Case 54 (Flashback)

24.1K 606 71
                                    

MARY'S POV

Nagising ako nasa isang kwarto ako. Tumingala ako at nakumpirma kong ito lang ang tanging ilaw sa kwarto. Itong nakatutok sakin.

Nagpumiglas ako sa pagkakatali ko sa upuan. Shit.

“PAKAWALAN NIYO AKO!” Sigaw ko.

Bumukas ang pinto. Hindi ito gaano kalayo sa kinauuglukan ko. Ibig sabihin, maliit lang ang kwartong kinalalagyan ko.

Pitong anino ang nakita kong pumasok sa loob. Sino ba ang mga ito?

“Nasaan ako?! Saan niyo ako dinala?!” Tanong ko.

Pinaikutan nila ako kaya nakita ko ang mga mukha nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kaklase kong sina Verna, Rocco, Calliope, Janette, Heather, Danny at Kael.

“Ano bang kasalanan ko sa inyo, huh?” Tanong ko sa kanila. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko pero mukhang nauunahan na ako ng kaba at takot sa mga pwedeng mangyari sakin.

“Wala ka namang kasalanan samin, e.” Sambit ni Rocco.

“Trip lang naming ‘to.” Sabi ni Calliope.

Napalunok ako. Eh mga adik pala ito, e. Ano bang kasalanan ko sa kanila?

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Nakakita ako ng mga pakete na may laman na kulay puti na parang polbo at mayroon ring posporo, lighter, bongs at mga papel.

Mga nakahithit ba ‘to?

“MGA ADIK KAYO! PAKAWALAN NIYO AKO!”

Humalakhak silang lahat. Nahabag ako. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan nila.

“Why would we, Mary? Nandito ka na… Uumpisahan na namin ang trip namin.” Sabi ni Heather at naghalakhakan ulit sila.

MGA BALIW!

Lumapit sila sakin. Nakita kong may mga hawak silang kung ano. Tanging si Rocco, Calliope, Danny at Kael ang walang dala.

Lumapit si Verna sakin at sinampal ako. Sa sobrang lakas nun, napasuka agad ako ng dugo.

“You’re so weak, Mary! Sumuka ka agad ng dugo!” Sambit ni Verna at pinagbubugbug pa ako. Mga 15 minutes tumagal ang pambubugbog niya sakin. Ilan doon ay hindi masakit. Pero karamihan ay masakit.

Sumunod ay si Janette na may hawak na dos por dos. Hinampas niya ako nun sa hita. Ang sakit! FUCK!

Paulit-ulit niya iyong ginawa. Nakasampung palo siya saking hita. At hindi pa siya nakuntento, hinampas niya rin ang magkabila kong braso pero hindi iyon masakit. Marahil dahil sa naubos ang lakas niya sa pagpalo sa mga hita ko.

Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay tumigil na ang dugo ko sa buong katawan. Lalapit pa sana si Heather pero pinigilan siya ni Danny.

“Tama na.” Mahinahong sabi ni Danny. Tumingin ito sakin. “Okay na yan. Tama na.” Sabi niya.

Ngumuso si Heather. “Ang sabihin mo, naaawa ka sa kanya! Dahil… May gusto ka sa kanya!” Utas ni Heather at nag-walk out.

Napatungo si Danny. Tinapik siya ni Kael sa balikat. “Say goodbye to her, dude. Di rin yan tatagal.” Sabi ni Kael at lumabas na rin sa kwarto.

Sinulyapan ako ni Verna bago umalis. Si Rocco at Calliope naman ay umalis na din.

Naiwan kami ni Danny dito. Lumapit si Danny sakin.

“Okay ka lang ba?” Tanong niya.

Inipon ko lahat ng dugo ko sa bibig at idinura sa kanyang mukha. Napapikit si Danny sa ginawa ko. Kita ko ang dugo sa kanyang mukha.

“Anong klaseng tanong yan? Nag-iisip ka ba?” Nanunuya kong tanong.

Nakita ko kung paano mag-igting ang panga ni Danny. Tumayo siya at laking gulat ko nang mag-unbuckle siya ng kanyang belt at nang ibaba niya ang kanyang pants kasama boxers.

“A-anong gagawin mo, D-danny?” Natatakot kong tanong.

Hinawakan niya ang hita ko. Napasigaw ako sa sakit. Ibinuka niya iyon at dun, idiniin niya ang kanyang sarili.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko habang siya ay sarap na sarap sa kanyang ginagawa.

Fuck you, Danny! Fuck you, Verna! Fuck you, Janette! Fuck you, Heather! Fuck you, Rocco! Fuck you, Calliope! Fuck you, Kael! FUCK YOU ALL!

Tulala ako nang matapos siya sa kanyang ginagawang kababuyan sakin.

Tang*na mo, Danny!

Hinalikan niya ako sa pisngi pero iniwasan ko yun. Sinampal niya ako.

“Sayang! Type pa man din kita!” Sigaw niya at iniwan na ako.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Hindi ko alam kung anong oras na. Ni hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong makita dahil sa madilim masyado. Binababoy nila ako. Ano bang kasalanan ko sa kanila? May ginawa ba akong mali para maranasan ko ‘to? Humagulgol ako. Shit. Mabubuhay pa kaya ako? Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita ang mga anak naming ni JM. Kung paano kami tatanda nang magkasama.

What did I do to deserve this?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Dahan-dahan siyang lumalapit sakin.

Laking gulat ko nang makita ko si JM.

“J-JM?” Sambit ko. Nangingilid na naman ang mga luha ko.

Lumunok siya nang pasadahan ako mula ulo hanggang paa.

“J-JM, t-tulungan mo ako.” Sabi ko. Pagmamakaawa ko.

Lumapit siya at lumuhod sa harap ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko.

Pumikit siya. “I-im sorry, Mary. Hindi ko ginusto ‘to para sayo.” Sabi ni JM.

Nanliit lalo ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin?

“I-im really really s-sorry, Mary. God!” Sabi niya.

Tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong may maramdaman o ano.

Tumayo si JM. May kinuha siya sa bulsa niya sa likod. Itinaas niya ang isang matalas na balisong.

Lumuhod ulit siya. Napalunok ako. “I’m sorry… Please, Mary, forgive me.” Sabi niya. “Gagawin ko ‘to para hindi mo na maranasan ang impyerno sa kamay nilang lahat…” At itinusok sakin ang balisong.

Gumuho ang mundo ko nang gawin iyon ni JM. Maging ang puso ko ay sumabay sa pagguho.

May kinalaman pala siya? Kasabwat ba siya dito? Bakit? Bakit niya nagawa sakin ‘to? Paano niya nagawa sakin ‘to? Akala ko pa naman ay mahal niya ako… Nagkamali ako… Nagkamali ako…

May lumandas na luha sa mata ko. Masakit malaman na ang taong mahal mo at inakala mong mahal ka rin ang siyang magwawakas sa buhay mo.

“Patawarin mo ako, Mary… Hindi ko ginusto ‘to…” Paulit-ulit niya itong sinaksak sakin hanggang sa nandilim na nga ang paningin ko.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon