Case 45

26.6K 581 110
                                    

"Zaira, iyong binilin ko sayo... Huwag mong kalilimutan..." Sabi ni Auntie bago ako umalis ng bahay papunta sa school.

Tumingin ako kay Auntie pero hindi pala siya nakatingin sakin. Bumaling ako kay Denise. Siya pala ang nakatingin sakin.

Suminghap ako. 

"Opo. Sige po, alis na ako." Sabi ko at nagmadaling lumabas ng bahay.

Nakakailang singhap na ako pamula pa kaninang umaga. Ang bigat kasi sa pakiramdam nung nalaman ko 'yun.

Hindi ko naman alam na nasabak na pala sa tanan si Denise. Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang mamatay ang mga magulang ko at dalawang buwan na rin akong nakikitira kina Auntie dahil siya ang kumupkop sakin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Auntie.

Pero nahihirapan ako. Totoo kaya ang sinabi ni Auntie na ginagamit lang ako ni Frank dahil sa pinsan ko o stotoo ang sinasabi ni Frank na hindi niya alam na pinsan ko si Denise at tuluyan na niya itong nakalimutan dahil sakin?

Sino ba ang dapat kong paniwalaan?

Si Auntie na kamag-anak ko, nakasama ko na ng matagal at ang kumupkop sakin nang mamatay ang mga magulang ko?

O si Frank na kailan ko lang nakilala pero minahal ko na ng lubusan?

"Zaira! Zaira!" 

Hindi pa man din ako nakakalayo sa bahay ay may tumawag na sakin. Alam kong si Denise ito kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. Masyadong magulo ang isip ko ngayon para pakinggan ang panig niya. 

"Zaira..." 

Pero nabigo ako.

Hinarangan niya ang daanan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinihingal siya nang hawakan niya ang dalawa kong braso. Naka-uniporme na siya nang pamasok niya sa eskwela.

"P-pakinggan mo muna ako. Please?"

 Suminghap ako. Gusto kong marinig ang paliwanag niya.

"Zaira, mahal kita..." Sabi niya. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Seryoso. Parang gusto ko ng maniwala. "Mahal na mahal na kita... At hindi ko alam na mag-pinsan kayo ng ex kong si Denise... Kaya please lang..." 

"... Huwag mo ako lalayuan, huwag mo ako iiwasan..." Sabi niya. "Dahil hindi ko kaya..." 

Parang tinunaw ang puso ko. Kapag talaga nagsalita na si Frank ng mga salita at katagang ganyan, hindi ko kinakaya. Isang ganyan niya lang, natutunaw ang galit, pangamba at takot na nararamdaman ko saming dalawa. 

Ngayon, mapapatunayan kong mahal niya nga talaga ako.

Nawindang ako nang bigla niya akong yakapin. "Natatakot ako kapag hindi ka nagsasalita... Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan mo..." 

Napapikit ako. Mahal na mahal ko talaga 'tong mokong na 'to. 

"Mahal din kita..." Sabi ko.

Kumalas siya sa yakap. Nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha. 

"Baby, you made my life complete." Sabi niya at hinalikan ako sa gilid ng labi. 

Aaminin kong nabigo ako dahil hindi sa mismong labi ko niya ako hinalikan. Nakakainis. 

"PDA is not allowed in this school. I'm sorry. Later, okay?" Sabi niya.

Sinikmuraan ko siya. "Perv!" 

Nakahawak siya sa kanyang tiyan. "Sadista!" 

Inirapan ko siya at naglakad na.

"Sabay tayong kumain mamaya." Sabi niya sa gilid ko.

Mary (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon