Case 50

25.1K 563 36
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng klase nang makita ko yun. Yung mga nangyari kay Mary bago siya mamatay.

"Zai, okay ka lang?" Tanong ng katabi ko.

Hindi si Frank ang katabi ko. Asa naman at magpansinan pa kami pagkatapos nang nangyari. Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok. Wala akong balita tungkol sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Si Popoy ang katabi ko ngayon. Mayroon kasi kaming activity ngayon sa Math. At kaming dalawa ang magka-pair kaya magkatabi kami. As usual. Problem solving.

"Poy, nakita ko ang mga nangyari kay Mary bago siya patayin." Bulong ko.

Natigilan sa pagsusulat si Popoy. Nag-angat siya ng tingin. Sumulyap siya kay Ma'am Math na ngayon ay tutok na tutok sa kanyang class record.

"Paano mo nakita?" Tanong niya. Hindi ko na iyon nasagot dahil biglang nag-angat nang tingin si Ma'am Math at nilibot ang buong classroom.

"Silencio!" Utas niya. "Kapag nahuli ko yang mga bubuyog na nagbubulungan na yan, automatic zero na kayo sa activity ngayon. Understood?"

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagsosolve at tinulungan si Popoy. Isinantabi ko muna ang lahat ng bagay na bumabagabag sakin dahil kailangan ko ring pagtuunan nang pansin ang aking pag-aaral.

Lumipas ang dalawang oras na klase namin sa Math. Tila parang mga nakawala sa coral ang mga kaklase. Tila para silang mga nabuhayan nang diwa ng magdismiss si Ma'am Math. Umalingawngaw ang ingay nila kahit na kakaunti na lang kaming Grade 12-A students.

Nag-aayos ako ng bag ko nang bigla akong hatakin nang kung sino. Tiningnan ko ito at si Popoy pala.

"Paano mo nakita, Zaira? Anong nakita mo?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Basta nakita ko na lang lahat." Sagot ko sa una niyang tanong.

"Nakita ko ang lahat nang nangyari kay Mary, bago siya mamatay. Nagkaroon sila ni JM nang mutual understanding. Naputol lang lahat nang kinidnap siya nang hindi kinikilalang tao at hinampas sa kanya ang hawak nitong baril." Sagot ko sa pangalawa niyang tanong.

Suminghap si Popoy. Maging ako rin ay nagulat. Hindi ko akalain na may ganun palang nangyari sa pagitan ni JM at Mary. Pero bakit kahit kailan ay hindi ito nabanggit sakin ni JM o ni Mary nung nabubuhay pa siya? Hindi kaya tinago nila ito sa lahat? Aish. I need more evidence! I need more patterns!

"Bakit, Poy?" Tanong ko.

Napatingin kami ni Popoy dun sa sumigaw saking pangalan.

Si JM na tumatakbo palapit samin. Sakin.

Tumigil siya sa harapan ko pero hindi nagsalita. Lumingon siya at madiing tiningnan ang nasa harapan ko. "Ba't kasama mo 'to?"

Kinailangan ko pang hawakan sa braso si JM dahil sa tonada ng boses niya, parang hinahamon na niya si Popoy nang suntukan.

"Nag-uusap lang kami, JM." Sabi ko.

Sumulyap siya sakin. Sulyap lang. "Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni JM.

Kumunot ang noo ko sa tanong ni JM. Naiinis ako. Nakakairita na ang mga ginagawa niya. He's being too much possessive. Na hindi naman kailangan. Na hindi naman dapat. Na hindi naman talaga dapat. Because he has no right to own me. I'm not his property. And I will never be.

Only Frank can own me. Only him.

"I'm just talking to her, dude." Utas ni Popoy.

"Hindi tayo tropa." Bulyaw ni JM.

"JM! Ano ba!" Hiyaw ko. Ramdam ko ang ibang tingin ng mga estudyante saming tatlo.

I hate this shits.

"Okay lang, Zai." Utas ni Popoy. "Naiintindihan ko naman ang pagiging possessive ni JM. Kahit naman siguro ako, e. Kung mahal na mahal ko yung babae tapos nakita ko siyang may kausap at kasamang ibang lalaki ay siguro susugurin ko rin." Dugtong niya.

"Get your own girl. 'Cause she's mine." Mariing sabi ni JM.

"I know. She's yours. At wala akong balak na agawin si Zaira sayo." Sabi ni Popoy at ngumisi. "Naguguluhan lang ako kung sino ba talaga sa dalawa ang boyfriend mo. Si JM ba o si Frank?" Nanunuyang tanong ni Popoy.

Kanina pa siya nakangisi kay JM pero nang sabihin niya ang huli niyang sinabi, nagbigay ng ibang kahulugan ang kanyang ngisi. Naging makabuluhan ito.

"Sige, Zai, mauna na ako." Utas ni Popoy at naglakad na papalayo samin. Pinanood namin siya ni JM kasabay ang iba pang mga estudyante.

"Asshole." Bulong ko. Nilingon ako ni JM.

Wala akong pakielam kung narinig niya ba o hindi ang sinabi ko. Basta ang alam ko, yun ang dapat nabitawag sa kanya ngayon.

"I'm not being an asshole or jerk. I'm just clarifying him that you're mine."

I scoffed. I'm his? Psh. What a lie! I will never be his. Never ever in my life that will happen.

"Nawala nga si Frank. Dumagdag naman ang unags na yun! Kailan ba ako mauubusan nang karibal sayo?"

Napatigil ako. "Nawala? Si Frank? Bakit?" Takang tanong ko.

Kinabahan ako. Baka hindi tumupad sa usapan si JM. Baka... tuluyan na niyang pinatay si Frank?

"Don't worry. I can keep my promises. Ikaw yata ang hindi marunong tumupad sa usapan, e." Utas niya.

Napalunok ako. Natamaan ako sa sinabi niya. Kasi totoo naman. Hindi ako marunong tumupad sa usapan. Isang patunay ang usapan namin ni Frank. Na haharapin namin ang lahat ng magkasama.

"He's gone not because he's dead." Sabi ni JM. Nakahinga ako ng maluwag. "He's gone because he left the Philippines last week."

Nanlaki ang mga mata ko.

UMALIS NG BANSA SI FRANK?! Bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit hindi ko alam? Hay! Stupid, Zaira! Paano mo malalaman, e, malamang galit sayo yung tao!

"He left you, Zaira. Face it." Sabi niya. "He left you 'cause he doesn't love you."

Parang pinipiga ang puso ko nang sabihin iyon ni JM.

He's such an asshole. Akala ko noon si Frank na ang pinaka-asshole sa lahat ng asshole. May mas lalala pa pala sa kanya.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon