Case 35

26.7K 530 52
                                    

Mabuti na lang talaga at mayroong gatepass itong mga katropa ni Frank kaya nakalagpas kami sa gate ng school ng walang kahirap-hirap.

Pagkarating namin sa warehouse na sinasabi nung katropa ni Frank ay wala na akong naabutan kung hindi ang isang silya na may katabi'ng mesa na puno ng kung anu-anong gamit na ginagamit ng mga karpintero.

Kinilabutan ako.

Napansin ko rin ang silya na may bahid ng dugo pati ang sahig na kinalalagyan nito. 

Mas lalo akong kinilabutan.

Lumingon ako at nakita ko si JM sa likuran ko.

Sumama pala ito.

Hindi sumama si Grace?

Nakita ko si JM na namumutla pero bakas pa rin sa mukha niya ang galit. Bumaling ako ng tingin dun sa katropa ni Frank na may kausap sa kanyang cellphone. Malakas ang kutob ko na tungkol kay Frank ang pinag-uusapan nila kahit na hindi ko naririnig ang pag-uusap nila.

"N-nasaan si Frank?" Tanong ko nang ibaba niya ang cellphone niya.

"Nasa ospital na siya."

"Saang ospital?" Tanong ko.

Hinawakan ni JM ang braso ko. "Bakit concern ka sa kanya, Zaira?" Tanong niya kasabay nang pagbato niya sakin ng matatalim na titig.

"Kaibigan ko siya, JM. Natural lang na maging concern ako sa kanya." Sagot ko.

"Kaibigan lang ba talaga, Zaira?"

Napalunok ako sa tanong niya. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin kay JM na mahal ko si Frank kaya ganito na lamang ako mag-alala sa kanya.

Shit.

"Oo. Kaibigan ko lang siya." Sabi ko. Nakita ko agad ang pag-iba ng ekspresyon niya. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa pag-iba ng kanyang ekspresyon. Dahan-dahan niya akong binitawan.

"Sa may St. Peter's Hospital daw."

Malapit lang ang ospital na yan rito. Tumingin ako sa relo ko. Mayroon pa akong 30 minutes na natitira bago ang susunod na klase namin. Mahigit limang minuto ang byahe papunta roon kapag nakasasakyan ka. Kung maglalakad ka, fifteen minutes. Kapag naman tumakbo ka, ten minutes.

Wala akong sasakyan.

Matatagalan ako kung lalakarin ko iyon.

Kaya...

Agad akong tumakbo. Nagulat si JM at yung katropa ni Frank sa ginawa ko.

"Zaira!" Rinig kong sigaw ni JM sa may likuran ko.

Hindi ako nag-abalang lingunin siya. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa St. Peter's Hospital.

Hingal na hingal ako nang tanungin ko sa receptionist ng ospital kung mayroon silang pasyente'ng may pangalan na Frank Lavarino at mayroon nga!

Hindi ko alam kung sinundan pa ba ako ni JM o ano. Pero sa palagay ko ay hindi na dahil wala siya rito sa ospital. Baka bumalik na iyon sa school. Tumingin ako sa relo ko. 20 minutes pa. Tama nga ako. 10 minutes lang ang aabutin kung tatakbuhin ko ito.

Nagtungo ako sa emergency room ng ospital kung saan nakita ko roon si Principal Francis na naka-uniporme pa ng pang-principal niya habang nakaupo at nakahalukipkip. Katabi niya ang isang babae na pamilyar sakin.

Tama!

Ito iyong mama ni Frank.

Nakita ko siya nung pumunta ako sa bahay nila Frank dahil nagkasakit siya. Kaso sa picture lang.

Nag-aalinlangan akong lumapit sa kanila. Marahil dahil nandoon ang principal ng school na pinapasukan ko. Sigurado akong kukuwestyunin niya ang presensya ko rito.

"Kayo po ba ang mga magulang ng pasyente?" Tanong nung doctor. Tumayo si Principal Francis at ang mama ni Frank kaya agad akong nagtago sa may pader para hindi nila ako mapansin at makita.

"Opo, kami nga po." Sabi ni Principal Francis.

"Nasa room 305 po ang anak ninyo. Nagpapahinga."

Ewan ko ba pero kinabahan ako nung sabihin nung doctor na nagpapahinga si Frank.

Para kasing double meaning.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit. Baka nga yun ang ibig sabihin nung doctor!

Agad akong tumakbo patungo sa room 305 kung nasaan si Frank.

Pagkarating ko roon ay agad akong pumasok sa kwarto at nakita ang isang katawan na nakatakip ng kumot. Para akong binagsakan ng langit at lupa.

Shit.

Wala na si Frank.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon