Pipindutin ko na sana ang “Send” button kaso biglang nag-appear ang mga katagang “Low Battery Shutdown”.

“Shit talaga!” Napalakas na ang mura ko.

Padabog kong binalik ang cellphone ko sa bag at sinukbit ito saking balikat. Naglakad ako papunta sa pintuan ng kusina nang biglang bumalandra sakin ang katawan ng katulong nila Popoy sa harapan ko. Napaatras ako ay napahiyaw ng bongga.

“AHHHHHHH!”

Tinulak ko ito at tumakbo palayo. Hinahabol ko ang hininga ko. Shit. Sino ang may gawa nito? May nakapasok bang magnanakaw? Tumingin ako sa front door nila Popoy na nasa gilid ko ngayon. Hindi naman ito nakabukas o ano. Imposible namang sa backdoor sila dumaan sapagkat wala namang backdoor sina Popoy. Napatingin ako sa hagdanan ng may marinig akong kalampag galing sa taas.

Kinakabahan na ako!

Dahan-dahan akong umakyat sa second floor nila Popoy. Sinalubong ako ng dalawang hallway. Isa saking kanan at ang isa saking kaliwa. Sa pagkakatanda ko, sa kaliwa ako nanggaling kanina. Napatingin ako sa kanang gawi ko, nakita kong nakaawang ang isang pintuan doon. Napalunok ako.

Dahan-dahan akong lumapit doon. Nanlamig ang kamay ko nang hawakan ko ang doorknob. Nangatog naman ang mga binti ko nang makatapak ang dalawa kong paa sa loob ng kwarto.

Natatakot ako!

Kinapa ko ang gilid ko para sa switch ng ilaw sa kwarto, mabuti na lang at nakapa ko ito. Agad ko itong pinindot at bumukas ang ilaw.

Bawat hakbang ko ay nangangatog din ang mga tuhod ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Napatigil ang tingin ko sa study table na mayroong family picture.

Family picture nila Popoy at ng kanyang mga magulang.

Nilapitan ko iyon. Nakita ko ang mga libro at notebook ni Popoy. Mayroon pa nga doon na report na alam kong assignment naming sa AP. Balak ko sanang kuhanin iyon dahil bukas ang pasahan at wala pa akong nagagawa kaso naawa ako kay Popoy. Pinaghirapan at pinagpawisan niya iyon. Ayokong kuhanin na lang bigla. Kaya huwag na lang.

Binaba ko ulit ito. Napatingin  naman ako sa isang drawer doon na nakabukas ng kaunti. Tumingin ako sa pintuan, wala namang tao kaya inusisa ko ang drawer na nakabukas.

Nakita ko doon ang samu’t saring larawan ni Mary. Ganito ka-obsess si Popoy saking kaibigan?

Nang matapos kong tingnan ang mga larawan ni Mary, dumako ang tingin ko sa isang parang baul. Nilapag ko ang mga larawan sa study table mismo at iyong baul naman ang inusisa.

Binuksan ko ito at may nakita akong iba’t ibang uri ng gamit.

Isang bracelet.

Isang hikaw na ang estilo ay pang-lalaki.

Isang kwintas na may letrang “C”.

Isang anklet na silver.

Isang clip na kulay pink.

Isang dogtag.

Isang singsing na may bungo sa gitna.

Anu-ano ang mga ito? Napakunot ang noo ko. May nabubuong ideya sa isipan ko. Bakit mayroong mga bagay si Popoy na pagmamay-ari ng mga kaklase naming namatay na?

Iyong bracelet, nakita ko na itong suot ni Verna.

Itong hikaw na ang estilo ay pang-lalaki, nakita ko nang nag-suot si Rocco nito. Minsan nga’y napagalitan pa siya dahil bawal maghikaw ang mga lalaki sa school.

Itong kwintas na may letrang “C”, ito ang lucky charm ni Calliope ayon sa kanya kaya siya laging nakakapasa sa exam naming at nakakakuha ng mataas na grado.

Ito namang anklet na ito, alam kong kay Janette ito dahil minsan na rin niya itong pinagyabang sakin dahil nga silver ito at limited edition daw.

Ito namang clip na pink na ito, mayroon nito si Heather. At alam kong sa kanya ito dahil minsan ko rin itong hiniram nang pumasok akong sabog-sabog ang aking buhok.

Ito namang dogtag. Alam kong kay Danny ito dahil may pangalan na naka-ukit. Danny “Dan” Escalante.

At ito. Itong singsing na may bungo sa gitna. Kay Kael ito. Hindi ako pwedeng magkamali dahil lagi ko itong nakikita na suot niya.

“Nandito ka lang pala.”

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Napalingon ako at nakita si Popoy. Nanlaki ang mga mata ko. Holy shit.

Tumingin siya sa mga kamay ko at nagtaas ng kilay. “At naghalungkat ng mga gamit ko.” Matabang ang tono niya.

Natataranta kong inilapag ang baul sa study table niya. “U-uhm, h-hindi naman…”

Ngumisi si Popoy. Kinilabutan ako.

“U-uh, uuwi na nga pala ako, Poy, gabi na, e. Nag-aalala na sila Auntie.” Sabi ko at pinilit na maging okay kahit na basa na ang kili-kili ko sa  pawis dahil sobrang kaba at takot.

Takot… Bakit? Hindi ko alam.

“Sige, ihahatid na kita…” Sabi ko.

“Nako, huwag na…” Sabi ko.

“Ako ang nagdala sayo dito kaya ako ang magdadala sayo sa bahay niyo.” Seryosong sabi niya.

Napalunok ako. “S-sige.”

Wala akong nagawa kung hindi ang pumayag. Sumakay ako ng kotse nila Popoy nang tahimik. Ngayon ko lang nalaman na nag-dadrive pala si Popoy.

Napansin kong lumiko si Popoy sa maling direksyon.

“Poy, mali yata ang daan mo.” Sambit ko.

Tumigil sa pagmamaneho si Popoy. Muntik pa nga akong mauntog sa dashboard ng kotse niya.

“Poy! Mag-ingat ka nga!” Hiyaw ko nang nakatingin sa daan. Bigla na lang may panyo na tumakip sa bibig ko. May naamoy akong kung ano sa panyo dahilan para mapapikit ng kusa ang mga mata ko.

“Shhh. Matatapos na lahat ng ‘to. Lahat-lahat ng paghihirap mo, Zaira…” Sabi ni Popoy sa tainga ko. “Tapos na…”

Sabi ko na nga ba!

Hindi si Mary ang pumapatay sa mga kaklase namin!

Si Popoy! Siya! Siya ang killer!

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon